Isa nalang at matatapos na
Isa nalang at wala na
Isang pahina nalang at ubos na
Isa nalang hindi na talagaNgayong nalaman kong hindi ka para sa akin
Hindi ko na pipilitin
Ngayong alam ko na sa kaniya ka
Hindi na ako mag alinlangang bitawan kaHindi na ako gaya ng dating inaakala mo
Hindi na ako yung dating tinuring mong weirdo
Oo,naging weirdo man ako dati
Dahil sayo. Nabago mo aking sariliIkaw nga naman ang dahilan kung bakit ako nag-iba
Ikaw nga ang dahilan kung bakit ako nagtutula
Pero ikaw rin ang dahilan ngayon
Kung bakit ako muling umahonUmahon ako mula sa pagkalunod ng puso
Umahon ako mula sa dating ako
Nag-iba na ako.
Buo na ang disisyon kong ito.Hindi na ako maaapektuhan sayo
Wala na. Hindi na ikaw mahal ko.
Hindi na ikaw.
Wala ng sinisigaw.Hindi rin ako takot na mawala ka.
Kung aalis ka. Umalis ka.
Paalam. Mas mabuting wala ka
Paalam. Mas mabuting nasa malayo ka.Nagsawa rin pala ako.
Akala ko, kaya ko hanggang dulo.
Akala ko, maiintindihan kita.
Akala ko, matutunan rin kita.Nagsasawa rin pala.
Mas mabuting sa iba ka.
Mas mabuting doon ka.
Mas mabuting sa kaniya ka.Hindi kita pipigilan.
Hindi kita babawalan.
Hindi kita bibigyan ng rason upang manatili
Kahit wala ka, kaya kong ngumiti.Mas mabuting hindi na tayo mag kita.
Mas mabuting wala na. Wala ka ng halaga.
Sa susunod na taon
Ang ngayon ay akin nang ibaonSalamat nalang sa lahat ng oras
Salamat nalang sa lahat ng bakas.
Salamat sa dati.
Salamat rin sa ngiti.Lumigaya ka, ha.
Sa piling niya.
Sumaya ka,ha.
Kapag kausap siya.÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷
Salamat mga mahal kong mambabasa....HAPPY HALLOWEEN 👻☠️💀😘😍 HALLOWEEN nga pala ngayon...sana masaya kayong lahat.
Kung gusto niyo Pong maging kaibigan ko sa Facebook ay...hanapin niyo lang yung account na WAGAS NA MAKATA. O di kaya'y leave a comment sa mga account niyo para ako rin yung mag add sa inyo🤗
Ai! Sa mga estudyante pala Jan na nag momodyul naku! Kaya niyo yan...😍 go guyz...🗣️🗣️🗣️🗣️ Go.....
Paki boto ulit... salamat
Nagmamahal,
Mizkhey
BINABASA MO ANG
PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)
Şiir"PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga) Nabuo itong istorya dahil sayo Pitumput-pitong sigundo ,minuto,oras,araw,gabi Anong meron sa 77 ito? Mga istoryang dinaraan sa tula Imosyong pinalabas sa talinghaga Mga letra'y sum...