Note: These flashbacks were from a twelve year old Penelope.
Penny
Isang katok ang narinig ko. Agad kong tinakpan ang bihis na ngunit nakakadiring katawan, takot na makita kung sino ang papasok. Muli pang kumalabog ang pintuan, gumagawa ng matinding ingay dahil sa malakas na kalampag at sunod-sunod na katok.
"Open the door, Penny!"
It was mom.
Nangangatog may ang mga binti ay pinilit ko pa ring tumayo. Diretso harap sa salamin.
Nandidiri ako sa sarili ko.
Yakap-yakap ang sarili, magulong buhok, namumugto na mga mata, pasa sa katawan, at... sakit.
Sakit sa katawan, isipan at puso.
Hindi akong makapaniwala na ganito ang nangyayari sa buhay ko.
"Open the damn door, Penelope!" Mataas ang boses niya kaya kahit nasa labas siya ng silid na 'to ay parang nasa tabi ko lang siya.
Nanghihina akong lumapit sa pintuan para pagbuksan siya. Tuloy-tuloy na sumabog ang luha ko nang sa halip na mainit na yakap ang sumalubong sa nanghihina kong kaluluwa ay isang mainit na lagapak sa mukha ang sumalubong sa akin.
"How dare you! Wala ka nang pinatawad! Pati ba naman si Fernan ay inaakit mo para maagaw sa akin?! MALANDI KA, PENNY! LUBAYAN MO SIYA! " Isang lagapak at madramang iyak ang pinakawalan niya, sa mukha ko at sa buong kwarto.
Hindi ako makapaniwalang masasabi niya sa akin ang mga bagay na 'yon. Umiiyak akong umatras at umiling.
I don't understand!
Halos isuka ko na ang sarili ko, halos magpakamatay na ako dahil sa kababuyang ginagawa sa akin ng lalaking 'yon pero ano?! Ganito! Ganito ang sasalubong sa akin?!
Natatakot akong magsalita! Natatakot ako... dahil kahit ni isang letra lang ang lumabas sa bibig ko ay patay lahat ng pangarap ko. Papatayin niya ako!
Isang beses ako nagsumbong pero wala... walang nakinig... walang naniwala...
* * *
Lumapit ako kay mom, busy siya sa pag-inom ng tsaa, kaaalis lang ng kanyang mga amiga.
Kung mabilis lang napuputol at nalulukot ang kamay ay kanina pang wasak-wasak ang kamay ko. Ito lang ang oras na makakapagsabi ako.
"Mom," hindi agad siya lumingon kaya tinawag ko siyang muli.
"Mom, I-"
"If this is about your room or caprices and-" I cut her off.
"Mom, no... it's not about that,"
I exhaled and inhaled to calm myself down. I'm nervous, seriously.
Pumikit ako nang mariin at pinisil ang palad ko. "PleasekickFernanoutofthishouse."
Dahan-dahan akong dumilat para makita ang pagbaba niya ng tea cup at taasan ako ng kilay.
"Why, hon, is there a... problem?"
Magsasalita pa lang ako ay agad na siyang bumwelo sa sunod na tanong.
"At kailan ka pa natutong maging bastos? You just called him Fernan? You know you're being rude-"
"Mom, please! And he doesn't deserve to be respected! He ra-"
"And now you're raising your voice? What's with your attitude, Penelope Enderah?!" Hinampas niya na ang table sa tabi niya, napapikit ako sa gulat.
YOU ARE READING
A Penny For His Thoughts
General FictionStatus: On going Posted: July 3, 2020 - ©ALL RIGHTS RESERVED