4

38 6 1
                                    


This is the last day for my punishment. Tapos na ako sa pagdidilig nang bigla akong may napansin na dadaan.

At sa dami ng estudyante dito, si Minion pa talaga.

Seryoso ang mukha niya, yakap yakap na naman niya ang sketch pad niya at ang buhok ay natural nang magulo.

Umupo siya sa isang bench. Sa harap kung saan ako nagdidilig. Nilapag niya sa hita niya ang sketch pad niya at mabilis na hinalughog ang bag. Siguro ay kukuha na naman ng lapis.

Umikot ako papunta sa tabi niya. Hindi niya pa rin napapansin.

Pasipol sipol ako habang nagdidilig kahit naman tapos na talaga ako.

"Ang ganda ng mga bulaklak, hindi gaya ng iba diyan..."

Hindi pa rin siya umimik.

Tumaas ang kilay ko at sinubukang tignan ang ginagawa niya.

Tama nga ako, gumuguhit na naman siya. Pero hindi na ng anime o ng kung anong character. Ginuguhit niya ang nasa harap niya. Ang mga puno, halaman, upuan at ang masasayang mga estudyante.

"Malulunod ang magandang bulaklak kung patuloy mong sisilipin ang gawa ko."

Napaiwas ako ng tingin ng sinabi niya iyon.

Palpak na rin naman, binitawan ko na ang pandilig na hawak ko. Pero imbes na umupo sa tabi niya, tumayo lang ako sa gilid habang pumapamulsa.

"Gusto mo ang Arts?" tanong ko kahit halata na.

Pinapanood ko ang bawat galaw ng kamay niya. Magaan at maingat iyon. At sa bawat pagguhit niya, hindi ko mapigilan ang mamangha.

"Kung mang-aasar ka lang ay huwag mo ng simulan. Wala ako sa mood."

Ano daw? Ang judgemental naman pala nito. Nagtatanong lang ako, ganoon na agad ang sinabi. Akala ata nito ay pang-aasar lang ang alam ko sa buhay.

"Wala akong balak mang-asar. Wala rin ako sa mood." tugon ko.

Sandali siyang nag-angat ng tingin sa akin.

Tumingala agad ako sa langit para lang hindi ko maabutan ang tingin niya. I can't stand having an eye to eye contact with her.

Ang... pangit niya.

"Medyo, bakit mo naman natanong?"

Tumango ako. So tama nga ako?

Wala akong alam sa Arts. Well, sa lahat ng subject naman. Pero gusto ko ang photography. Iyon lang ang tanging nagustuhan ko sa mundong ito.

Nanliit ang mata ko nang makakita na naman ako ng iba't ibang Naruto keychain sa bag niya.

Naalala ko tuloy 'yung keychain na nahulog niya noong nakaraang linggo. Nasa akin pa rin iyon hanggang ngayon. Palagi niyang kinukuha kapag nakikita niyang pinapaikot ikot ko pero siyempre, akin na 'yon.

"At gusto mo rin si Naruto?"

Tumkhim siya.

"Curious ka naman ata masyado sa buhay ko?"

Wow, wow!

Ayoko na ngang magtanong. Baka mamaya ay iba pa ang maging dating sa kanya. At naiisip ko pa lang na naiisip niyang interesado ako sa kanya, nandidiri na agad ako.

"Don't worry, hindi kita type. At huwag kang umasang magkakagusto ako sa gaya mo. Ayaw ko sayo at hinding hindi kita magugustuhan."

"The feeling is mutual." aniya at muling bumalik na sa pagguhit.

Love : ChairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon