CHAPTER 15: Welcome Back

387 15 8
                                    

Chapter 15
[Welcome back]

Zella's P.O.V

BUONG araw ay nagsanay kami ng wala sina Sean at Aseila..hmm? Hehe, ano kayang--

"Hoy, Norte ba't ka ngumisi-ngisi mag isa d'yan, you look stupid," I rolled my eyes as I heard that to my favorite enemy, Everly.

"Wala kang pake, kung gusto mo ngumisi ka din mag-isa, tapos tumawa ka na rin para mas maganda. And don't make fun about my last name, it's not Norte..it's North." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Anong make fun ka d'yan? Tinagalog ko lang ah!"

"Whatever!" Sigaw ko sa kanya sabay irap.

Muntik pa akong mapatid sa isang ugat ng puno na nakaangat. "Mygosh."
Dahil sa dilim ng kagubatan ay halos hindi ko na maaninag ang nilalakaran ko.

Pauwi na kasi kami sa bahay. Si Dylan na nangunguna sa amin ay halos hindi nakita ang pagkapatid ko dahil sa bilis maglakad. Hindi naman halatang nagmamadali umuwi, ano?

Samantalang kasabayan ko lang ang dalawa-- na sina Everly at Hangin-- na parang magjowa pero hindi naman. Napairap nalang ako.

Pagkarating namin sa bahay ay nakita agad namin si Sean sa sala na nakaupo lang sa upuan na gawa sa kahoy habang nakasandal ang likuran sa sandalan ng upuan. Nakatingala siya at nakatulala sa kisame, ng makita ang pagdating namin ay umayos siya ng upo and then napatayo.

Nakita ko si Dylan na napako ang tingin sa nakasarang pintuan ng kwarto namin nila Aseila.

"What happened?" Dylan asked while his eyes are only on the door.

Napatingin ako kay Sean. I saw the sadness of his face... "Hindi siya lumabas..binantayan ko lang siya dito." Napatingin siya sa sahig.

Lumapit si Dylan sa pintuan saka siya kumatok. "Vesta..." Mahinahong sabi niya. Oh my gosh.

Nagkatinginan kami nina Everly at Liam. Tiningnan ko din si Sean but he's not looking at us. He only sighed then naupo na ulit siya at napatingin na naman sa sahig. Uhmm..

Hinintay namin ang response ni Aseila, walang sumagot kaya nagsalita na ako. "Hey, Aseila pagod kami ni Everly sa training. Pakibuksan ang pinto at inaantok na ko! Tandaan mo, share tayong tatlo sa kwarto kaya 'wag mong solohin!"

Mabilis na napalingon silang lahat sa akin. Nakatanggap lang naman ako ng masamang tingin galing sa kanila lalo na kay Dylan. Ano bang mali sa sinabi ko? Totoo naman kasing pagod kami at saka di naman niya solo ang kwarto na yon, share kaya kaming tatlo kaya 'wag niyang sarilinin ang kwarto.

"What?" Mahinang sigaw ko kina Dylan dahil masama pa rin ang tingin nila sa akin.

And then finally, nagbukas ang pinto. Maliit lang na awang iyon, but at least binuksan niya na... I smirk.

Tinignan ko isa isa ang mga kasama ko na may yabang sa mga mata, saka ako nagkibit balikat. "See?"

Nauna nang pumasok si Everly sa kwarto kaya sumunod na din ako.

Pagkapasok ay nakita ko si Aseila na nakahiga patagilid na nakatalikod sa side namin. Nakaupo sa gilid niya si Everly na nakahawak sa balikat niya at sinusubukang kausapin.

"Miss...are you okay? Kumain ka na ba?" Hindi sumagot si Aseila. Hindi na ako lumapit pa sa kaniya at kumuha nalang ng mga damit para maligo.

Ayoko ngang lumapit...baka mamaya galit pa yan, maisip pa kong sunugin..

~~

NAKARAMDAM ako ng paggalaw kaya minulat ko ang mga mata ko. Naka side akong nakahiga habang nakatalikod kina Aseila at Everly. Si Aseila kasi ang nasa gitna namin.

The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon