Chapter 12
[The Impostor]SABAY sabay kaming kumakain ngayon ng tanghalian habang masayang nagtatawanan at kwentuhan. Sa mga sumunod pa na limang araw ay ginugol namin sa pagsasanay ng aming mga kapangyarihan. Minsan ay tinuruan din kami kung paano gumamit ng sandata tulad ng pana at espada. Pero hindi tulad ng kila Sean at Zella. Hindi galing sa kapangyarihan namin kundi totoong kagamitan talaga. Ang mga gamit na iyon ay galing sa likod ng bahay ni Mang Cosmo. Marami siyang sandata at iba pang kagamitan na nakatago sa ilalim ng lupa sa likod ng bahay niya.
"Infairness, Mang Cosmo nasasarapan ko na ang fish," Ani Zella habang muling kagat ng isda. Natawa kaming lahat ganon din si Mang Cosmo.
"Mabuti iyan," anito habang tatawa tawang kumakain.
Noong mga nakaraang araw ay mas napalapit kaming lahat kay Mang Cosmo. Dumadalas na din ang pakikipag usap niya sa amin kahit hindi related sa pagsasanay.
"Mang Cosmo, ano naman ang gusto niyong sanayin mamaya sa kapangyarihan namin?" Tanong ni Grasya habang ngumunguya ng pagkain.
Napatingin kaming lahat kay Mang Cosmo. Binibaba niya ang kubyertos at pinagsalikop ang mga daliri habang nakapatong ang magkabilang siko sa mesa.
"Hindi muna kayo magsasanay mamaya, hanggang bukas." Aniya na nagpatigil sa akin...sa amin. Halos mabulunan doon si Zella. Napahawak pa siya sa dibdib habang nanlalalaki ang mga mata.
Nilunok niya muna ang kinakain saka nagsalita. "Oh my gosh. Is that true? Pwede na po kaming magswimming sa beach?" Masayang tanong niya. Napangiti ako. Dahan dahang tumango roon si Mang Cosmo sabay kain muli. Napatili sa tuwa sa Zella na kinontra agad nina Sean at Grasya.
"Zella, boses mo!"
"Ang OA mo, North!"
Umirap siya sa mga ito. "Psh, whatever." Aniya pero hindi pa rin maawat ang malapad na ngiti. Muli siyang nagpasalamat kay Mang Cosmo na nakangiti na din.
~*~
"ASEILA, Everly! Let's go! Ang tatagal niyo, nauna na tuloy yung boys sa dagat!" Sambit ni Zella habang lakad takbong palabas ng gubat. Nililingon lingon niya kami habang iniipon ang buhok at ipaikot sa tuktok ng ulo niya. Nagpalit pa kasi kami ng isang sleeveless at short shorts.
"Mauna ka na kasi!" Sabi naman ni Grasya habang excited din na tumatakbo habang nililingon lingon akong naglalakad lang.
Tinanguan ko na siya. "Sige na mauna ka na, sumama ka na kay Zella, sunod na ‘ko."
"Are you sure, Miss?" Tanong niya, kumunot ang noo ko. "Oo naman," ngumiti lang siya at tumango saka hinabol si Zella.
"North, wait!"
Yumuko ako at inipon ang buhok ko saka itinali. Pagka-angat ko ng ulo ay naging high ponytail na siya. Hinawakan ko ang marka ko sa likod na kitang kita na ngayon. Saka ako tumakbo papunta sa kanila.
Nang makalabas sa gubat ay dumapo sa balat ko ang mainit na araw. Napapikit ako roon dahil sa biglang pag liwanag. Bigla akong tinamad maligo sa dagat kahit na tanaw na tanaw ko na sina Zella at Grasya na nagtatampisaw na roon kasama sina Sean at Liam.
Nasa malayong parte si Sean na mukhang malalim na. Samantalang ang tatlo ay nasa mababaw lang at nagku-kwentuhan habang nagbabasaan.
Nang mahagip ako ng paningin ni Sean ay kumaway agad ako at ngumiti. Tipid na ngiti at tango lang ang ginanti niya sa akin. Naglaho ang ngiti ko. Pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw ay iniiwasan ako ni Sean, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko siya magawang makausap dahil puno ang araw namin ng pagsasanay at sa gabi naman ay pahinga agad.
![](https://img.wattpad.com/cover/231269928-288-k28848.jpg)
BINABASA MO ANG
The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)
FantasiaNang mamatay ang kinilalang Ina ni Aseila Valdezada ay doon na nagsimula ang pagbabago sa normal niyang buhay. She was broken.. confused.. and shattered.. Lahat ng akala niyang totoo ay mali pala. Lahat ng akala niyang imposible, nangyayari na sa ka...