Chapter 11: True Identity

23 4 1
                                    


Penny

Balik sa dating gawi ang buhay ko. Dalawang araw akong um-absent sa school para tuluyang magpagaling at makapagpahinga ng maayos. Lumipas ang dalawang araw at medyo nagiging okay na ako kaya naman napagdesisyunan ko na pumasok.

Hindi ko pa nakikita sa Eulises simula kanina. Hindi na rin siya nagparamdam matapos kong matanggap ang una niyang text message sa akin. Pumasok kaya 'yon? Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya.

Hindi rin ako nakapag-reply sa message niya sa akin dahil wala akong load. Totoo, tsaka gusto ko sa personal magpasalamat. Tinatanaw kong malaking utang na loob ang pagtulong niya sa akin noong gabing 'yon. Ang plano ko sana ay magpakita sa kanya kinabukasan matapos noong insidente pero sobrang nanghihina pa ako kaya minabuti kong iatras 'yon hanggang sa dumating ang araw na 'to but he's nowhere to be found.

Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglakad, papunta muli sa likod ng lumang building.

Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon, naninibago, dahil hindi sigarilyo at lighter ang dala ko ngayon kundi isang libro. Nakita ko lang 'tong nasa table ko kanina kaya kinuha ko na. Itim lang 'yon at ang tanging nakalagay sa mismong pabalat ay ang mga salita sa kulay puting tinta "Do Not Open".

Curious ako pero bilang tao, as in tao, marunong akong sumunod at gumalang sa kung anong nakalagay at ipinagbabawal. Kanina pa ako nakatitig sa libro na 'yon, pinili ko mang huwag buksan 'yon, hindi naman huminto sa pagdagsa sa utak ko ang mga' what ifs'.

Paano kung kabaligtaran pala 'yon? Paano kung gusto talaga ng may ari na buksan ko yung book?

Paano kung isang patibong 'yon? Pakana nang may galit sa akin at pagbintangan akong magnanakaw pero ang totoo ay nasa table ko na 'yon at wala namang umangkin nang itinaas ko kanina para itanong kung kanino ang bagay na 'yon?

Paano kung sa killer pala 'yon tapos master's list 'yon ng mga papatayin niya?

At marami pang iba.

Bigla tuloy akong kinilabutan. Nasaan ba kasi si Eulises Ryu?!

Nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi ko namalayan na may naglalakad din sa pathway na nilalakaran ko kaya naman...

"Sorry,"

Muntik na akong matumba. Agad niya namang hinila ang braso ko kaya malakas na tumama ang noo ko sa dibdib niya. Aray!

"I'm sorry," ulit niyang muli.

Agad akong lumayo sa kanya nang makita ang book na nasa sahig na.

Yumuko ako para kunin 'yon nang bigla na naman siyang sumingit,

"Ako na." Napatingin ako sa kamay niyang nahawakan ang kamay ko. Agad naman siyang bumitaw nang makitang napatingin ako doon.

Awkward siyang tumayo pero naglahad pa rin ng kamay. Tinanguan ko lang siya ngunit hindi tinanggap ang nakalahad niyang palad. Sana magets niya.

Hmm. Mukha namang mabilis pumick-up ang isang 'to dahil nabasa naman niya ang gusto kong iparating. Swabe niyang ibinalik ang kamay sa bulsa ng slacks niya.

Iniihipan ko ang libro nang maglahad muli siya ng kamay.

"I'm Gab, you are?"

Taka ko pa siyang tinignan bago tinanggap ang kamay niya.

Ngayon ko lang nakita ang mukhang 'yon dito sa school pero parang familiar siya sa akin. Sa bagay, hindi naman ako tumitingin talaga sa mukha ng mga nakakasalamuha ko, baka nagkataon lang. Muli niya akong nginitian, nasilaw naman ako sa kuminang sa tenga niya. He has a diamond piercing sa upper right ng tenga niya. Tinaasan niya pa ako ng kilay kaya naman bumalik ang atensyon ko sa magkahawak naming mga kamay.

A Penny For His ThoughtsWhere stories live. Discover now