Aapak. Ang mata'y matuwid na nakatingin
Hihinga. Kasabay sa simoy ng hangin
Liligaya. Kahit minsan man lang rin
Tatawa. Habang unti-unting bumitaw sa katagang ' ika'y akin'Hindi na tatakbo. Hindi na liliko.
Hindi na iiwas. Para hindi na mabibigo.
Hindi na lilingon. Sa dating ala-ala
Hindi na madadapa. Hindi na ikaw ang ligaya.Tumapang ang damdamin.
Labi'y may ngiti na rin
Buburahin na ang litrato.
Buburahin ka na sa puso.Mag lalakad na, na mag-isa.
Bibitaw na sa dating ala-ala
Lilingon na sa kabila.
At titigan nalang ang iyong mukha.
BINABASA MO ANG
PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)
Poetry"PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga) Nabuo itong istorya dahil sayo Pitumput-pitong sigundo ,minuto,oras,araw,gabi Anong meron sa 77 ito? Mga istoryang dinaraan sa tula Imosyong pinalabas sa talinghaga Mga letra'y sum...