"Aquatic Goddess"
I'm Hydeline, 25year old girl who has an ability to control the water elements, umuulan sa tuwing nalulungkot ako, tumataas ang alon sa dagat sa tuwing nagagalit ako at higit sa lahat my blood droplets can turn into a ruby stone, kaya ingat na ingat ako na masugutan ako. Maaga akong naulila sa pamilyang kinalakihan ko, tanging ang lola ko nalang ang nagpalaki sakin. Walang ibang nakakaalam ng tungkol sa lihim ng pagkatao ko maliban sa lola ko at sa matalik kong kaibigan na si Lalaine.I'm currently working at Aquatic Theme Park, at doon ko rin nakilala ang lalakeng 'di ko akalain na magpapaibig sakin, si Xyron. Mayaman si Xyron, gwapo, matipuno ang pangangatawan at matangkad. Isang beses ko palang nakita si Xyron sa Aquatic Theme Park noong mag maging guest speaker siya. Pero sobrang nahulog talaga ako sakanya.
--
"Sino inaabangan mo?" tanong sakin ni Lalaine.
"Wala." pagde-deny ko.
"Asuuus, inaabangan mo si sir Xyron 'no? Ayieee may crush ka ba sakanya?" pangungulit sakin ni Lalaine.
"Hindi ah, bakit ko naman siya aabangan." pagsisinungaling ko.
"Ano ka ba, 'di ka makakapag sinungaling sakin. Sa tagal natin magkaibigan kabisado na kita."nakangiting pagkakasabi ni Lalaine.
"Oo na, eh kasi naman eh. Halos isang linggo na siya 'di nagpupunta dito." malungkot na pagkakasabi ko.
"Gurl, pwede ba ngumiti ka nga. Wala akong payong mamaya pauwe kapag umulan." biro ni Lalaine.
"Isa pa, hindi talaga yun pupunta dito kasi ano naman gagawin niya dito diba? Kaya wag kana umasa na magkikita pa kayo ulit ng prince charming mo. Sinasaktan mo lang sarili mo. Smile kana." dagdag pa ni Lalaine.
Well, tama naman siya bakit ko nga ba papaasahin sarili ko sa lalakeng imposible ako mapansin kaya mas itinuon ko na lamang ang sarili ko sa trabaho. Hanggang sa isang araw.
"Ano ba miss, bulag ka ba? Di ka ba marunong tumingin sa dinadaan mo?" inis na inis na pagkakasabi sakin ng babae."Sorry po mam, sorry po talaga." nagsusumamo kung pagkakasabi.
"Hey, what's happened here?" sabat ng lalakeng kararating lang, si Xyron.
"Ito kasing babaeng 'to, ang tanga tanga. Babe, look at my dress, ang dirty dirty na." maarteng sagot nito.
"Babe? teka, may girlfriend na si Xyron." tanong ko sa sarili ko."Babe, calm down. Nakatingin na satin yung ibang tao dito sa theme park. Don't worry, I'll buy you a new one." mahinanon pagkakasabi ni Xyron sa girlfriend niya.
"Miss, sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo para 'di na maulit 'to." baling naman sakin ni Xyron. Tumango na lamang ako bilang sagot.
--
"Teka? Totoo ba yan? Si prince charming mo may girlfriend na?" gulat na reaction ni Lalaine ng magkwento ako sakanya tungkol sa nangyari kanina.
"Oo." malungkot kong sagot.
Ilang sandali pa ay bumuhos na nga ang malakas na ulan."Wag kana malungkot, tignan mo oh ang lakas na ng ulan. Saka 'di lang naman si Xyron lalake sa mundo eh." salaysay ni Lalaine saka ako niyakap.
Hanggang sa makauwe kami sa tinutuluyan naming apartment hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Pinilit kong alisin sa isip ko si Xyron dahil alam kong may girlfriend na siya. Ngunit masyado yata mapaglaro ang tadhana, muli kami nagkita ni Xyron sa isang building kung saan doon pala siya CEO.
"Xyron." sambit ko agad naman siyang lumingon sakin.
"How do you know my name? Magkakilala ba tayo miss?" takang tanong sakin Xyron saka tinangal ang shade na suot niya.
"Ah, hindi pero. Nagkita na tayo noon sa Aquatic Theme Park." nakangiting pagkakasabi ko.
"Ah, sorry miss I don't remember you." seryosong pagkakasabi nito at saka sumakay ng magara niyang kotse.
"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" bulong ko sa sarili ko.
Maya maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Umuwe ako ng apartment na basang basa ako, taranta naman si Lalaine na punasan ako.
--"Gurl naman gusto mo ba talaga na magkasakit ka? Tignan mo sarili mo. Basang basa ka." nag aalalang pagkasabi ni Lalaine sakin.
"Ayaw ko na talaga promise." malungkot na pagkakasabi ko.
"Ay wow makapag tampo jowa ka gurl? Hahaha joke lang ito naman. Pinapatawa lang naman kita, para tumila na yung ulan." biro ni Lalaine sakin.
--
2weeks has been passed, nagkaroon ng event ang Aquatic Theme Park kung saan ako nagta-trabaho, at syempre nandoon si Xyron dahil malaki pala ang shares niya sa Aquatic Theme Park. In short, parang boss ko narin si Xyron. Pinilit kong 'di pansinin si Xyron ng gabing yun. Pero 'di ko maiwasan.
"Akala ko ba 'di mo na papansin si sir Xyron? Bakit nakatitig ka na naman sakanya?" pang aasar ni Lalaine.
"Hindi 'no." deny ko."Naku Hydeline wag ako. Oh, siya iwanan muna kita d'yan. May aasikasuhin lang ako sa loob." paalam ni Lalaine.
Naiwan ako na mag isa, kaya naman naisip ko pagmasdan ang mga isda sa malaking aquarium. Hindi ko namalayan ang kahoy na mahuhulog na pala, ngunit mabilis akong nayakap ni Xyron kung kaya't siya ang nabagsakan nito.
Nawalan ng malay si Xyron dahil sa kahoy na bumagsak sa likod niya, nagsimula naman magkagulo at mataranta ang ibang guest gayundin din ang management ng Theme Park.
Agad na may dumating na ambulance upang dalhin sa hospital si Xyron. Habang ako, sinisisi ko naman ang sarili ko sa nangyari. Para makasiguro sa kaligtasan ni Xyron, sumama ako sa hospital kung saan siya dinala.
--"Gurl, kamusta? Nasaktan ka ba?" agad na tanong sakin ni Lalaine na kararating lang.
"Hindi, pero si Xyron. Nag aalala ako para sakanya. Baka mapano na siya." pag aalala ko.
"Ano ba kasi nangyari?" tanong sakin ni Lalaine.
"Kanina kasi, pinagmamasdan ko yung malaking aquarium kung saan maraming isda. Tapos 'di ko naman alam na yung kahoy pala sa itaas ay marupok na kaya bumagsak ito. Niyakap ako agad ni Xyron kaya siya yung nabagsakan." kwento ko.
"So ibig sabibin, niligtas ka ni sir Xyron?" kinikilig na reaction ni Lalaine."What? My boyfriend save you? So ibig sabihin, this is all your fault kung bakit hanggang ngayon unconscious parin ang boyfriend ko." naiinis na pagkasabi ng babae, ang girlfriend ni Xyron na kararating lang.
"Grabe ka naman Miss, wag ka naman ganyan sa kaibigan ko. Wala naman siyang kasalanan dito. Ginusto ng boyfriend mo na iligtas ang kaibigan ko, kaya hindi mo dapat sinisisi ang kaibigan." pagtatangol sakin ni Lalaine.
Hindi na kumibo ang girlfriend ni Xyron at dumiritso na ito sa kwarto kung saan naka-confined si Xyron.
Para makaiwas sa gulo sa loob ng hospital, nag decide kami ni Lalaine na umuwe na. Ngunit nangako ako sa sarili ko na bibisitahin ko si Xyron kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Aquatic Goddess (BOOK #1)
FantasyHydeline is a 25year old girl who has an ability to control the water element, bumubuhos ang malakas na ulan sa tuwing malungkot siya at umataas naman ang alon sa dagat sa tuwing nagagalit siya. Her blood droplets can turn into a ruby stone.