12

14 2 0
                                    


Our first destination is in Aerospace Museum. I'm not a fan of planes or aircrafts kaya medyo boring ang lugar na iyon para sa akin. Isa pa, mas naging abala pati akong panoorin at tignan si Chai. 

Lintek. Ano naman kasing gagawin ko sa mga panghimpapawid na sasakyan? 

"Picture-an mo ko, Gaspar." utos ng walang hiyang si Jose. 

Tamad kong sinenyas ang pwesto kung saan niya gusto. 

"Kami rin! Sama!" 

"Bilisan niyo na," ani ko habang inaayos ang lente ng camera. 

Mabilis silang humilera sa tapat ng isang luma pero magandang eroplano. Kalahati ng mga kaklase ko, nandoon. Ang grupo namin nila Jose, pati sina Clars. Adviser na lang namin ang kulang at ang iba para maging class picture niya. 

"One, two—" 

"Teka!" sigaw ni Jose at umalis sa pwesto. 

"Tangina, Jose, bilisan mo at may gagawin pa ko!" 

"Oo, oo na, init ng ulo…" tumawa siya bago dumiretso sa likod ko. Gusto ko sana siyang suntukin kung hindi ko lang nakita kung sinong hila hila niya. "Gusto mo ba ng halo halo? So you can chill?" 

Kung hindi niya lang hawak ang payat na braso ni Chairy, binato ko na siya. Napapikit ako. Calm down, Gaspar. Masarap manuntok ng kaibigan pero hindi sa harap ng babaeng gusto mo. 

"Sali ka samin, Chai. Picture tayo. Remembrance." 

"At ako, wala?" tanong sa kanila. 

Tumawa silang lahat. Maging si Chairy, napangisi na rin habang nakatingin sa akin. 

"Anong nakakatawa?" tanong ko pero nasa kanya ang tingin ko. 

Alam kong alam niyang nakatingin ako sa kanya. Kaya nga inilingan niya ako at inirapan. Kay Jose ang saya saya niya, sa akin… 

"Huwag ka na magtampo! Mamaya kasali ka na. Bilisan mo na kasi diyan,"

At ano nga bang magagawa ko? Tinaas ko ang DSLR na dala para makuhanan na sila. 

They're all smiling. Maging si Chairy. Kitang kita ko iyon. Hindi kasing laki ng ngiti niya ang sa iba pero alam kong sa kanya ang pinaka maganda. 

I know. I like her blindly. Simula nang magkagusto ako sa kanya, nabulag ako. Wala na akong ibang nakitang ibang magandang babae bukod sa kanya. She has pimples on her face. But I like her still. May be she's not pretty for others but for me, she's real. 

"Isa pa!" ani ko at sinenyas ang kamay. 

But this time, hindi ko sila kinuhanan lahat. Si Chairy lang ang kinuhanan ko at ang ngiti niya. 

Hell, anong paki ko sa ngiti nila, lalo ni Jose? 

"Ibang pose naman!" ani ko. 

Mabilis na umusbong ang malaking ngisi sa akin nang makuhanan ko ang hitsura niyang naiirta na ewan. 

There, Chairy is Chairy when she's being snob. 

"Kami naman nila Gaspar kuhanan niyo!" si Jose.

Umirap ako. Kung kailan nag-eenjoy na ako, 'tsaka niya pa naisipan ang bagay na 'yan. 

"Ayoko na, Jose. Napaka mo," si Peter na natatawa at lumayo na para 'di na makasama pa. 

Pipili sana ako kung sinong hahawak nang camera ko nang mapansin ko ang paglakad ni Minion sa akin. 

"Ako na ang kukuha," 

Love : ChairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon