CHAPTER 22:

91 8 0
                                    


JAZMINE POV :

" Cause i love you which is normal na maramdaman ko dahil asawa kita at alam kona ..."

Kumalas ang mga kamay ni lucas mula sa bewang ko at ganun din ang kamay ko nanasa balikat niya dahil onting distansya na ginawa niya.

" you don't know what you are saying. " nag bago ang emosyon ni lucas na napalitan ngungunot ng noo.

" anong pinag sasasabi mo?  " natatawang saad ko.

" sorry for making feel that way "

" huh?  " naguguluhan na ako.

" hindi tama ang emosyon na nararamdaman mo saakin ngayon kaya kalimutan mo na lahat lahat ng nangyare saatin. "

" anong hindi tama!?  . Hindi kita maintindihan.  Mag asawa tayo ano ba pinag sasasabi mo!?  " naluluhang sabi ko. 

----------------------------------

JAZMINE POV :
HOME:

Isang linggo na ang lumipas pero hindi parin kami nag kakausap ni lucas.  Halatang iniiwasan niya ako.  Sa mga araw na nag daan nagawa ko nang itapon ang mga laroan na binili saakin ni lucas dahil pinapaalala lang nito ang mga araw na nag mumukha akong tanga sa harapan niya.  Maliban lang sa isa,  si baby Cassandra . Bakit nga ba hanggang ngayon wala parin kaming anak?  Pero biglang sumagi sa isip ko ang mga babaeng dinala ni lucas sa bahay.  Alam kong nakipag talik si lucas sa mga babaeng Dinadala niya dito pero bakit ganito?  . Hindi ko parin siya maalis sa isip ko kahit alam kong ilang beses niya akong niloloko .

Nagagawa ko pa siyang ipag luto araw araw ng almusal at nagawa ko pangang gawan siya ng baon niya sa opisina.  Nililinis ko kwarto niya at nag iiwan ako ng mga notes sa desk niya na kung gaano ko siya namiss kahit mag kasama lang kami sa iisang bubong. Nag iiwan din ako ng mga love letters doon hindi ko lang alam kung binabasa ba niya dahil baka iniisip niya kung gaano ako ka cheap . Kung binabasa niya man ang mga sulat ko baka ginagawa niya lang iyon katatawanan peri hindi ibigsabihin nun ititigil ako na sa pag gawa ng mga ganun. Niloko man niya ako pero hindi ko parin maiwasan ang mahalin siya at maging concern sakanya.  Idagdag mo pa na nangako ako sa mga magulang ko na magiging mabuting asawa ako sakanya kahit tanga tanga pa ako ng mga panahon na yun . Isip bata man ako nung mga panahon na kasama ko si lucas pero hindi maitatangi na mahal ko siya nun kahit hindi pa ako fully aware sa nangyayare sa paligid ko. Mahal ko siya kaya hindi ako susuko hanggat hindi niya ako mahalin pabalik. 

Nasa kusina ako ngayon at kakatapis ko lang mag prepare ng pagkain para kay lucas . Nag lakad na ako papunta sa dining room para ilapag ang gawa kong pagkain para sakanya pero halos mapa balikwas ako nung maabutan ko na nandoon siya. 

Nang mag tama tingin namin nag lakad siya palapit saakin . Kakausapin niya ba ako?  . Anong gagawin ko?  . Ngumiti ka jaz.  Agad ko naman ginawa ang sabi ng isip ko.  Mag good morning ka .

" g-gu-good morn..." bago tuluyan matapos ang sasabihin ko ay nakalagpas na siya saakin.

Tumakbo ako papunta sa lamesa para ibaba ang tray ng pagkain at ngayon lumingon ako sa asawa ko na nag lalakad palayo.

" lu-lucas mag breakfast ka muna bago pumasok sa opisna mo "

Huminto siya sa pag lalakad at lumingon sa direksyon ko habang ako ay patuloy parin nakangiti ng parang ewan.  Yes sawakas.  Buti sinabi ko yun.  Nag lakad na ngayon si lucas at umupo na sa upuan para kumain na hindi umiimik .

" kamusta kana?  " pag pupumilit ko mag umpisa ng usapan.

" isang linggo na ang lumipas mula ng huling pag uusap natin.  Alam kong nagalit ka dahil sa simpleng pag sabi ko ng " i love you " pero hindi ko maintindihan kung bat nilalayo mo ang sarili mo saakin ng dahil lang doon. " pilit na ngiting sabi ko

Patuloy parin sa pagkain si lucas habang ako napayuko nalang dahil parang may mga luhang nag pupumilit na lumabas sa mga mata ko.

" Mag asawa naman tayo at normal lang na maramdaman ko yun sayo. Oo alam kong madami kanang nakatabi sa kama pero heto parin ako  na tanga na nga mukha pang tanga sa paningin mo dahil sa mga araw na nag titiis ka saakin dahil sa isip bata ako ."

" stop "

"Nawala ba pag mamahal mo saakin nung mga araw nayun?  Halos sumuko kana ba dahil sa katigasan at kakulitan ko ng mga panahon nayun  Kaya naisipan mong mambabae ?."

" stop it "

" sorry.  Sorry dahil pinahirapan kita sa pag aalaga saakin.  Sorry dahil nagulo ko kwarto mo.  Sorry dahil sa mga masasamang salita na binitawan ko sayo. So... "

" I SAID STOP IT ALREADY!  "

" hindi ba pwedeng mag mahalan nalang tayo ulit katulad ng dati? . Bakit hindi nalang tayo bumalik sa dati " nag silabasan na ang mga luha ko na pilit kong hindi ipakita kaya pinunasan ko iyon gamit ng mga kamay ko.

" WALANG DATI DAHIL HINDI NAMAN TALAGA TAYO NAG MAMAHALAN ! "

" huh?  "

" there's no love exist in this marriage dahil pinwersa lang tayo ng mga magulang natin.  We didn't love each other nung nag kita tayo sa mismong araw ng kasal natin at mas lalo nat hindi moko mahal nun dahil may iba kang karelasyon !  "

My Wife has An AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon