Pang apat na tula...

7 1 0
                                    


Pang apat na tula bago matatapos
Pang apat na ito at hindi na magagapos
Hindi na babalik sa inaapakan
Hindi na haharap. Ika'y tatalikuran.

Lahat tayo'y dumaan sa pagiging tanga
Lahat tayo. Hindi mo man masabing isa ka
Pero baka hindi mo pa na hihinuha
Baka hindi ka pa lumuha

Kaya sa tulang ito, masasabi ko
Pang apat na to,at magpapatuloy na ako
Magpapatuloy ng mag isa
Kahit wala na siya sasaya parin ako. Diba?

Kung naranasan mo man ang lumuha dahil sa kaniya
Pareho tayo. Buti ka pa,minahal ka
Ako pinaasa na kaya niyang mahalin
Pero masakit dahil hindi sya akin.

Naranasan mo na ang bumalik
Dahil lang sa iyong pananabik?
Ako, maraming beses. Maraming beses na akong lumuha
Maraming beses na akong nadapa

Nadapa ako,pero walang sumalo
Nasaharap ko na siya,pero lumuha ako
Kasi hindi na nga ako nagtatago pero hindi ako nakita
Nasa harap ko na siya,pero tumalikod siya

Nagbibilang ako kung babalik ba siya pero wala
Umaasa ako, at sumunod para makita
Pero umiwas siya.
Maligaya na siya.

Kaya sa tatlong beses kong naranasan ang pagiging tanga
Natuto ako, at bumangon mula sa pagka dapa
Pinunasan ko lahat ng sugat,kahit mahapdi
Masakit,pero ako'y nakangiti

Matuwid na akong naglalaka palayo
Hindi na ako lilingon kahit hindi alam saan patungo
Basta ang hanapin ko,ang ako.
Ang bagong ako.

         ××××××××××××××××××

Maraming salamat mga mahal ko sa buhay😍😍😍😍nawa'y ipag patuloy po ninyo ang iyong pagsusubaybay🤗🤗sa susunod na taon ay May bago akong librong ilalathala😚😚🙂☺️ paki follow na lang po sa akin🤗🤗🙂☺️😚sa profile page ko po ay maari niyong bisitahin😘😘😍😊😉mag popost lang po ako ng mga announcement 🙂 at mayroon po akong mga nobela na isinulat ko po sa wikang englis
...maraming salamat😍😍😍😍😍

Paki boto na lang po at kung gusto niyo pong magbahagi ng kaalaman o ano ang iyong mga pananaw tungkol sa aking mga u
Tula ay maari po kayong mag comment😍😍😍😍😍😎😉
Maraming salamat...madla😘

NAGMAMAHAL,
MIZKHEY

PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon