Chapter 3: Rain

18 5 0
                                    

Penny

Kung hindi niya papalitan dapat sinabi niya na ng maaga. Nasayang lang ang oras ko sa lalaking 'yon! Kainis!

Nangigigil kong piniga ang ang durog nang sigarilyo sa palad ko. Pasalamat na lang talaga ako na hindi napapansin ng ibang guro ang hawak kong ito kung hindi papupuntahin na naman ako sa Dean's office. Wala akong problema sa mga estudyante, hindi naman sila nagsusumbong at para naman sa iba... wala naman akong pakialam sa kanila.

Tapos na ang klase kaya naman nagkalat ang mga estudyante sa buong campus, ako naman ay inilagay sa locker ang mga gamit para maghanda na papuntang trabaho. Hindi pwedeng makaltasan ang sahod ko. Talagang marami akong pangangailangan ngayon.

Tahimik akong pumasok sa loob ng shop. Ito ang isa sa paborito kong lugar. Ang unang sumalubong sa pang-amoy ko ay ang aroma ng brewed coffee, katulad ng dati ay hindi ganoon ka-crowded ang lugar. Isang classic music ang bumabalot sa buong kapaligiran, payapa at talagang magkakaroon ka ng peace of mind.

Dumiretso na ako sa locker para magbihis, nakasalubong ko pa ang baklang maharot na kasama kong nagtatrabaho din dito, si Lian.

Maharot niya akong kinindatan, sinamaan ko siya ng tingin kaya naman binigyan niya ako ng malakas na tawa.

"Ito naman! Mainit ulo mo, ghorl? Meron ka?! Meron ka?!" aniya at malanding ipinitik pa ang kanyang mga daliri.

"Oo! Bwiset ka!" Patol ko sa kanya.

"Edi wow! Edi ikaw na may puk-"

"Sige, subukan mo ituloy 'yang sasabihin mong bakla ka!" Sigaw ko pabalik.

"-e... Edi ikaw na ang may puk... e," nilagay niya pa ang kamay sa bewang niya. "Oh 'yan ha, hindi ko tinuloy. Inunti-unti ko!" Inambahan ko siya at binigyan ako ng isang malanding peace sign.

Punyetang bakla talaga 'to, puro kalokohan at kabastusan alam.

"Tara na nga, kapag ikaw napagalitan ng may ari! Kaltas din sweldo mo!" Inirapan ko siya habang binubuhol ang tali ng apron sa balakang ko.

"Choz! Mukhang may gusto nga sa'yo 'yon, 'te!"

"Gusto gusto ka d'yan! Ba't kinaltasan sweldo ko? Gusto mo mukha mo! " Lecheng 'to, daming alam.

Maloko niya naman akong inirapan, sabay naman kaming tumawa na parang baliw.

Naging busy kami nang dumating na ang alas-siete. Marami-rami pa din kasi ang dumadating na customers kahit gabi na. Nilagay ko ang tray sa counter matapos kong mag-serve sa tatlong table, pagod akong sumandal sa dingding. Wala pa akong break time, ang ginawa ko sa DAPAT na break time ko ay nag-ayos ng bookshelves, kaya naman grabe ang pagod ko ngayon. Paniguradong kailangan ko ding mag- OT para mabawi 'yung nakaltas na sweldo ko.

"Baklang Enderah, kain tayo mamaya pag-uwi!" Aya sa akin ni Lian. Naghuhugas siya ng mga platito.

"Pass. Mag-oovertime ako ngayon, eh."

"Ay, sayang bakla! May bagong bukas na italian resto d'yan sa malapit. May promo din sila!"

"Mag-o-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sumingit agad siya.

"Okay, samahan na kita. Dadamayan na kita sa OT mong 'yan!"

Napangiti naman ako. Sobra talagang considerate ng baklang 'to. Si Lian lang ang nakapagbibiro sa akin ng ganoon, parang kapatid na rin kasi ang turing namin sa isa't isa. Katulad sa iba, noong una ay lagi kaming magkaaway. Sa sobrang immature ng bakla ay inaaway ako kahit hindi ko siya inaano. Dini-display niya pa sa akin noon ang mga make up niya, hindi naman ako interesado doon kaya naman nakipagpagalingan naman siya sa akin sa trabaho. Gumawa siya ng kung ano-anong kabaliwan noon pero nang dumating yung time na muntik na akong mapahiya ng isang bastos na customer ay isa siya sa nagtanggol sa akin, syempre ako yung tinutukoy kong isa pang nagtanggol sa sarili ko wala na namang ibang gagawa no'n.

Natawa ako sa naisip.

Ilang sandali pa ay bumalik na ako sa pagtatrabaho at totoo nga ang sinabi ni Lian, tinulungan niya ako hanggang sa magsara ang shop. Mabuti na lang bukas pa ang tinutukoy ni Lian na restaurant. Mabilis kaming nag-dine in doon, dahilan na din sa sobrang pagod kaya parehas kaming nagdesisyon na umuwi na agad.

Kinabukasan ay ganoon ulit ang nangyari. Pumasok ako ng klase at sa uwian naman ay muling nagtrabaho. Hindi ko alam pero absent si Lian ngayon, gusto kong kumustahin pero baka masyadong personal yung reason niya kaya hindi ko na pangungunahan.

Kasabay ng paglapag ko ng kape sa table ng customer ay ang pag ring ng phone ko. Lumabas ako para sagutin 'yon.

"Penny..."

Ito ang pinaka-unang beses kong marinig muli ang kanyang boses, nanlamig ako.

Ano na namang kailangan niya sa akin?

"Penny, kumusta ka na?" Bumalot sa sistema ko ang nakakikilabot niyang boses.

"A-anong kailangan m-mo? Nag-usap n-na tayo, diba?"

"What a baby. Bakit, natatakot ka ba sa akin?" Narinig ko ang pagtawa niya.

"Leave. Me. Alone. Ano pa bang kailangan mo?!" Pinatapang ko ang boses ko, dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay mas lalo lang akong magiging mahina sa paningin niya.

"See you, darling." He gave me a sordid chuckle, naputol na ang linya.

My hands are shaking from fear. His horrendous laugh permeated the vastness of my hollow system. Nanghihina ako.

Ito ang araw na kinatatakutan ko. 'Yung araw na maririnig ko na naman ang boses niya. We already did an agreement, he promised!

Pinigilan kong h'wag lumuha pero hindi na kinaya ng puso ko ang bigat ng nararamdaman kaya naman bumuhos na ang luha ko. Tahimik akong umiyak.

Hindi tumigil ang pagbuhos ang luha ko nang muling umiyak ang kalangitan, walang panimulang patak ang naganap. Isang malakas at biglaang buhos kaagad, mukhang galit na naman ang mga ulap sa madilim nitong anyo.

Ayoko ng ulan dahil pinaparamdam sa akin nito na wala akong kasama.

Pero ngayon...

Umiiyak kong tiningnan ang kalangitan. Ngunit sa pagkakataong ito ay para akong niyayakap ng lamig ng hangin nito, para akong sinasabayan sa pag-iyak at dinadamayan ako sa kalungkutan.






A Penny For His ThoughtsWhere stories live. Discover now