Penny
I don't know why he's making a big fuss about it!
Naiinis ako. The nerve of this guy! Pinaglalaruan ko sa daliri ko ang lighter, kanina pa ako nandito pero walang progress sa pag-uusap namin. Kanina pa ako nakatayo dito at siya naman ay nagbabasa. Tinawag ko siyang muli.
"I told you, ayaw ko ng kausap." He hissed and back to his book again.
Nagsorry na nga ako at lahat. Shiz! First time kong magsorry dahil lang napagtanto kong ako ang may kasalanan. Eh, paanong hindi ako magso-sorry? Kinakain ako ng konsensiya ko. At kung kailan naman ako na ang nagpapakababa, pa hard to please naman 'tong lalaking 'to!
Inagahan ko pa naman ang gising ko para makapasok ng maaga pero ito lang ang mapapala ko. Geez. At bakit ba siya nagbabasa nang nagbabasa? Tapos na ang exam.
"Eulises, you know wha-" he cut me off.
"I said I don't want to talk to anyone right now!"
Tinitigan ko ang seryosong mukha niya. Kunot noo at salubong ang makakapal na kilay. "Okay, I won't!" Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko.
Inaasahan kong ibabalik niya ang atensyon sa kanyang binabasa pero ganoon na lang ang pagtataka ko nang hindi niya ako nilubayan ng tingin. Nang nakita niya akong nakatingin sa kanya ay agad naman niya akong inirapan. Niligpit niya ang mga gamit niya at walang lingon akong tinalikuran. Sakto namang tumunog na ang bell kaya
Wala akong nagawa kundi umalis na at palipasin na lang ang sama ng loob niya. Malapit nang magsimula ang unang klase kaya tinalikuran ko na siya para pumasok na.
"Himala, pumasok ka!" Inirapan ko ang nagsabi no'n. Nakalimutan ko na ang pangalan niya pero kilala ko siya sa mukha.
"Hays. Antahimik mo yata ngayon?" Maarte niyang pinagmasdan ang manicured nails niya at ibinalik ulit ang mata sa akin. Hinarap ko siya.
"Kailan ka pa naging concern sa mga ginagawa ko?" Sarcastic kong tanong. Hindi ko alam kung nakakailang irap na ako hindi pa man nagsisimula ang araw na ito.
"So? Paano akong hindi magiging concern, I heard nilalandi mo si Ryu? Hm?" Tinaasan niya ako ng kilay. Ryu? Ah, si Eulises.
Hindi ko alam kung worth answering ba pinagsasabi ng babaeng 'to. Dakilang chikas.
Humalukipkip ako bago tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Umirap ako bago lumingon sa paligid. Mukhang wala yatang kasama ang bruha na 'to. Wala na yata siyang mabilog.
"Ano, ha?! You can't answer me kasi totoo yung sinasabi ko!"
Ano namang pakialam ko sa sinasabi ng timang na 'to? Tss.
"Come again? Tapos ka na ba sa pagiging social climber mo at nakikiusyoso ka naman ngayon sa buhay ng ibang tao? Andami mo naman yatang trabaho?" Bahagya pa akong tumawa na kinainis niya.
"What did you say?!" Susugudin na sana niya ako nang biglang dumating ang homeroom teacher namin.
"Oops... bagal mo kasi," kinindatan ko siya at binigyan ng ngisi.
Gigil siyang bumalik sa kinauupuan niya sa unahan at masama ang tingin akong nilingon. I raised my middle at her as I put my lighter inside my pocket, gigil na naman niya akong inirapan bago itinuon ang atensyon niya sa teacher sa harap. Tumawa na lang ako.
Bitch.
Lumipas ang oras at tapos nang magturo ang homeroom teacher. Sinundan 'yon ng pangalawang period. Bored akong nakatingin lang sa labas ng bintana habang ang iba kong kaklase ay natutulog at nagdadaldalan na. Napairap ako. Isang oras ang lumipas nang matupad ang hinihinling kong matapos na ang klase. Pagkatapos ng boring naming klase dahil natutulog lang naman ang teacher habang naka-play lang sa tv screen ang lesson. Nagmadali akong lumabas para pumunta sa likod ng lumang building.
Katulad dati ay tahimik ang lugar na 'yon. Tahimik akong naglakad papunta sa sementadong upuan ngunit para akong nawalan ng gana nang makita kong wala doon ang taong inaasahan ko. I guess he's really mad.
Bumuntong hininga ako at akma na sanang uupo nang magring ang phone ko.
'Unknown'
Nag-aalinlangan kong pinindot ang answer button. Tinapat ko sa tenga ko ngunit wala akong naririnig na boses.
"Who's this?" Tanong ko ngunit wala pa ding sumasagot.
"Ibaba ko na 'to kung hindi ka magsasalita." Tinigasan ko ang boses ko. Hindi pa man nakakalayo sa tenga ko ang phone ay sinakop na agad 'to ng isang nakakikilabot na tawa.
Shit.
"You sound so brave, darling..." Naramdaman kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan pagkasabi niya ng mga salitang 'yon.
"A-anong kailangan m-mo?"
"Papaboran mo ba ako kung sasabihin ko sa 'yo?" Sinamahan niya pa 'yon ng nakakatakot niyang tawa. Nanginginig ang kamay ko sa galit at pandidiri.
"Tigilan mo na ako!" Naiiyak kong sigaw. Bangungot na ang buong buhay ko, maramdaman ko pa lang ang presensya niya ay parang gusto ko nang mamatay. Nag-usap na kami. Ang sabi niya ay titigilan na niya ako!
"Nag-usap na nga pala tayo, kapalit ng kalayaan mo ay-"
"Tang ina mo! Ang sama mo!" Sigaw kong putol sa kanya.
Isang halakhak na naman ang pinakawalan niya bago muling nagsalita. "Hmm... Sa tingin mo sa ginawa mong 'yon, hindi ka naging mas masahol pa sa akin?"
"Magsusumbong ako sa pulis kapag hindi ka pa tumigil!" Nanggigigil kong sigaw sa kanya.
"Subukan mo lang. Isang maling galaw Penny, wala ka nang uuwian..." May bahid na ng banta ang kanyang boses. Mas lalo pang humigpit ang hawak ko sa telepono nang muli siyang nagsalita.
"Oh, sa palagay mo papanigan ka ng batas? Baka nakakalimutan mong nababayaran na ang batas at naibabaon na ang hustisya..."
"Hayop ka!"
"I know, Penny... I know..." Isang tindig balahibong tawa ang pinakawalan niya bago maputol ang tawag.
Balisa akong bumalik sa klase nang magring na ulit ang bell, lumipas ang buong klase na wala akong natutunan dahil lumilipad ang isip ko sa kung ano-anong bagay. Nakalimutan ko na din ang kay Eulises. Maghapon niya akong hindi pinansin kaya hindi ko na siya kinausap pa.
Natapos din ang araw na 'yon nang nakailang beses akong nakabasag sa trabaho. Muntikan pa akong masisante. Hindi na masamang nabawasan ang sweldo ko kaysa matanggal ako sa trabaho.
Walang sumusuporta sa akin kundi ang sarili ko lang. Kung mayroon man ay hinding hindi ko matatanggap 'yon. Kung normal lang sana ang naging buhay ko, baka hindi ako umalis sa amin at namuhay ng payapa. Pero hindi... biktima ako ng demonyong matagal nang gising sa kaloob-looban ko. Biktima ako ng kasakimang makaligtas sa isang masamang karanasang lumulunod sa akin, ngunit sa kagustuhan kong makalangoy palayo sa kailaliman ng madilim na karanasan... maging ang patalim at kaaway na nakaantabay sa akin ay kinapitan ko na at ginawang kaibigan.
Isang malaking pagkakamali lahat ng anggulo na bumubuo sa aking pagkatao. Maaaring masama ang maging kalabasan ko sa mga tao pero mas masahol pa doon ang tingin ko sa sarili ko.
Gusto kong sumigaw... gustong gusto ko pero nilulunod lang ng mahihinang hikbi sa basa kong unan ang tapang na inipon ko para makapagsalita. Hindi ko magawa.
Hindi ko kaya...
YOU ARE READING
A Penny For His Thoughts
General FictionStatus: On going Posted: July 3, 2020 - ©ALL RIGHTS RESERVED