CHAPTER 16: Changed

349 16 8
                                    

Chapter 16
[Changed]

Zella's P.O.V

KANINANG umaga ay nag ensayo na naman kami. Pero 'di pa rin sumama si Aseila sa amin dahil nagalit na naman kanina because of me...mygosh, eh, malay ko ba? Akala ko kasi tatakas siya.

"I'm hungry, Everly.." nakangusong lingon ko kay Eurella habang naglalakad pauwi sa bahay. Sa likod namin ay sina Sean at Liam na mahinang nag uusap habang si Dylan naman ay nangunguna na naman sa harap.

Tinaasan ako ng kilay ni Everly. Wala akong ganang magtaray ngayon dahil pagod ako.

"Oh? Anong gagawin ko?"

"Make some foods," umirap siya, pasalamat talaga siya at mabait ako ngayon.

"Mamaya na sa bahay nalang, malapit naman na tayo. Para makakain na din si Miss Vesta.." tumango nalang ako at hindi na ako nagsalita.

Maya maya ay natanaw ko na ang nangungunang si Dylan na nasa tapat na ng pinto at binuksan ito saka pumasok na sa loob. Binilisan na rin namin ang lakad.

Nang makapasok sa bahay ay nakita namin si Dylan na pinasok ang kwarto namin at mabilis ding lumabas. Kunot noo siyang tumingin sa aming lahat.

"Where's Vesta?" Nag aalalang tanong niya then napalingon sa akin

I shrugged. "I don't know. Magkakasama tayo kanina pa. Anong alam ko?"

"Tsk!"

"Kung sabihin nalang kaya natin kay Mang Cosmo?" Kinakabahan nang sabi ni Everly.

"I'll find her." Napalingon kaming lahat kay Sean na tumakbo na palabas ng bahay.

"Sean!" Tawag ko sa kanya saka patakbong sumunod. Naramdaman ko rin ang pagsunod nila Dylan sa amin.

Pumunta kami sa likod ng bahay pero walang Aseila. Mygosh. Kanina niya pa kami pinapakaba ah!

"Maghiwa-hiwalay tayo." Dylan said. "Zella and Eurella, doon kayo." He pointed the other side of the forest.

"Kami dito," turo niya naman sa kabila. We all nodded then we separated.

"Wait, Eurella sama ako sayo!" narinig namin ang boses ni Liam na tumatakbo palapit sa amin. Napahinto kami sa pagtakbo at nilingon siya pero mabilis pa rin ang lakad.

Napairap ako. "Nahiya naman ako, gagawin niyo pa akong thirdwheel!"

"Shut up, North! Just focus on finding Miss Vesta!" Everly shouted.

"Bakit ba kasi palaging nawawala 'yang Prinsesa niyo?!"

At sa isang kurap ay may biglang tumalon sa harap namin. Halos mapatalon kami sa gulat. Maayos ang landing niya. Nakaupo siya habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa lupa ganon na din ang isang tuhod.

"Sinong nawawala?" Mababang tanong nito habang nasa lupa ang paningin.

"W-what the hell?..." Napahawak ako sa dibdib ko.

Napatingin sa akin si Aseila. Tiningala ko ang punong pinanggalingan niya.

"Miss!"

"Sinong nawawala?" Ulit niya sa tanong. Napalunok ako. Wala ni isang sumagot.

"Anong nawawala na naman ang sinasabi niyo?" Sabi nito na nagsisimula na namang magalit. Kahit kailan talaga napaka initin ng ulo.

"A-ah, alis muna ako.. t-tawagin ko lang sila Dylan at Sean na nan..dito lang pala si...Miss Vesta" marahan siyang yumuko kay Aseila si Liamat mabilis na tumakbo paalis. Napabuntong hininga na lang ako.

The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon