CHAPTER 40:

143 9 0
                                    

JAZMINE POV :

kakarating lang namin ngayon sa bahay nang biglang naisipan kong lumabas para may bilhin lang. 

Nang makauwi ako galing supermarket agad ko naman ipinasok lahat ng mga pinamili ko ng biglang may tumawag saakin sa labas ng bahay.

" jazmine! "

Agad agad akong kumaripas ng takbo palabas ng mapansin kong pamilyar ang boses nito.

Pag dungaw ko sakanya mula sa pinto ay hindi maalis sa mga labi ang ngiti dahil sa nakita ko.

Kasalukuyan nakatayo sa nakabilang tawid ang kaibigan ko na kay tagal tagal ko nang hindi nakakasama at nakakausap dahil sa nag ka amnesia ako.

" Fathima, long time no see. " saad ko habang nag lalakad papalapit sakanya.

Habang nag lalakad ako hindi ko namalayan na may paparating na sasakyan kaya wala na akong nagawa kundi ang mapapikit .

Blangkong blangko ang isipan ko. Hindi ko naisipan tumakbo papalayo doon dahil pinangunahan na ako ng takot at pagka walan ng pag asa.

Sa pag pikit ko biglang may imahe ng tao ang pumasok sa isip ko.

Sa pag pupumilit kong makita ang mukha ng lalaki ay may biglang kamay na humablot saakin .

Nag padala naman ako sa pag hatak nito . Sa binigay niyang lakas ay naramdaman ko na napayakap ako sa napaka kisig niyang katawan.

Minulat ko mata ko at iniangat iyon. nakita ko na nasi lucas pala iyon at halata sa ekspresyon ng mukha niya na nag aalala para saakin .  Mahigpit ang pag kakayakap nito saakin at sa ginagawa niya ay malalamon na kung gaano ka niya iniingatan.

Lumingon ako sa sasakyan kung nandodoon ang kaibigan ko nasi kelsey. 

Sa posisyon namin ito ni lucas ay hindi maitatanggi na pareho kaming may nararamdan sa isat isa kaya laking pag aalala ko para sa pag kakaibigan namin ni kelsey. 

Bumaba mula sa sasakyan si kelsey ay dali daling tumakbo papalapit saakin samatalang ako naman ay inilayo ng konti ang sarili kay lucas. 

Nag lakad ako papalapit sa matalik  kong kaibigan. 

"so-sor... " hihingi sana ako ng patawad pero hindi na niya ako pinatapos.

" okay kalang ba?  Ha?  ... Sorry,  sorry"  nangingiyak na tugon niya habang mabilis niya akong hinatak papalapit sakanya para yakapin.

" ano ba sey,  okay lang naman ako . A-a-ako tong dapat ..mag sorry.  Nangako ako na... " humihikbing sabi ko habang patuloy parin sa pag akap sakanya .

" wala kang kasalanan jaz.  Ako tong mali.  Hindi totoong naging girl friend  niya ako.  Napaka ambisyosa ko lang kasi masyado. "

" kaibigan ko lang siya at matagal ko nang alam na mahal ka niya . Masyado akong naging sakim at sana mapatawad moko.  Sorry dahil matagal ko na itong inilihim sayo.  "

Napatulala ako sa mga naririnig ko mula sakanya

" Nakipag kaibigan siya saakin dahil gusto niyang manligaw sayo at ayun ang totoo. "

" lucas sorry.  Sorry dahil hindi kita tinulungan sakanya at lalo na sayo jazmine na kaibigan ko pamandin nagawa kong lokohin. "

Nabigla man ako sa mga sinabi niya hindi ko magawang magalit sakanya.

" okay lang kelsey naiintindihan ko.  Alam ko naman na kung gaano mo siya kamahal noon "

Pag katapos ng pag uusap namin sa labas ay agad ko naman sila inanyaya papasok sa bahay namin.

Masaya kaming nag kwentuhan sa sala na para bang walang masamang nangyare kanina. 

Nakakatuwa lang dahil hindi ko na kailangan pang mag panggap na hindi ko mahal si lucas. 

Naikwento din namin na buntis ako pero hindi namin sinabi kung sino ang ama dahil sa alam namin ang magiging reaksyon nila.


My Wife has An AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon