13

15 2 2
                                    


What's the word? Nakakahiya! 

Lalo kung isasama pa natin ang halos paglambot ng tuhod ko. Halos madapa pa ako pagkababa namin! 

"Gaspar, tangina, nakakahiya ka!" 

"Ano 'yun? Ang pangit mo, Gaspar!" si Peter. 

Sinamaan ko sila ng tingin. Pero dahil nanghihina pa rin ang kalamnan ko, hindi ko sila matignan nang mas masama. 

Mga walang kwentang kaibigan! Kitang nanghihina ako rito, nang-aasar pa. Mga leche. 

"Hindi ka sanay sa rides?" 

Umirap ako at tumagilid ng upo para hindi maharap si Chairy. Isa pa to eh. Sa katunayan, siya ang pasimuno. 

"Huy!" tumawa siya. "Galit ka? Akala ko hindi ka takot eh bakit—" 

"Shut up!" 

"Galit ka nga? Sana sinabi mo na lang kasing takot ka pala talaga para 'di na natin tinuloy." 

Oo nga, tutal turn off ka naman sakin palagi kahit anong gawin ko 'di ba? 

Hindi na lang ako nagsalita. Bukod sa nahihiya talaga ako, gusto ko munang ipunin ang mga lakas na nawala sa akin. Damn. Nararamdaman ko pa ring nakalutang ang mga binti ko. Pakiramdam ko hindi na 'to normal. 

"Pero ang ganda hindi ba? Nakakatakot pero ang ganda ng view." 

Napapikit ako. Naalala ko na naman. Tanginang kaduwagan 'to. 

Ilang minuto ang lumipas. Nagpaalam sina Jose at Peter na bibili muna ng pagkain habang kaming dalawa, nakaupo pa rin. Ako, nakatalikod sa kanya. Habang siya, tinatanaw ang mga dumadaan na tao sa harap niya. 

"I'm sorry,"

Napangaangat ang sulok ng labi ko sa narinig. Hindi ko inaasahan ang dalawang salita na 'yon galing sa kanya. 

Sorry, dahil ba hindi mo kayang pantayan ang nararamdaman ko? Asa ka, Gaspar. 

"Sorry talaga…" ulit niya pa. 

Nang tignan ko siya, nakayuko na siya sa sahig. Pinaglalaruan niya ang dalawang kamay sa pagitan ng kanyang payat na binti. 

Hindi naman siya ganito umasta. Kung nagpapacute o nagpapaawa siya, masasabi kong magaling siyang artista. Bentang benta ang ginagawa niya sa akin na halos makalimutan ko na kung ano nga bang ginawa niya. O meron ba? Sa ginagawa niyang 'to, mas gusto kong sisihin ang sarili ko kaysa sa kanya. 

"Wala ka namang kasalanan." unti unti akong gumilid sa kanya. "At hindi rin naman ako nagsisisi. Tama ka naman. Maganda nga…" 

Nilingon niya ako. Nakita ko kung gaano ko nakita ang gulat sa kanya na agad ding nawala. Sa huli, lupa na lang ang tinignan niya. 

"Kahit nakakatakot, pakiramdam ko nasa tuktok ako ng mundo. Kaya kung tatanungin ako, kahit nakakatakot, uulitin ko pa rin." 

Napatingin ulit siya. "Kung ganoon pwede pa tayong umulit?" 

Nauwi lang siya sa paghalakhak nang irapan ko. 

"Forget it. Mamasyal na lang tayo. It's my first time here. Want to tour me?" aniya pero nauna namang tumayo at naglakad. 

Pinagmasdan ko muna ang likod niya. She's so skinny. I don't like it. 

Hindi ko tuloy alam kung anong gusto ko. Gusto ko siyang asarin minsan para mapansin naman  niya ako. Pero kapag naiisip kong magagalit siya at papatol sa akin, naaawa ako. Man, tingin ko kapag binulyawan niya ako, kakalas na lang siya! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love : ChairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon