Pang-siyam na tula bago ito matatapos
Pang-siyam na tula at hindi na magagapos
Ang dating pinangako ay bibitawan na
Dating sinasabing mahal kitaBibitaw na ako, bibitaw sa piling mo
Hindi man naging tayo
Sapagkat binago mo rin ako dati
Hindi na ako sayo ngingitiAng dating saya na sayo lang nadarama
Lahat, iiwanan na talaga
Hindi na rin muna ako maghahanap ng bago
Babalik ako, sa dating akoDating masaya na nag-iisa
Masaya kahit wala ka pa
Kahit wala sila, kahit ako lang
Kahit mag-isa langSa tulang ito sana mabasa mo na
Sana mabasa mo ang aklat na ito
Dahik kahit hindi ko alam na mahal kita
Ngunit dahil sayo, ako'y naging WAGAS NA MAKATAHindi na muna magpapaalam
Dahil may darating pang liham
Para sayo, sana mabasa mo
Mahal kita, yan ang tandaan mo!Pero dati lang,wala na ngayon
Natoto na ako, para rin sa sarili
Para rin sa aking kaligayahan
Kaya iiwan na kita ng walang luha÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷
Hi mga mahal ko sa buhay....salamat ulit sa pag boto at dahil sa inyo mayroon na tayong 631views at patuloy na tumaas ang ating ratings.... salamat, salamat ulit sa inyo...kaya kung gusto niyo po ng mga updates pwede niyo po akong I follow para mabasa niyo po lahat ng updates ko.
At ayun po pala! Isang cheka! Nanalo po ako ng first place sa contest ng tula sa aming school about po sa buwan ng wika kaya....thanks Wattpad...for enhancing my talent here 😘😍I love you very much and thanks...
Sa bunos chapter po i-share ko po yun sa inyo...love lots.Please vote....😍
Nag mamahal,
Mizkhey
BINABASA MO ANG
PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)
Poesía"PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga) Nabuo itong istorya dahil sayo Pitumput-pitong sigundo ,minuto,oras,araw,gabi Anong meron sa 77 ito? Mga istoryang dinaraan sa tula Imosyong pinalabas sa talinghaga Mga letra'y sum...