She's like a star for me. She's very distant.
Ganoon siya.
Iyong nasa harap mo lang pero alam mong hindi mapapasa'yo. Iyong kayang kaya mong hawakan, pero kahit kailan ay malabo mong maangkin.
Hindi rin siya madalas makipag-usap sa mga kaklase namin. Wala ring kaibigan. At sa tuwing tanghalian, palaging mag-isa.
Wala naman talaga akong pakialam sa kanya. But I can't help to pity her. Naaawa ako pero hindi ko rin mapigilan ang mamangha sa kanya.
Kaya niyang mag-isa! Hindi niya kailangan ng tulong ng iba o ng kaibigan man lang.
Dahil na rin siguro sa pagiging patpatin at sa palagi niyang pag-iisa, nagiging tampulan siya ng mga asar. Sentro siya palagi ng maliliit na away at sa bawat araw ata na lumilipas, palala nang palala ang nararanasan niya.
Matapos nang away nila Clarise, sunod sunod ang mga nakabangga niya at dumadami na rin iyon. Siyempre, nang malaman nilang naglakas nga siya ng loob kausapin ang isang pilot, para nga siyang nagkasala ng malaki.
"Nakikinig ka ba, Par?" kumunot ang noo ni Jose at napalingon sa likod kung saan ako nakatingin. "Na naman? Ano bang mayroon kay Chairy at palagi kang nakatingin sa kanya? Nagugustuhan mo na ba?"
Binato ko siya ng isang candy at mabilis na tinanggi ang sinabi niya. Ito na naman ang mga nakakairitang pang-aasar niya.
Saang banda ang maganda doon? Bukod sa mga drawing niya, lahat ay pangit na sa kanya.
"Mandiri ka nga Jose. Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo?"
Tumawa ito.
"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib." bulong niya na hindi ko naintindihan.
"Ano?!"
"Wala, ang sabi ko, tigilan mo ang pagtingin sa kanya. Kung gusto mo siyang pagtripan, tigilan mo na. Masyado nang madami ang nantitrip sa kanya. Tignan mo…" lumingon siya. "Mag-isa na naman siya sa lamesa niya. Alam mo bang lahat ng umuupo sa table na 'yan ay nakakaaway ng mga bully niya? Kaya ang resulta, naging sa kanya na ang puwesto na 'yan."
Dapat ba akong magalit? May karapatan ba ako?
Dahil sa tuwing naaalala ko ang ginawa kong pagtulak at pagsabi sa kanya kung gaano siya kapangit, naniniwala akong wala akong karapatang magalit sa mga nantitrip sa kanya.
"Naaawa ka ba sa kanya?" tanong ko kay Jose.
"Siyempre naman dude! Babae din iyan. Napag-iinitan dahil nga bago at dahil doon kay William. Tapos itong pinakabagong away niya ay tungkol sa pagsagot niya kay Sandra."
Pinilig ko ang ulo ko.
"Hindi niya sinagot. Pinagtanggol niya lang ang sarili niya." pagtatama ko.
"Oo nga, pero sa tingin mo iisipin pa ng iba 'yan?" umiling ito. "Hindi. Kasi wala siyang kakampi dito. Bago pa lang. Natural na sina Sandra at Clars ang panigan ng lahat."
Napahinto siya sa pagnguya. Mariin niya akong tinignan at inilingan.
"Sinasabi ko sa'yo, hayaan mo na siya. Kahit na gusto–"
"Hindi ko siya gusto."
Tamad itong tumango.
"Kahit na naaawa ka sa kanya, wala kang magagawa. Huwag mo na lang dagdagan ang hirap niya sa school na 'to para sabay sabay tayong makatungtong ng grade twelve."
