[ WARNING R-18 ]
Penny
Malamig na simoy ng hangin ang yumakap sa akin sa madilim na gabi. Hindi hagip ng maingay na kalsada ang abandonadong lugar na ito, wala na ding pumupuntang mga tao kaya lalong nakabibingi ang katahimikan.
Bahagya pa akong lumakad paloob, umaasang makikita doon ang bulto ng kaibigan ngunit kinse minutos na ang nakalilipas ay wala pa din si Lian.
Pure darkness enveloped the whole place, I could barely see my way out. Luma na ang building na nasa gilid ko ngayon, patuloy akong lumakad. The painted walls were now scraped, broken window glasses, the scattered store push carts were rusted as if the staffs didn't bother to arrange the carts before leaving and... a-
Puddle!
Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko dahil sa pagkagulat. Hindi ko napansin 'yon, ah!
Basa ang kaliwang paa ko hanggang sa taas ng ankle ko. Binalikan ko ng tingin 'yon mula rito sa kinatatayuan ko at hindi nga talaga pansin 'yon kahit tumingin pa ako sa dinaraanan ko. Muli akong nagpatuloy sa paglakad.
Nasaan na si Lian?
"Penny..." Lumingon ako sa gawi kung saan ko narinig ang pamilyar na boses.
Lumakad ako sa gilid ng lumang building ng supermarket.
"Penny..."
"Lian?" Para akong bulag na nangangapa sa dilim.
"Lian, nasaan ka?" Pinalakas ko na ang boses ko para marinig niya kung sakaling malayo siya kung nasaan ako nakapuwesto.
"Lian!" Sigaw kong muli pero wala pa ring sumasagot.
May narinig akong mga yapak. Agad akong lumingon doon at naglakad palapit ngunit nabawi ko ang mga hakbang ko nang napansin kong hindi lang iisang tao ang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.
Inaninag ko pa sila sa dilim dahil baka napadaan lang sila sa lugar na ito pero muli akong napaatras nang makita kong hindi maganda ang anyo nila para sa akin.
Nasaan na ba talaga si Lian?
Dinahan-dahan ko ang pagtapak ko sa maduming daan, iniingatang hindi gumawa ng kahit anong klase ng ingay. Hindi ako kampante sa dilim ng paligid dahil kung sila nga ay naaninag ko, ako pa kaya sa paningin nila?
Ngunit bago pa man ako magtagumpay sa pinaplano ko ay narinig ko na ang nakakatakot na tinig nila sa likuran ko.
"Saan ka pupunta, miss?" tanong ng isang kalbong lalaki, may tattoo siya sa leeg at malaki din ang pangangatawan niya.
Lumikot ang mata ko at nakita pa ang tatlong payat niyang kasama pero base sa hitsura nila ay mukhang sabog ang mga ito. Kinapa ko na agad sa bulsa ko ang phone ko ngunit agad din napanghinaan ng loob nang maalalang...
Wala akong mahihingian ng tulong.
Hinarap ko sila at matapang silang tinignan sa mata. "Pauwi na," aniko.
At dahil malapit na sila sa akin ay nakikita ko na kahit papaano ang ekspresyon na binibigay ng kanilang mga mukha. Nakita kong ngumisi yung kalbo sa mga kasama niya.
"Gabi na, miss. Ba't nasa ganito kang klaseng lugar? " Humakbang siya pauna. "Ihahatid ka na namin," naramdaman kong nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi niya.
"H-Hindi na..." aniko sabay akmang talikod ngunit hindi 'yon natuloy nang hulihin niya ang braso ko.
"Arte mo naman, miss." Hinila niya ako palapit sa kanya, agad akong nagpumiglas.
YOU ARE READING
A Penny For His Thoughts
General FictionStatus: On going Posted: July 3, 2020 - ©ALL RIGHTS RESERVED