8

22 5 1
                                    


Pagkatapos naming pumuntang mall, nagpanggap ulit akong magkalapit lang ang bahay namin para maihatid siya. Hindi naman siya nagreklamo at himala nga dahil hinayaan niya akong ihatid siya. 

Mabuti at hindi niya ako nasuntok sa idea kong 'yon. 

Ganoon palagi ang eksena sa mga sumunod na linggo. Pagkatapos ng klase, matic na agad na sabay kami kahit na may pustahan kami minsan nila Jose. 

Hanggang sa dumating ang Christmas break. Ang corny naman kung pupuntahan ko siya sa kanila para lang makita siya. Ang creepy no'n. Ano ako stalker niya? 

"Ang hirap ng exam. Mabuti at mas madali ang manghula." 

Natatawa kong binato kay Jose ang bola. 

"Gago ka. Kaya ka bumabagsak e." 

"Ano naman kung bagsak? Aanhin mo ang mataas na grado kung hindi ka naman masaya sa totoong buhay."

Shinoot niya ang bola sa ring. Pumasok ito. Ako naman ang sumunod na nagshoot at gaya ng kanya, pasok din ito. 

"Aba naman, Gaspar. Gabi gabi ka bang nananalangin at mukhang pinagpapala ka ngayon?" 

"Anong sinasabi mo?" 

Ngumuso siya sa likod ko. At nang lingunin ko ang tinutukoy niya, nalaman ko na agad ang tinutukoy niya. 

Nandito si Chairy. Ulit. Kung saang court ko siya nakitang nakikipag-usap sa William na 'yon. 

"Bakit andito 'yan?" 

"Aba malay ko sa inyo! Kayo ang nag-uusap diyan palagi e." lumapit si Jose sa akin, mukhang mang-aasar na naman dahil sa hitsura niyang kay sarap suntukin. "Baka sinusundan ka? Ayaw mo ba no'n? Ang munti mong pangarap, sinusundan at papanoorin ka!" 

"Manahimik ka nga!" bulong ko. "Baka marinig ka niyan!" 

Nagkibit balikat ito. 

"Sige na doon ka na sa kanya! Tanungin mo kung bakit nandito. Magpapractice lang ako." 

Tumango ako sa kanya. Pinasadahan ko muna ang buhok ko bago lumapit sa patpatin na 'to. Mukha pa siyang nagulat sa presensya ko pero sa huli, hinayaan niya akong sumunod sa kanya. 

"Bakit nandito ka?" 

"Ako dapat ang magtanong sa'yo niyan. Bakit nandito ka?" pero nakita ko agad ang sketch pad na dala niya. Alam ko na agad kung anong sagot. "Magdodrawing ka dito?" 

"Bawal ba?" umupo siya sa bangkuan. "Kasama mo si Jose?" 

"Oo," umupo rin ako pero hindi mismo sa tabi niya.

Ayoko nga! Kinakabahan ako. Baka mamaya ay marinig niya ang tibok ng puso ko. 

Isa pa… Pawisan pa ako dahil kagagaling ko lang sa laro. Wala naman akong amoy pero baka mamaya ayaw niya sa gano'n. Naninigurado lang. 

"Bakit palagi ka ata dito? Fan ka ng basketball?" 

"Hindi." tumingin siya kay Jose. Nanliliit ang mata niya habang pinapanood na nagsh-shoot ang kaibigan ko. "Gumagawa ako ng draft para sa gagawin kong webtoon." 

"T-Talaga?" 

Grabe talaga ang determinasyon ng babaeng 'to. Alam kong magaling talaga siyang gumuhit. Kayang kaya niya ang gumawa ng webtoon at ang malaman na gagawa nga siya noon ay mas lalong nakakamangha. 

"May maitutulong ba ako?" 

Napalingon siya sa akin. Tinignan niya ang hitsura at ang katawan ko. 

Love : ChairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon