Ika dalawampung tula
Ang pumapamagat ay WALA
Pero kahit blanko ang maisulat dahil sa luha
Ikaw parin ang pinapaksaKahit ang kamay at utak ay susuko
Hinding-hindi susuko ang puso
Ngayong walang diwa ang tula
Ngunit ikaw parin ang paksaNakahit kwaderno'y nauubos
Kakayaning magtutuos
Ngayong wala, ika'y wala
Kwaderno'y basa sa luhaWala akong ibang nararamdaman
Kundi ang siyang kakulangan
Hindi man mabilang ang galudtud
Pag-asa'y sa luha ma'y na aanodKahit naghihintay man lang sa wala
Kahit sandata man lang ay tula
Kahit ika'y wala lang paki
Pinipilit paring iniintindiNgayong ika'y nagbalik
Hindi ka man lang nananabik
Kahit ngiti wala
Kahit isa man lang salitaWala ng paalam kahit saglit
Wala ng ngiti kahit pinilit
Wala na, rejected na
Wala, tinigan nalang kitaNagiisa ka na lang ulit
Hindi na rin mangungulit
Wala na, kinalimutan na
Tapos na, wala na
BINABASA MO ANG
PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)
Şiir"PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga) Nabuo itong istorya dahil sayo Pitumput-pitong sigundo ,minuto,oras,araw,gabi Anong meron sa 77 ito? Mga istoryang dinaraan sa tula Imosyong pinalabas sa talinghaga Mga letra'y sum...