BONUS CHAPTER...

11 1 0
                                    


Bakas ng Tinta: Hango sa aking Wika

Ilang pahina man ang mabasura
Tinta'y maubos man sa pagbura
Wika'y kagaya man ng tulang malaya
Ngunit May diwa. Wika ang mag palaya!

Sa blangkong papel, isinulat: Baybayin.
Habang huling minuto'y singap ng sambayanan.
Huyong na mata'y sa rurok tumingala
Tataob ba ang bangka sa alon ng mga luha?

Wika'y walang sukat at tugma,
Walang taludtod ngunit may talinghaga.
Kung balawis ma'y hindi mo nakikita.
Pangungusap ang tanging lunas!

Patay na kaalama'y kailangang mabuhay
Huhukayin ng pluma ang bawat letra ng ABaKaDa.
Dahil tayo'y tila mga tulog na letra
Sapagkat pinukaw ng gising na katotohanan.

Dahil sa wika tayo'y naging tungkos,
Tayo'y naging isang sugnay na makapag-iisa.
Mga simunong nakalimutan,
Ay mandirigmang tayutay ang panlaban.

Makapangyarihan ang bawat salitang binigkas
Sa mapanglaw na puso'y lubos na kalunos-lunos.
Sa diyamanteng mata'y sukab ang dala,
Sapagkat wika ay kontra ng pandemya.

Ayun luvs...ito na yung tula na aking isinulat na kung saan nakuha ko ang unang gantimpala....hahahha salamat ulit sa support at....sa WATTPAD families...dahil sainyo naipalawak ko po ang aking talento at nabigyan rin ng pag- asa ang aking pangarap na maging isang manunulat....salamat ulit...

Nagmamahal,
Mizkhey

PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon