Penny
Walang patas sa mundong ito. Kailangan mo ng dalawang magkasing-timbang na bagay upang mapanatili ang balanse. Sa buhay, kapag nanatili kang mabuti, lalamunin ka ng kasamaan. Kapag nanatili kang mapagbigay, gaano ka nakasisiguro na hindi ka pagdadamutan? Ngunit paano kung isa kang purong kasamaan, may kabutihan pa kayang tatanggap sa 'yo?
Dinukot ko ang pera sa bulsa ng black na hoodie ko at inabot ko sa kanya. "O, bilis!" Nagmamadali kong sigaw habang nakatingin sa nagdidilim nang kalangitan. Malapit nang umulan.
"Pen-" Napahinto s'ya nang agad ko s'yang nilingon. "K-Kasi.. Kulang 'tong b-bayad mo..." Nangangatal n'yang inilahad ang pera ko sa harapan ko, pinapakitang hindi sapat 'yon para sa limited edition luxury lighter na binibili ko sa kanya.
Tinaasan ko ng kilay ang four thousand and five hundred peso bill na nasa kamay niya. Tss. Five hundred nalang ang kulang, di pa pinatawad. Humalukipkip ako at bored s'yang tinitigan.
"Mumurahan mo o mumurahin kita?" Tinapik-tapik ko ang pisngi n'ya. Humalo ang takot at pangamba sa mga mata niya. Mas dinagdagan ko pa ang lakas ng paglapat ng palad ko sa pisngi n'ya at binigyan s'ya ng mapaglarong ngiti.
"Hindi talaga k-kasi pwede..." Umirap ako at dinura ang bubble gum sa gilid ng daan tsaka bumunot ng isang libo sa bulsa. Umatras ako palayo ng ilang hakbang habang nilalamukos ang pera sa aking palad.
"Lapit, akin na muna yung lighter," utos ko na agad naman n'yang ginawa kahit may bahid ng pag-aalinlangan at kawalan ng tiwala ang mga kilos at tingin n'ya.
Matapos niyang iabot sa akin ang lighter ay pinapwesto ko ulit s'ya sa kinatatayuan n'ya kanina, ginawang tila basket na pagshoo-shootan ng pera na ngayon ay nakalamukos na.
"Kapag pumasok, sa'yo na ito," nginuso ko ang isang libong hawak ko. "Pero kapag hindi, ikaw ang may utang sa'kin." Tamad ko s'yang nginisihan.
"P-pa-parang baligtad naman yata, 'yon, Enderah-"
"Tatlong pagkakataon. Dapat ma-shoot ko 'to nang kahit isang beses," hindi pa man handa ay agad kong hinagis ang nakalamukos na pera papunta sa kanya.
"Tsk. Sablay," naglabas ako ng bahid ng kunwaring nanghihinayang na ekspresyon, humahalo sa kanina'y naiinip kong mukha. Agad n'yang ibinilog ang kanyang braso ng maayos at nanginginig na inabot muli sa akin ang pera.
Sa pangalawang pagkakataon ay sinadya kong patamaan ang kanyang mukha. Malakas akong napatawa sa nagugulat at natatakot n'yang ekspresyon. Nasaan ba kasi si Coleen? Itong alalay n'ya pa ang pinapunta rito. Nginuso ko ang pera na nasa ibabaw ng converse na suot n'ya, agad naman n'yang nakuha ang gusto kong sabihin at iniabot ng marahan sa akin 'yon.
Inayos ko na sa pangatlong pagkakataon at mabilis na tinalikuran s'ya. Malalaking patak ng ulan ang bumingi sa buong bayan, tanging suot na hoodie lamang ang nagsasangga sa lamig na dala ng hanging tila may sama ng loob kung makasampal sa nababasang balat ko. Binilisan ko pa ang takbo, paniguradong hindi tatagal ang dalawang minuto ay magmumukha na akong isang basang sisiw sa paningin ng mga tao.
Nababasa na din ang panloob na suot ko, ang uniform. Shit!
Kalmado at parang walang nangyari akong pumasok sa klase nang makarating. Bored na umupo sa upuang sinumpa na kung sino man ang uupo doon maliban sa may ari ay-
"Miss Belleza!" sigaw ang sumira sa katahimikang bumabalot sa silid kanina. Here we go again!
Nilingon ko lang s'ya, marahan akong umupo sa aking upuan at tamad na itinukod ang siko sa lamesa upang may paglapatan ang ngayo'y malamig kong pisngi dahil sa ulan kanina.
YOU ARE READING
A Penny For His Thoughts
General FictionStatus: On going Posted: July 3, 2020 - ©ALL RIGHTS RESERVED