Chapter 10: Goodnight

26 4 1
                                    


Penny

"I told you to be safe, yet..." Nilibot niya ang paningin sa mukha ko, bahagya pang sumama ang tingin nang makitaan ako ng mga galos.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo halong emosyon ang nakapaloob sa puso't isip ko ngayon. May parteng naninibago, nag-aalala at nagtataka. Natatakot akong umamin na naging komportable ako nang dumating siya. Feeling ko safe ako dahil sa sinabi niya.

Hindi ko na alam!

These are foreign to me. I never thought na magkakaroon pa ako ng kaibigan. He's my very first friend, except Lian. Kaibigan na buhay, sumasagot kapag kinakausap ko at... dinadamayan ako. Kaibigan na hindi ko na kailangan gawan ng dialogue sa utak ko dahil tao na itong kaharap ko at hindi na isang laruan.

"I'll take you home," pinagmasdan niya pa ako. "We have to mend your wounds... and bruises."

"H'wag na... kaya ko," tiningnan ko siya sa mata para makumbinsi siya sa sinabi ko.

Mariin niya lang akong tinitigan bago umiling. Hindi siya nagsalita.

"B-Baka nakakaabala ako. Kaya ko na ang sarili ko,"

"Don't be stubborn, Penny."

"Hindi na talaga," pinunasan ko ang mga luha ko. "Kaya ko..."

Pinatunayan ko ang sarili ko sa paglakad. Nagsimula akong humakbang, hindi siya sumunod. Nakahalukipkip lang siya doon at mataman niya akong pinapanood.

Ilang hakbang pa ay nagsimula nang manginig ang tuhod ko. Traydor! Ngayon pa nanghina.

Pinilit kong muli maglakad nang nakakakalahati na ako ng layo sa kanya ay bigla na lang akong nabuwal... pero hindi ako tuluyang bumagsak.

"I told you," mariin na naman ang titig niya ganoon din ang pagkakasabi niya sa tatlong salitang 'yon. Natutop ko ang labi ko.

Hawak hawak niya ang bewang ko ngayon. Inaalalayan ako mula sa tuluyang pagbagsak sa lupa.

Ngayong medyo kumakalma na ako. Nagtataka ako kung bakit niya ako tinutulungan... I mean, we're friends like what he just said but-nevermind. Siguro nga naninibago lang ako dahil kakaiba 'yong pagiging kaibigan ni Lian sa akin at iba din 'yong pagiging kaibigan niya sa akin.

"Come on," inayos niya ako para makatayo muli. Nagulat ako nang binitawan niya ang kamay ko at pumunta sa harapan ko. Tumalikod siya sabay luhod.

"Uh-anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanong, tinuro niya naman ang likuran niya.

"Come on, Penny. Nanghihina ka na," he patted his shoulder.

"What?"

"I'm giving you a piggy back ride." Inip na ang boses niya.

"But-Eulises!" Napatili ako nang bigla niya akong hilahin. Sinikop niya ang bewang at ang ilalim ng tuhod ko.

"You don't have to do this!"

"Tss. H'wag ka nang maarte. I'm doing you a small favor," seryoso siyang tuloy tuloy sa paglakad.

Tahimik lang ako habang buhat buhat niya. Naisip ko lang na andami kong first time ngayon. First time na may nag comfort sa akin, first time na may bumuhat sa akin para iuwi ako, first time na may nag-offer sa akin mag-piggy back ride (kahit hindi niya ginawa), first na may nagpunas ng kuha ko and... for the very first time, I feel safe and secured.

Nakikita kong mabuti ang tangos ng ilong niya sa anggulong ito. Ang mapupula niyang labi, at ang makakapal at salubong niyang kilay. I know... he's... hot.

A Penny For His ThoughtsWhere stories live. Discover now