Chapter 6: Eulises

20 4 1
                                    

Penny

Simula ng araw na 'yon ay lagi ko nang naaabutan si Eulises doon at simula din no'ng araw na 'yon ay hindi na muli pang nagpakita sa akin si Lian. Two weeks have passed pero wala pa din maski anino niya.

Isa si Lian sa importanteng tao para sa akin. Simula no'ng gabing 'yon ay hindi nabago ang pagtingin ko sa kanya, isang matalik pa din siyang kaibigan sa akin. Nakaramdam ako ng takot, oo, ngunit hindi mapapantayan noon ang kabutihan na nagtago sa anino ng kanyang pagkatao noong gabing 'yon.

Isa-isang pumatak ang luha ako at lalo pa akong napaiyak nang makita siya sa ganitong ayos. Ito ba talaga ang kaibigan ko? Ito ba talaga si Lian?

Duguan siyang lumapit sa akin, nananatiling nakaamba ang matalas na kutsilyo upang kitilin ang aking buhay.

"Lian, please..." Pagpigil ko sa kanya.

Sa sandaling 'yon ay parang tumigil ang takbo ng puso ko nang makita siya sa isang mahirap na kalagayan. Wala na ang bakas ng isang masaya at mapagbirong Lian, ang tanging nakikita ko ngayon ay ang luhaan at duguan na Lian. Hindi ito ang Lian na nakilala ko. Matatanggap ko pa na awayin at tarayan niya ulit ako, huwag lang 'yong ganito. Nadudurog ako.

Ilang sandali pa ay tinakbo na niya ang natitirang pagitan namin. Hindi ko matanggap, nararamdaman ko ang mabilis na pagtaas baba ng aking dibdib at ang walang hintong pagtulo ng aking luha.

Mariin akong pumikit, naghihintay ng kamatayan. Kung ito ang magiging parusa ko sa lahat ng maling mga bagay na nagawa ko, tatanggapin ko. H'wag lang si Lian.

Mabilis na yapak ang narinig ko, pumikit ako ng mariin. Mas lalo pang tumulo ang luha ko nang maramdaman ko kung ano ang nakakapit sa katawan ko.

Hindi matulis na kutsilyo...

Kundi isang mainit na bisig ang nakayap sa akin. Hindi matalim na bagay ang bumaon sa puso ko.

Hindi dugo ang tumulo mula sa akin...

Kundi maiinit na luha, dala ng sakit, awa at pagmamahal. Hindi dugo ang lumunod sa akin kundi mga salita na lalong nagbigay sakit sa buong kalooban ko.

"You're my best friend, Penny..." He sobbed, naramdaman ko ang maiinit niyang luha sa balikat ko.

"Sorry, pero hindi ko magagawa 'yon sa'yo..." Humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin. "Nadala lang ako ng galit ko, pero hindi ko gagawin 'yon sa' yo... mamamatay na muna ako,"

Umiiyak siyang humiwalay sa akin. "Umalis ka na, Penny..."

"P-paano ka?" Tanong ko. Hindi bumagal ang kabog ng puso ko, lalo pang bumilis 'yon nang matanaw ko ulit ang panay nang lalaki.

Umiling siya. "H'wag mo na akong intindihin, umalis ka na..."

Umiiyak akong tumango, kahit nagdadalawang isip ako kung iiwanan ko ba siya o hindi. Pero hindi pa man nagbabago ang isip ko ay marahan niya na akong itinulak palayo.

"Go now, Penny..." Aniya.

"I'll see you next week," pagkumbinsi niya sa akin. Hindi nagtagal ay tumango na din ako.

See you next week, Lian...

Naramdaman kong uminit ang mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Two weeks na ang nakalipas pero hindi ko pa din nakikita si Lian. Nag-aalala na ako para sa kanya.

"Kumain ka na?"

"Psst!"

"Penelope Enderah!" Nagising ang utak ko sa sigaw ng gunggong. Inis ko siyang nilingon.

A Penny For His ThoughtsWhere stories live. Discover now