RyuThree days have passed, hindi ko na ulit nakita ang babaeng 'yon. I didn't have a chance to fully thank her for helping me, kung hindi niya ako nakita.. I prolly bled to death. Thanks to her.
Albeit Anne's the one who helped me stand up, took me to the hospital, siguro walang tutulong sa akin nang ganoon kung walang nakakita. Siguro malabong mapansin ako dahil bukod sa umuulan noong hapon na 'yon, halos wala namang pumupuntang students doon kaya paniguradong mamatay na muna ako sa sarili kong katangahan bago pa may makapansin sa akin.
Nalaman ni Selene ang nangyari. She did what she always do to me. I got used to it, to her...
But this time, hindi niya na ako pinigilan. Natatakot s'yang baka maulit ang nanyari sa akin. So I'm back to my old ways.
Niligpit ko na ang mga gamit ko matapos kong mag-aral at magbasa ng iilang libro na hiniram ko pa sa library. We have an examination tomorrow sa specific subject kaya ako inabot ng ilang oras na tutok sa mga libro. Tahimik akong naglakad dala-dala ang itim kong bagpack, bahagyang umiiwas sa tao.
Medyo wild kasi ang ibang students dito lalo na ang mga nasa lower years. Nagugustuhan ko pa ang tahimik na batian, kaunting pictures and some non-verbals' pero dumadating 'yung time that they will aggressively pull you closer, ask some personal stuffs and invade my personal space and time... I don't get it.
Minsan may bigla na lang kakalabit sa'kin or bigla nalang akong bubungguin-I sighed. Told yah.
Nilingon ko ang nakabunggo sa akin, nakaupo na ito sa pathway at nakayuko. Inilahad ko kaagad ang kamay ko.
"Tanga naman..." Rinig kong bulong nito na nagpa-iba ng reaksyon ko.
Bulgar naman ng babaeng 'to! Tsk!
Marahas niyang hinawi ang buhok niya pataas at tinignan ako ng masama. Nanlaki agad ang mata ko nang makita ko kung sino 'yon. It's her!
"So-" Magsisimula pa lang ako ay agad niyang pinutol 'yon. Inarapan niya ako.
"Ba't ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw niya habang pinapagpagan ang sarili ngunit nananatili ang maiinit na mga matang nakatutok sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya.
Muli siya yumuko para pulutin ang nahulog niyang gamit, tumingin din ako doon, balak siyang tulungan. Sinimulan niyang pulutin ang mga 'yon isa isa.
Isang red book...
Lighter...
Wait...
Lighter?!
Tsaka ako tumingan sa last na pinulot niyang bagay.
At...
Sigarilyo?!
Napapasinghap na lang ako sa mga nakikita ko. Napaangat ako ng tingin sa babaeng nasa harap ko. Pinitik niya ang kamay ko na naiwan na lang sa ere, binalewala ko 'yon at muli siyang pinagmasdan.
Hindi halatang nag gaganyan siya. Really, Ryu? What's with the word 'nag gaganyan'? Haha.
Well, it's just... It looks impossible. She has a face of an angel, she really looked innocent and... weak.
But I guess... it's the other way around.
Ang mahaba at itim niyang buhok ay sumayaw sabay ng pag-ihip ng hangin. Hinawi niya 'yon bago ilahad sa harapan ko ang baling stick ng sigarilyo sa harapan ko, kita doon ang nakasulat na paikot sa stick ang salitang ' MARLBORO'. Taka kong tinignan 'yon bago siya kinunutan ng noo.
YOU ARE READING
A Penny For His Thoughts
General FictionStatus: On going Posted: July 3, 2020 - ©ALL RIGHTS RESERVED