Nasanay akong kasama ka
Sanay akong laging ikaw ang kasama
Sa bawat pagihip ng hangin ika'y hanap
Habang nag-iisa'y nakatulala sa ulapNaranasan kong kamay mo'y hawak ko
Pumalagi ito sa isip ko
Paano kung ika'y mawala
Ito ay makakaya ko kaya?Bakit noong ika'y umalis, ako'y baliw
Bawat oras sarili'y pilit inaliw
Pinilit ang sariling tumawa
Pero luha'y bumasa sa mukhaSana hindi ko sinanay ang sariling kasama ka
Kasi ako rin naman ang nagdurusa
Bakit tinuring kitang kaligayahan sa puso?
Dahil ang totoo, walang tayo!Baka ako lang ang masaya
Masaya na makapiling ka
Bakit ba pinapasaya mo ako?
Alam kong mali,pero ito ang kasiyahan koAlam ko'y ika'y aalis
Kaya sa sarili'y naiinis
Naiinis kung ba't nahihirapan
Nahihirapang ika'y kalimutanAng hirap mong kalimutan
Ang hirap mong pakawalan
Sasanayin ang sariling wala ka
Na hindi talaga tayo sa isa't isaHahayaan na kita, kakalimutan nakita
Pero teka, magagawa ko ba?
Pipilitin kong sumaya sa iba
Kung hindi talaga tayo para sa isa't-isa***********
Wazup guyzes....so sad to write....sorry it's been a miles bago ako naka pag update
Please do vote and comment.
Love.
Mizkhey
BINABASA MO ANG
PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)
Poetry"PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga) Nabuo itong istorya dahil sayo Pitumput-pitong sigundo ,minuto,oras,araw,gabi Anong meron sa 77 ito? Mga istoryang dinaraan sa tula Imosyong pinalabas sa talinghaga Mga letra'y sum...