Chapter 8: Message

14 4 0
                                    

Penny

Dumating ang maingay na umaga sa buong buhay ko. Kumalat sa buong school na nilalandi ko si Eulises, alam ko na agad kung kanino galing ang walang kwentang balitang 'yon. He's quite popular, huh? Sa bagay, matangkad at magandang lalaki talaga siya, walang bahid ng imperpeksyon. Maging ang simpleng pagngiti niya ay nagdadala sa mga babae sa langit. Kulang na lang ay luhuran at sambahin na nila ang lalaking 'yon.

Kada lakad ko ay pinagtitinginan ako, bawat hakbang ay may kasamang masasamang bulong. Hindi ako nilubayan ng kanilang mga boses hanggang sa makarating ako sa classroom.

"Nandito na pala ang babaeng laman ng balita sa buong campus ngayon," boses ng babaeng hindi ko alam ang pangalan ang nangibabaw sa pandinig ko.

"Thanks to you," plastik ko siyang nginitian.

"Wala kang sasabihin?" she asked.

Hindi ko siya sinagot. Sayang ang laway ko sa babaeng 'to. Maarte siyang umirap bago humakbang palapit sa akin.

"Guess you're not even bothered, kasi totoo naman?"

"Hmm, sa palagay ko hindi bagay sa'yo magsabi ng mga ganyang bagay... sa'yong..." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa bago tingin muli sa mata niya. "Parausan ng mga lalaki sa buong school," peke pa akong ngumisi.

Labag sa loob kong magsabi nang ganoong bagay pero wala akong choice. Napatid na ang pasensya ko.

"How dare you!" She shouted and pointed at me.

"You started it first so..." nakangisi akong nagkibit balikat tsaka dumiretso sa upuan ko.

"Guys! Good news!" Sigaw ng isa kong kaklaseng kakapasok lang. Pumunta siyang unahan at itinukod ang dalawang kamay sa table.

"Wala sina Sir!!!!!!" Nagbubunyi niyang anunsyo.

Nakipag-apir ang mga kaklase kong lalaki sa kanya at nag-aasarang lumabas ng classroom. Ang iba ko namang kaklaseng babae ay nag-ayos ng kanilang mukha habang ang iba naman ay bored na nakaupo lang habang tumitingin sa cellphone, may iba ring lumabas.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na din, ayaw kong tumagal sa loob. Naiimbyerna ako sa punyetang babaeng 'yon.

Dumiretso papunta sa lumang building, kumpara sa maingay na paligid ng campus ay mas payapa naman doon at nakapag-iisip ako do'n nang maayos.

Dahil maraming puno dito, sumalubong agad sa akin ang malakas na hangin. Nililipad din ang mga tuyong dahon na nasa lupa at nakakatuwang paringgan ang tunog ng mga 'yon sa tuwing naaapakan ko.

Ibinaba ko ang bag ko sa sementadong upuan matapos kong kunin ang pakete ng sigarilyo at lighter sa loob ng aking bag. Akma pa lamang akong uupo nang makita ko si Eulises na nakayukong naglalakad papunta sa kinatatayuan ko ngayon.

"Eulises!" Tawag ko. Gulat siyang lumingon bago puminta sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan.

Tatawagin ko pa lamang siyang muli nang tinalikuran niya na ako at nagsimulang maglakad palayo.

"Hindi mo ba ako kakausapin!" Lakad takbo ko siyang hinabol.

Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Hinila ko ang braso niya bago muling nagsalita.

"Kausapin mo na ako,"

Dahil malapit ako sa kanyang mukha ay kitang kita ko ang pagkunot ng kanyang noo at pagsalubong ng makakapal niyang kilay, ngunit hindi dahil 'yon sa sinabi ko, 'yon ay dahil nakahawak ako sa kanyang braso.

Agad akong bumitaw nang mapagtantong baka ayaw niya ng hinahawakan siya. Tumikhim ako at pilit na nagsalita.

"Galit ka ba? Ililibre na lang kita sa labas," hindi ko alam kung tama ang pagkakasabi ko no'n. Feeling ko hindi nagmukhang sincere dahil sa tono ng pananalita ko, idagdag pa ang lukot kong mukha dahil hindi ako makatingin sa mga mata niya.

A Penny For His ThoughtsWhere stories live. Discover now