10

29 4 0
                                    

"Ang bobo mo!" 

Napapikit ako sa sigaw ni Jose. Kakawento ko lang sa kanya ng nangyari sa amin ni Minion at iyan agad ang binungad niya. 

Hindi ko alam kung bobo ba talaga ako o sadyang wala lang siyang kwentang kaibigan. O baka parehas lang? 

"Para ka na ring umamin sa kanya niyan. At… Paano kung narinig niya? Hindi porquet nakaearphone, nakikinig ng music!" 

"Huwag ka ngang sumigaw! Tumahimik ka…" nilingo ko ang paligid. Mabuti at walang tao! "Bakit hindi mo na lang ipagsigawan sa buong school na gusto ko siya, 'no?" 

Hinampas ko ang dibdib niya 'tsaka iniwan. 

Nakakainis. Ang ingay ingay niya. Kung hindi nalaman ni Chai ang feelings ko sa ginawa ko kahapon, paniguradong malalaman naman niya dahil sa kaingayan ni Jose. 

"Pero… Kung titignan. Okay na rin pala 'yon. At least hindi ba? Hindi mo na kailangan umamin. Napakatorpe mo at—" 

"Hindi ako torpe." 

Ngumiwi siya. 

"Basta, maigi na rin kung narinig niya nga. At kung narinig nga, ngayon mo malalaman kung anong reaksyon niya. Hula ko ay baka masuntok ka lang noon. O hindi lang. Baka idrawing ka noon at lagyan ng sungay at buntot." 

Parehas kaming natawa.

Siyempre, naisip ko na rin iyon. Baka hindi lang sapak ang matanggap ko galing sa kanya. Nakikita ko na agad ang busangot niyang mukha at kung paano niya ako iisnobin. Napahalakhak pa ako lalo. 

Sungit pa naman noon. Palaging iritado. Parang kaaway ang lahat. 

Umupo kami sa upuan namin ni Jose. Sakto namang pag-upo namin ang pagpasok niya. Tinapik agad ako ni Jose. 

"Hindi na nakaipit." 

"Dapat lang," ngumisi ako at tumango. 

"Baka narinig niya nga 'yung sinabi mo?" 

"Malabo nga 'yan. Malayo na siya noon at naka-earphone na. Baka hindi lang 'yan nagtali dahil sinabi kong pangit sa kanya." 

"Ehhhh?" 

"Pero titignan ko mamaya. Kapag alam niya, itatanggi ko. Kapag hindi, salamat." 

Dahil wala talaga akong balak umamin sa kanya. 

Babagsak muna ang langit sa lupa bago ako umamin sa kanya. Puputi muna ang uwak. Masaya ako sa kung paano niya ako itarto kahit minsan, iniisnob lang ako. At ayokong magbago pa iyon dahil lang sa nararamdaman ko. 

Isa pa, hindi porquet gusto mo ang isang tao, kailangan mo ng ipagsigawan sa mundo ang nararamdaman mo. Ang mahalaga, nandiyan ka palagi para sa kanya. Hindi kailangan ng salita dahil mas mahalaga naman ang ginagawa. 

Sabi niya noon, mahirap daw siyang gustuhin. Sinungaling. 

Bakit ako hulog na hulog ngayon kung mahirap nga? Sa ngiti at sulyap niya lang, tumatalon na ang puso ko sa tuwa. Kapag kinakausap niya ako, para akong ginagawaran ng mamahaling regalo. 

Saan parte diyan ang mahirap, Chai? 

"Psst, Minion..." 

Tinaas ko ang kamay ko sa ere at tinawag siya. Sinimangutan niya agad ako at imbes na sundin ang gusto ko, umupo lamang ito sa may bench. 

What? Talaga naman… 

Dahil ang taas ng pride niya, ako na lang ang lumapit sa kanya. Pabagsak ang upo ko sa bench katabi niya. As usual, kaharap na naman niya ang sketch pad niya. 

Love : ChairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon