Penny
Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa ganoong sitwasyon. Hindi ko alam na ganoon siya. I mean, bakit hindi siya nagsabi. Natatakot ba siya na baka hindi siya matanggap ng mga taong nasa paligid niya?
At kung wala man...
Ako, tanggap ko siya.
Mabilis akong nagtago nang naramdaman kong lilingon siya. Anlakas ng pagtibok ng puso ko, bahagya din akong hiningal dahil sa kabang nararamdaman.
"May tao ba d'yan?" Umalingawngaw ang baritono niyang boses.
Naiisip ko palang na ganoon ang boses niya, hindi talaga ako makapaniwala na hindi siya tuwid na lalaki.
Sobrang ingat ng paghakbang ko para lang huwag niyang makita pero hindi 'yon pinatawad ng mga tuyong dahon sa palagid kaya wala na akong magawa kundi bilisan ang hakbang ko.
Kamot ulo akong naglakad palayo nang biglang may humila sa akin galing sa gilid. Humampas ang noo ko sa dibdib niya kaya naman malakas akong napangiwi.
Aray ko ha!
Tumingala ako para malaman kung sino 'yong baliw na humila sa akin. At walang iba kundi si...
"Bitawan mo nga ako, Zean Gabriel!"
Agad niya namang tinakpan ang bibig ko at sumenyas ng 'SHHH' habang nakalagay ang daliri niya sa labi. Napairap na lang ako.
Pero mas nagulat ako sa paghila niya sa akin lalo palapit sa katawan niya nang may magsalita,
"Tang ina no'n ni Santos! Natakasan na naman tayo!"
Hindi agad umalis 'yong mga lalaking nagsasalita kaya naman nararamdaman ko na ang pagtulo ng pawis ko at ang mabangong amoy niya.
Sino ba namang hindi pagpapawisan dito! Nasa sulok na sulok kami ng building na 'to, sa tabi ng storage room.
Bahagya akong lumayo nang muli niyang kinabig ang bewang ko palapit. Naiinitan na ako sa sikip ng space. Dagdag pa ang mainit niyang hininga na tumatama sa pisngi ko dahil nakayuko ang mukha niya sa gilid ng mukha ko habang ang kanang braso niya ay nakatuon sa dingding at ang kaliwang braso naman niya ay nakasuporta sa bewang ko.
"Tara, mukhang wala 'yon dito! Tanungin niyo doon sa kabilang building! Tara na!"
Ilang mga yabag pa ang narinig kong papalayo bago ako marahas na humiwalay sa kanya. Agad kong pinaypayan ang sarili ko at pinunasan ang pawis na namuo sa noo ko.
Ang init!
"Oh," napalingon ako sa kanya nang naglahad siya ng puting panyo. Binalewala ko 'yon at hahakbang na sana paalis nang muli niyang hinila ang kamay ko.
Sininghalan ko siya pero binigyan niya lang ako ng isang tipid na ngisi bago kinuha ang kamay ko at sapilitang inilagay doon ang panyo niya.
Napairap na lang ako at hindi na nag-inarte. Tahimik akong nagpunas ng pawis, alanganin pa ang kilos ko dahil muli na naman akong tinitignan ng mokong!
"Alam mo kamukha mo lola ko," he said, out of the blue.
Tsk! Di mo na ako mauuto sa ganyan, bulok na 'yong mga ganyang klaseng linyahan. Napairap ako.
"Mukha ba akong matanda na?"
"Nope!" He chuckled.
"Ako tigilan mo ako sa mga ganyan ganyan mo ha! May atraso ka pa sa akin!"
He just smirked. Umirap naman ako.
"Nagustuhan mo naman," hindi ko na napigilan ang paglaki ng mata ko sa hangin na dala ng lalaking ito!
YOU ARE READING
A Penny For His Thoughts
General FictionStatus: On going Posted: July 3, 2020 - ©ALL RIGHTS RESERVED