CHAPTER 3: The Fire

1K 40 7
                                    

Chapter 3
[The Fire]

ISANG linggo na ang dumaan simula nang mamatay si Nanay. Simula noon ay hindi na ako makatulog at makakakain ng maayos. Gusto kong umiyak ng umiyak pero hindi pwede.

Kailangan ituloy pa rin ang buhay. May hahanapin pa ako. Kailangan kong mabuhay mag-isa, kailangan kong mag-aral at mas lalong kailangan kong maging matatag.

Napabuntong hininga ako. Para akong walang buhay na naglalakad papunta sa library. Kailangan kong aralin ang mga lessons nung absent ako.

Papasok na ako sa library ng biglang nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa. Tinignan ko iyon at nakitang may text si Sean. Siya lang naman ang nagtetext sa akin, kaya hindi na ako nagugulat do'n. Marami siyang texts sa akin pero isa lang ang binasa ko.

Sean:

Nasaan ka?

Kumunot ang noo ko. Hindi ko yun nireplyan at pinasok na agad sa bulsa. Nitong mga nakaraang araw, text siya ng text pero hindi ko rin nire-replyan. Nauna rin akong pumasok dito sa school kasi alam kong hihintayin niya na naman ako sa labas ng bahay.

Papasok na ulit sana ako sa library ng maramdaman ko ang biglang pagkirot  ng ibaba ng ng batok ko. Hinawakan ko iyon. Mariin akong napapikit.

The night when nanay died I also felt a sudden pain in the lower part of my nape. I tried to looked at it in the mirror and I was stunned to see my flame shaped birthmark reddening and starting to glow.

I don't know what does it mean. My mind and heart is still mourning for my nanay that time, so I just ignored it so as the piercing pain.

But now that I’ve felt it again I can’t help but be confused and nervous about what it is and what’s on this strange mark.

Umiling nalang ako at tuluyan ng pumasok sa silid aklatan. Medyo maraming estudyante ngayon. Naupo ako sa pinakalikuran kung saan walang nakaupo.

Kumalam ang sikmura ko. Hindi pa pala ako kumain ng umagahan. Binalewala ko iyon at nagsimulang magbasa..

Maya maya ay may napansin akong umupo sa unahan kong mesa, sa harap ko. Dalawang babae. Akala ko pa naman magbabasa at mag-aaral sila, pero nagtsismisan lang sila.

Malayo yung nagbabantay na librarian kaya hindi sila naririnig. Pero ako ititadong iritado na sa kaingayan nila. Gusto ko silang sigawan pero baka ako naman ang mapaalis dito.

"Alam mo ba, sis.. parang nitong mga nakaraang araw may hinahanap yung students ni Sir Axton..." Anang isang babae.

"Who? Sina Dylan, Liam at Eurella ba yan?" Tanong naman ng isa.

"Malamang girl, sila lang naman ang students ni sir diba. Saan na namang lupalop napadpad utak mo, lutang lang?"

"Oo nga ‘no---Omg, sila Dylan at Liam babes!---teka, Sino naman daw? Babae daw ba ang hinahanap nila? Why naman kaya?"

"Yes, babae daw."

"What?! Why? Ngayon lang sila nagkagulong tatlo sa isang bagay...I mean sa isang tao."

Mariin akong napapikit. Nagulo ko ang buhok ko sa ingay nila.

Talagang dito pa sa library nila naisipang magtsismisan.

Naubos na ang pasensya ko't tumayo na ako sa upuan ko at naglakad papunta sa pwesto nila. Kinalabit ko yung isa.. pero hindi pa din ako pinansin.

"Uh, excuse me.." they both looked at me with irritation.

"Will you please lower down your voices? Kasi nagbabasa ako sa likuran niyo, nakakadistract kayo. Isa pa, library 'to hindi palengke."

Tinaasan lang ako ng kilay nung isa tsaka umirap. Napakunot ang noo ko nung talikuran nila ako at nagpatuloy na ulit silang mag-usap na parang walang narinig sa akin.

The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon