CHAPTER 33: Limitation

312 15 0
                                    

Chapter 33
[Limitation]

"SINONG may gawa nito?!" Sigaw ni Liam sa galit. Nilingon ko siya.

Mabilis akong lumapit kay Sean na buhat si Grasya. Napalunok ako at tumingin kay Liam.

"Si Sir Axton--"

"A-Ano?!" Putol niya sa akin.

"Siya ang gumawa nito! Traydor siya! Niloko niya tayong lahat!" Natigilan siya habang nanlalaki ang mga mata. Inalis ko na ang tingin sa kaniya at bumaling nalang kay Grasya. Binasa ko ang labi at tinapat ang kamay sa ilalim niya kung nasa'n ang likuran niya.

Dahan dahan kong hinugot ang punyal na nakabaon doon. Nanginginig ko itong hinawakan ng tuluyan ko itong mai-alis sa kaniya. Agad ko itong tinapon. Muli kong tinapat ang kamay ko sa likod niya.

Habang ginagawa ko iyon ay nakita ko si Lima na umalis sa tabi namin at sinugod si sir Axton.

Pinilit kong magconcentrate sa pagpapagaling ko kay Grasya. Pumikit ako at mas dinama ang isa pang kapangyarihan. Naramdaman ko ang paglabas ng isang enerhiya sa palad ko na tumatama sa sugat na ginawa ng punyal. Dahan dahan akong nagmulat at nakitang nagliliwanag na ito at nagsisimulang magsara ang sugat. Nakita ko rin si Grasya na nagmumulat na. Ibinaba siya ni Sean.

Tiningnan ko silang apat. "Umalis na kayo. Tumakas na kayo. Mahina pa ang mga katawan niyo kaya sigurado akong mahihirapan kayong gamitin ang inyong mga majika.." Tumango sila sa akin.

"S-Si Liam.."

"Let's go, Everly!" Si Zella at hinila si Grasya na nagtangkang maglakad papunta kay Liam.

Pinagmasdan ako ni Sean at hinawakan ang braso ko. "Mag iingat ka, Aseila..babalikan kita. Iaalis ko muna dito sina Zella," tumango ako sa sinabi niya saka sila tumakbo palayo.

Nang makaalis sila ay nilingon ko na si Liam na tila may sinasabi sa kaniyang tiyuhin. Malayo sila kaya hindi namin marinig ni Dylan.

Lumapit ako kay Dylan. Nakita ko pa ang paglingon niya kila Sean na tumatakbo palayo saka ako nilingon.

Tumakbo ako palapit kila Liam, sumunod si Dylan.

Ngayon mas narinig ko na.

"Pero bakit si Eurella?!"

"Dahil kailangan!" Napatiim bagang ako. Kinuyom ko ang mga kamao sa nararamdamang galit. Napalingon sa amin si Sir Axton.

Muli niyang tinitigan si Liam na agad ding mapatitig sa kaniya. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang kakaibang pagtitig niya rito.

Parang natigilan si Liam.

"At dahil pamangkin kita, hindi kita sasaktan...Kaya, inuutusan kitang ang mga kaibigan mo ang saktan mo!" Nanlaki ang mga mata ko nang inutos niya iyon ay biglang tumango si Liam! Tila nawala sa sarili.

Dahan dahan kaming nilingon ni Dylan.

Napailing ako.

"No," humakbang ako paatras. Anong nangyari kay Liam?! Nakontrol siya ni sir? Akala ko ba'y ang kapangyarihan niya ay kumontrol ng anino? B-Bakit ganito? Pagkontrol ng isipan ang abilidad niya!

Pumunta sa harap ko si Dylan.

"Liam.." pagtawag niya pero parang walang naririnig si Liam.

Hinugot niya ang espada at nagpatuloy lang sa paglapit sa amin. Hinugot ko rin ang aking espada. Nang bumwelo na siyang saktan kami ay agad iyong sinalag ni Dylan.

Mas lalo akong nagalit dahil sa ginawa niya kay Liam. Muli kong tinitigan si Sir Axton na nakahalukipkip lang at nanonood sa amin.

"Fvck! Liam!" Pagtawag pa ni Dylan pero parang wala ng kilala si Liam. Muli akong umatras ng labanan na ni Liam si Dylan. Ngunit hindi lumalaban pabalik si Dylan. Tanging pag iwas at pag salag lang ang ginagawa niya.

The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon