Baliw mang nagmamakaawa
Dahil lang sa umibig ako ng hindi sadiya
Asin man ang kinakain
Pinipilit mang ika'y akinKasalanan ko man ang nararanasan
Ako man ang dahilan.
Umalis ka na.
Parang-awa mo na.Ikaw ang paksa, sa kasiyahan
Maging sa kalungkutan man.
Hindi man tayo ang itinakda
Ako man ang gabi't ika'y umagaPuno man ako sa kadiliman 'pag wala ka
Darating din ang araw na aalis ka.
Umaga na, umalis ka na.
Wag mo ng palalain pa.Minahal kita.
Swerte ka na.
Hindi man tayo magkikita sa ngayon.
Mas mabuti na rin yun.Umalis ka na,hindi na kita hahabulin pa
Umalis ka na, sapagkat masakit pa.
Ayaw ko ng baka babalik pa ang saya.
At magmamakaawang, dumito ka muna.++++++++++++++++++++++++++++
Hey luv, pa vote please...love you 😍
LOVE.
MIZKHEY
BINABASA MO ANG
PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)
Poetry"PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga) Nabuo itong istorya dahil sayo Pitumput-pitong sigundo ,minuto,oras,araw,gabi Anong meron sa 77 ito? Mga istoryang dinaraan sa tula Imosyong pinalabas sa talinghaga Mga letra'y sum...