Buburahin

10 0 0
                                    


Wala ka ng kakampi
Marami na ang umaapi
Minsan ka na lang tunay na masaya
Kalimutan mo siya. Liligaya ka.

Kapag bumitaw ka, gagaan.
Kapag kumapit ka pa, lalo ka lang mahihirapan.
Sasambitin mo ang pangalan niya.
Sa huli, iiyak ka.

Mga dating isinulat para sa kaniya ay buburahin.
Bibitawan na ang hindi akin.
Aakyat sa tuktok ng bundok.
Dating apak, hahayaan ng mabulok.

Susunogin ang larawang nag papaalala .
Kukosutin ang mga tinutumping saya.
Mga iginuhit na ngiti sa labi
Buburahin na, pati ang mga luhang nananatili.

Mga dating pagbati kapag magkikita
Gagawin nalang sulyap sa mata.
Hindi na magbabalik ang mga salita dito sa tula.
Buburahin na, walang matitira.

Gagalaw na parang hindi ka kilala
Gagalaw na parang walang ala-ala.
Guguho man ang mundo.
Babalik parin tayo sa pagiging estranghero.

πππππππππππππππππππππππππ

Thanks.... please vote...

LOVE.

MIZKHEY

PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon