Kumukunot ang mga noo
Gumising mula sa pagkabigo
Ang mga panalangin ay nadinig
Wala na ang dating pag-ibigSasabihin kong wala na
Pero, wala na ng ba talaga?
Masmabuting limutin ka
Masmabiting wala ka naHindi man madali ang proseso
Luha'y bigla man tutulo
Nahihirapan man at nasasaktan
Hirap mang ika'y kalimutanDahan-dahan ng tinatanggap
Tatapusin na ang pagpapanggap
Ipipikit ko na ang mga mata
Pupunasan na ang patagong luhaPipitin ng maging matapang muli
Papawiin na ang pighati
Babaguhin na ang paksa
Hindi na sayo magtutulaSusuko na ako para wala ng sakit
Lilimutij na kita kahit pinilit
Dahan-dahan ko ng tatanggapin
Na kahit kailan hindi ka magiging akin
BINABASA MO ANG
PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)
Poetry"PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga) Nabuo itong istorya dahil sayo Pitumput-pitong sigundo ,minuto,oras,araw,gabi Anong meron sa 77 ito? Mga istoryang dinaraan sa tula Imosyong pinalabas sa talinghaga Mga letra'y sum...