Chapter 4: Victim

18 4 0
                                    

Penny

"Mommy?" I've been searching for mom for a while now. We're playing hide and seek, my favorite gameeee!

But hindi ko pa din makita si mommy. I already searched her in the kitchen, living room and even in the garden area pero hindi ko pa din siya makita. I went back in, may narinig akong nabasag. Galing 'yon sa taas.

I remember what she told me earlier. "Penny, if I told you to run, you'll run, okay?" She said as she combed my hair with my favorite hairbrush.

"Why? I thought we're going to play hide and seek?"

"Yes, honey. We're going to play but make sure that you'd heed what mom says to you, alright?"

I nodded "Alright, mom..."

I wanted to ask more about it, but whenever I'd ask mom about that topic, it's either she'd hushed me up or scold me for being nosy.

I tiptoed my way up the stairs, kapag naunahan ako ni mommy sa base ako na naman taya, and I don't want that to happen. I slightly pouted. I need to seek for mom first.

Isang hakbang pa ay may narinig ulit akong nabasag, my ten year old hand fished the toy inside my pocket. She's a doll with a cape, a superhero, and I named her Hera. Hera promised me that she would save me from monsters, so I trusted her.

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong paligid bago ko marinig ang naghihinagpis na boses ng aking ina.

"A-anong ginawa mo?! Anong g-ginawa mo?!" She cried, sumilip ako. Si mommy na umiiyak sa sahig takip-takip ang kanyang bibig ang tanging nakita ko at isang bulto ng lalaking nakatalikod mula sa pwesto ko. Nanlaki ang mata ko sa nakitang umaagos sa sahig.

Sa murang edad ay hindi ako naging mangmang para hindi malaman kung ano ang pulang likidong nagkalat sa sahig.

Dugo...

I am afraid of blood. Nahihilo ako sa tuwing nakakakita ako ng dugo at hanggang ngayon ay hindi ko pa din na-oovercome ang kahinaan kong 'yon. Mayroong oras na muntikan na akong mawalan ng malay sa tuwing nakakakita ako ng nagkalat na dugo or simpleng dugo lang sa sugat.

"Ah!" Agad kong nabitawan ang kutsilyo at itinulak ang sarili palayo sa kitchen counter.

"Ano ba naman 'yan, bakla! Sabihin mo na lang kung sarap na sarap ka na sa sarili mo at ako na ang hihiwa sa 'yo para isahog d'yan sa carrot cake!" Mabilis niya akong dinaluhan.

Itinapat niya sa rumaragasang tubig ang dumudugo kong daliri bago iyon tinuyo ng malinis na towel. "Kanina ka pa talaga tulala, bakla. May problema ba?" Agad akong umiling sa tanong niya.

"Binawasan na naman ba ni Ser ang sahod mo?" Hindi niya na ako hinintay pang sumagot at rumatatat na agad ang bibig niya.

"Aba! H'wag niyang sabihing yummy siya, at baka i-bake ko din ang abs niya at itinda! Sumosobra na talaga 'yong hunk na 'yon! Kung makabawas ng sweldo ay G na G ang gwapong 'yon! My gosh, naii-stress ang beauty ko sa kanya. Hmm! Baka sa sobrang inis ko sa kanya ay tanggalan ko siya ng puri, pero sa bagay mukhang di na virgin ang fafa mo! Alam mo na... kapag yummy, diba? At tsaka mukhang madami na din 'yong pinadapa, pinatagilid, pinaluhod, pinatuwad, pinabukaka-"

"Ambastos mo!" Pigil ko na sa kanya. "Kahit kailan talaga ay walang preno 'yang bibig mo!"

"Baklang toh, aarte pa! Pinagtatanggol lang naman kita at alam mo na hihi," sinundot-sundot niya ang tagiliran ko. "Yummy talaga 'yon si fafa,"

Natawa na lang ako sa kalandian niya. "Eh, ikaw? Ba't ka absent kahapon?" Tanong ko habang binabalutan ng band aid ang sugatan kong daliri.

Matapos noon ay binalik ko ang tingin ko kay Lian, malikot ang mata niya. "A-ano.. Kasi s-si J-Josito.. Oo, tama si Josito! A-alam mo na, medyo nagkaroon ng k-kaunting problema,"

A Penny For His ThoughtsWhere stories live. Discover now