PROLOGUE

10.5K 165 45
                                    


WARNING ⚠️

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please be advised that this story contains mature themes and strong languages that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.

Unedited at asahang may typo graphical and grammatical errors. No time sa pag-edit but right after matapos ko ang story, I'll try my best to edit this.

Salamat po sa pag-intindi.

Enjoy!

———————————————

“You're engaged!”

Lumukot ang mukha ko nang marinig ko ang sinabi ng mom ko. For Pete's sake and whoever Pete is, hindi pa nga ako gumagraduate tapos ipapakasal nila ako? Is this some kind of joke?


“Mom, if you are kidding then I'm not in the mood to hear your jokes.” I say.

Inabot ko ang baso na may lamang lemon juice saka lumagok dito. I am reading Harry Potter volume 4 when she rushed down here and cracked some jokes. Well, she's kind of a woman who don't kid around. So why the hella would she tell me that I'm engaged? The sounds like a joke to me.


“Daisy Charisma, I'm not kidding. You are engaged at magpapakasal kayo right after your graduations!” she said directly in front of me.

I almost cough. What now? Wedding after graduation? Iniisip ko palang 'yan, parang gusto ko na tuloy manatiling mag-aaral!


“Mom! Are you insane? Bakit ako magpapakasal? Saka I'm too young to get married!” I screamed and I don't care if she'll get angry to me.


And right, I'm 21 now and I still want to enjoy my single life. Hindi nga ako nag-jowa kasi sakit lang sila sa ulo tapos ngayon, magpapakasal ako sa lalaking hindi ko kilala? Maybe she's really insane.

“It's for our company's sake! Sorry honey, but your dad and I already settled this.” she said, mukhang maiiyak pa nga.

“Dad and you? How about my opinion? Hindi nyo man lang tinanong kung okay ba sakin o hindi!”


“We are done talking here. Your husband to be is the son of Antonio Dela Vegas. His name's Andrew. Makikilala mo rin sya bukas.” wika nya at umalis agad sa sala.


Hearing that ‘your-husband-to-be’ thing gives me goosebumps. Like hell! I do have many plans after my graduation. I want to travel and relax and after a year, magtatrabaho agad ako sa kompanya namin. Wala sa plano ko ang magpakasal agad, but they ruined it and decided things about me on their own.



KINABUKASAN maaga akong ginising ng mom ko. Sunday ngayon kaya wala pa namang pasok. She told me to dressed up dahil imemeet namin ang family ni Andrew. Whoever Andrew is, dzuh!


Tamad akong bumaba at hindi nagsalita sa kanila. I just nod whenever they ask me. I want them to feel that I hella disagree with this engagement thing, but I'm disappointed dahil parang wala lang sa kanila ang lahat.

Nang makarating kami sa isang mamahaling restaurant, nakita kong may nakaupo na sa reserve table na tinuro ni daddy. I bet sila ang Dela Vegas family.

“Goodmorning. Take a seat.” Mrs. Dela Vegas greeted us.

Mrs. Dela Vegas seems like a fine and a woman with class. She looks gorgeous with her maroon fitted dress and she looks young! Katulad sya ni mommy na napapanatili pa rin ang pagiging mukhang dalaga. I shifted my eyes and glanced at her husband. Mr. Dela Vegas gives me his sweetest smile this morning.

Nang makaupo kami ng tuluyan, sinerve agad ang mga pagkain. They are talking about business kaya nakinig lang ako sa kanila. Napadako ang tingin ko sa lalaking katabi ni Mr. Dela Vegas. I stared at him and examine his soft face.


He's quiet and doesn't seemed confortable. Katamtaman lang ang puti nya, maitim ang buhok at may mamula-mulang mga labi. He look so neat at mukhang alagang-alaga ang mukha. Muntik ko na nga syang mapagkamalang bakla sa sobrang kinis. Mas makinis pa ata balat nya kesa sakin.


“Charm iha, are you listening? I said, he's my son, Andrew. Your soon to be husband.” intro ni Mrs. Dela Vegas sa anak nya.

“What?” inis kong tanong.


“Uhm, hindi mo pa ba nasasabi sa kanya ang tungkol rito kumare?”


“Of course! Nasabi ko na sa kanya. Don't mind her, kumare. She's just pre-occupied about her OJT thing.” palusot ng mom ko.


I secretly rolled my eyes. Ano bang gagawin ko to stop this freaking engagement? Mukhang hindi pa naman tutol ang Andrew na 'to kasi kanina pa sya hindi nagsasalita. Saka parang wala lang din sa kanya.


Naging okupado ang utak ko kakaisip kung paano ito ititigil. Not until I got a very brilliant idea! Why not gagawa ako ng mga bagay para hindi ako magustohan ng lalaking ito, tapos sya na ang kakausap sa parents nya para hindi ituloy ang engagement namin? Hah!


Ngumisi ako ng malaki at binati ang binatang pinakilala sa akin ni Mrs. Dela Vegas.


“Hi, I'm Daisynelle Charisma Ghaddi. It's my puhleasure to meet 'ya!.” I seductively introduced myself and gave him a wink.


Inangat ko ang kamay ko para makipagshake-hands sa kanya. At the same time, inangat ko ang paa kong naka-heels na nasa ilalim ng lamesa at pinapausdos sa legs at binti ni Andrew.

Nakita kong nanlaki ang mga mata nya. He moved uncomfortably but still managed to introduced his self and refused to take my hand. Ang arte. Ayaw pang makipagshake-hands.


“Andrew. Nice to meet you, too.” he said calmly nang makabawi.


I heard both of our parents giggled at us. Mukhang na-amaze pa ata sa ginawa naming pagpapakilala sa isa't-isa.


“The both look perfectly together!” tumatawang wika ni Mrs. Dela Vegas.


“I guess having grandchildren isn't bad at all!” dagdag naman ng asawa nya.


I secretly gave them my disgusted look.
Grandchildren my butt.





They just didn't know that I'm planning something. Something that would destroy this freaking engagement.




***

Seducing my Gay Fianceé (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon