Ang Simula
"Anong oras na, Gaspar?! Pupunta ka ba o magkukulong ka na lang diyan sa studio mo?!"
Kunot noo kong nailayo ang cellphone sa tainga ko.
Kanina pa tawag nang tawag ang isang 'to at rinding rindi na rin ang tainga ko sa paulit ulit niyang sinasabi. Hindi ata makaintindi sa sinabi kong hindi ako pupunta sa Homecoming na sinasabi niya!
"Ano ba kasing mayroon sa Homecoming na 'yan?!" sigaw ko rin, inis na sa pagiging makulit niya.
"Bakit ka sumisigaw?! Galit ka?!"
"Tang ina mo, Jose! Ikaw ang kanina pa naninigaw!"
Inis kong pinatay ang laptop ko. Hindi ko pa tapos tignan ang mga shot ng photographer ko pero dahil sa gagong ito ay hindi ko na ata matatapos pa!
Ang galing galing mag-aya sa mga party na pinupuntahan, wala naman maiambag sa negosyo ko!
Kung hindi ko lang matagal na kaibigan 'to, talagang i-block ko na ang numera niya. Nakakairita na at kung minsan ay nadadamay pa ang trabaho ko.
Kailan ba magtatanda ang isang 'to? Sakit sa ulo at mukhang siya pa ang magiging dahilan ng pagkakaroon ko ng mga puting buhok.
"Ano? Pupunta ka ba?"
Ang kulit!
"Hindi nga! Bakit naman ako pupunta diyan? Wala akong mapapala diyan!" giit ko dahil iyon ang totoo.
Hindi naman ako malapit sa mga naging kaklase ko noon, lalo na noong high school! Tanging itong si Jose lang ang lagi kong kasama at ang ibang mga lalaking kaibigan na hanggang ngayon ay wala akong balita.
Inayos ko ang dulong manggas ng long sleeves ko. Pagod ako ngayon. Madami kaming naging kliyente at kung papaunlakan ko ang isang 'to, matatambakan ako sa trabaho.
"Paano mo nasabing wala kang mapapala? Madaming babae doon! At..." huminto siya saglit, narinig ko ang pagsara niya ng pintuan kaya sa tingin ko ay nagtago pa ang hangal. "Balita ko, umuwi na daw si Chairy!"
Napahinto ako sa pag-aayos ng sarili. Huminga ako nang malalim bago dinampot ang cellphone at pinatay ang loudspeaker.
Nialpit ko iyon sa tainga ko para marinih nang maigi ang mga sinasabi niya.
Papatayin ko ang 'sang ito kapag kasinungalingan lang ang mga sasabihin niya.
"Anong sabi mo?" tanong ko ulit.
Alam kong tama naman ang pagkakarinig ko sa kanya. Gusto ko lang ulit siguraduhin dahil hindi ito biro sa punto ng buhay ko. There's nothing more serious when it comes to her.
"Si Chairy, andito na ulit! Nakauwi na ang first love mo!" narinig ko ang demonyo niyang halakhak.
Ang matagal na natutulog na damdamin ay biglaang nabuhayan ulit.
Ilang taon na ba? Kung hindi ako nagkakamali ay sampung taon na rin ang nagdaan. Ten years! And here I am, waiting for her to come back like a wild animal waiting for it's prey.
Huminga ulit ako nang malalim, hirap na hirap sa paghinga dahil lang sa balitang ito.
"Pupunta ka na? Siyempre pupunta ka na! Baka magpa-Maynila ulit ang isang 'yon! Sayang ang oras, tol..."
Pumikit ako ng mariin.
Papalagpasin ko ba ito?
Ilang taon akong naghintay. Isang dekada na rin. Kahit gustong sabihin ng pride ko na huwag ng pumunta, hindi ko naman kayang magbingi-bingihan sa puso kong naghuhumiyaw sa pagtibok.
Hindi ko inaasahang mabibigyan ulit ako ng ganitong pagkakataon sa buhay kong ito na makita at makausap ulit siya. At ang ganitong mga pagkakataon, hindi na dapat pinapalampas. Nagsisi na ako noon. Ayoko nang maulit ulit ngayon. Masyadong paimportante ang oras, na kapag lumipas na, sobrang kay hirap nang ibalik.
It's now or never.
Dumilat ako, kasabay nang pag-asang sa gabing 'to, mahagilap ko ang lahat ng swerte sa buhay.
"Pupunta ako." sagot ko at ibinaba na ang tawag.
