Pang anim na tula bago matatapos
Pang anim na talinghaga at hindi na magagapos
Muntik na akong muli kang ibigin
Muntik na akong nabihag muli sa paninginBumitaw na ako ng katagang ayaw ko na
Bumitaw na ako't kakalimutan ka na
Bumitaw ako, pero wala paring bago
Bumitaw ako upang ngingiti ulit akoKaligayahan hindi na ikaw
Kaligayahan, wala ka na sa aking pananaw
Puputulin na ang mga lubid na itinali
Itinali sa dating dala'y hapdiMga panahong lilimutin rin
Ay dahan-dahan ng buburahin
Wala ng connection...hindi masakit
Tumapang nga ba ako...at bakit?Dahil sayo, kasi pinatapang mo
Tumapang...kinaya ang lumimot dahil sa'yo
Mag susulat ako ng bagong tula
Magsusulat ako at hindi na ikaw ang paksaAaminin kong nasaktan ako
Dahil MAHAL kita...pero ako?
Ako? Nagpapahalaga pero walang halaga!
Nagpapahalaga pero binalewala!Madaling araw na, may bago na namang umaga
Sana sa bagong umaga may panibagong himala.
Kaso sinagot ng ulan lahat ng aking katanungan
Ang tugon niya'y wala na akong babalikanHindi na pwedeng umapak sa dating inaapakan
Magpatuloy na parang wala lang, ang tugon ng ulan
Kaya, sa bawat ambon na bumasa sa akin
Hindi na ako hahanap pa ng may pakialam sa akin
BINABASA MO ANG
PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)
Poesia"PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga) Nabuo itong istorya dahil sayo Pitumput-pitong sigundo ,minuto,oras,araw,gabi Anong meron sa 77 ito? Mga istoryang dinaraan sa tula Imosyong pinalabas sa talinghaga Mga letra'y sum...