Diba Masakit?

8 2 0
                                    


Diba masakit pag makita mo siya?
Kahit wala siyang kasamang iba.
Diba masakit kabag hanggang tingin ka nalang?
Diba masakit na hanggang titig ka na lang?

Diba masakit na wala na siya?
Diba masakit , lalo na kapag hindi mawala ang mukha niya?
Bumalik parin ang kaniyang ala-ala

Nakita ko nga siya. Kanina.
Sarap lumapit sa kaniya
Sarap sambitin ang pangalan niya
Kaso, wala na ehh. Tapos na.

Mahirap kasing mabaliw sa iba
Ang hirap tumawa kapag wala siya.
Duhh! Hindi narin saya ang bumalot sa puso ko.
Kapag nandiyan ka.  Malungkot ako.

Bakit? Kasi. Wala ka ng paki.
Wala na ehh.
Hindi na natin pwedeng ibalik.
Tapos na. Di ko man lang naranasan ang yong halik.

Tumalikod ka, ako rin.
Napansin kita. Ikaw rin.
Pero umiwas ka.
Nasaktan ako. Ikaw masaya

PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon