Ryu
I look at the mirror for the last time, tinitingnan kung may natitira pang bahid ng kasinungalingan ang aking mukha. I checked myself out, sa palagay ko ay maayos na itong suot ko. I'm wearing a simple white shirt and my school pants. Inilagay ko na ang polo ko sa loob ng bag ko at naghanda na sa pagtakas.
Katulad ng ibang araw ay hindi na naman ako ngayon pinayagan ni Selene pumasok sa eskwelahan. Gusto n'ya ay lagi akong nasa paningin o di kaya naman ay nakakulong sa kwarto ko. Gusto n'ya s'ya ang magpapakain sa'kin, maski pag-inom ko ay gusto niya s'ya ang gumagawa. Akala n'ya yata ay bata pa ako. Enough, I don't want to explain further.
Mabilis kong binuksan ang bintana ng kwarto ko, sumilip ako mula sa baba. Napakamot na lang ako sa ulo sa iniisip ko. Kailangan kong talunin mula rito sa ikalawang palapag hanggang sa baba. Hindi biro ang taas kahit na nasa second floor lang ako. Paniguradong malulumpo ako kapag lumagapak ang pwet ko sa baba!
Bakit parang andali lang sa mga babae magbuhol buhol ng mga kumot para gawing tulay base sa mga nakikita ko sa mga movie? Nevermind, hindi ko naman gagawin 'yon.
Sinilip kong muli ang taas at pagitan ng tatalunan ko. Huminga ako ng malalim, it's now or never. I have to get out now!
Sa huling pagkakataon ay sumilip ako bago bumwelo sa pagtalon. Kinakabahan may ay walang pag-aalinlangan akong tumalon. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang bagsak ng pwet ko sa damuhan. It hurts! Damn it.
Hindi pa ako nakakatayo ay narinig ko ang boses ni Selene sa baba. Shit! Yare!
Walang pagpag-pagpag akong tumayo at kumaripas ng takbo palabas ng gate pero napabagal ako ng magsitahulan ang mga asong alaga ni Selene na nasa loob ng kulungan nila! Punyetang mga aso! Kapag ako talaga naabutan dahil sa kaingayan niyo, ipapa-adobo ko kayo at ipapagawang pulutan sa mga tambay d'yan sa kalye!
Hindi ko na pinansin ang mga punyemas na aso, titigil din naman ang mga 'yan.
"Manang, paki-check kung may tao sa labas. Tumatahol ang mga aso," hanggang dito ang inabot ng malakas na boses ni Selene.
Agad namang tumugon si Manang kaya lalo akong nagmadali palabas. Muntik pa akong mapatid kakamadali. Mabuti nalang at successful akong nakalabas, kaso malas yata talaga ako ngayong araw.
Umuulan na whooo!
Lakad-takbo ang ginawa ko habang sinusuot ang polo na nanggaling pa sa loob ng bag ko. Pagkatapos noon ay pinasidahan ko ng daliri ang nababasa ko nang buhok!
Dammit! Yung buhok ko! Hindi ko naayos nang mabuti kanina! Andami ko kasing tinanggal, eh!
Paniguradong sarado na ang gate ng school na 'yon. Hindi pa naman nagpapapasok doon kapag late na. Tsk!
Eh, sino ba namang magpapapasok pa sa akin, eh anong oras na?! Mag-uuwian na! Kasalanan 'to ni Selene, eh! Hindi ako pinayagang pumasok, 'yan tuloy, imbis na makakapasok ako ng whole day, half day na lang tuloy!
I arrived in front of the closed school gate, soaking wet. Damn, paano ako papasok nito? Geez, what a hapless person, Ryu! Araw araw na lang bang ganito? Think.
Wait!
Oo nga pala!
Tumakbo ako paikot sa mahabang pader ng buong school para makarating sa bakanteng lote sa likuran ng school namin.
Hinihingal akong pumreno sa pagtakbo, bahagya pang tumalsik ang tubig ulan sa basang basa kong slacks nang makatapak ako ng baha. This is not my first time here in this place, I've been here before... but this is the very first time na tatawid ako ng bakod para humabol sa classes.
YOU ARE READING
A Penny For His Thoughts
General FictionStatus: On going Posted: July 3, 2020 - ©ALL RIGHTS RESERVED