Chapter 11

210 12 1
                                    

—XYRON POV—

Dahil sa hindi naman normal na tao si Hydeline kaya hindi namin siya dinala sa hospital. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko papunta sa bahay nila Hydeline. Pagdating doon ay nag mamadali si Lalaine na punuin ng tubig ang Bathtub. Nang mapuno ito ay agad ko nilagay ang walang malay na si Hydeline.

“Bakit ganun, bakit hindi parin siya nagiging?” nag aalalang tanong ko. Nang mapansin na unconsious parin si Hydeline.

“H-hindi ko rin alam.” nag aalang sagot naman ni Lalaine.

“Hydeline can you hear me? Please wake up. I'm begging you.” naluluha kong pagkasabi.

Halos magkulay pula na ang tubig dahil sa daming dugo na lumalabas mula sa sugat ni Hydeline.

“Ano kaya kung dalhin na natin siya sa hospital?” suggest ko.

"Hindi pwede. Baka lalo siya mapahamak kung gagawin natin yun.” sagot ni Lalaine.

“May bala ng baril sa loob ng katawan niya at kailangan yun agad matanggal. Walang ibang pwede gumawa no'n kundi ang mga doctor lang.” paliwanag ko.

Sa huli ay pumayag din si Lalaine na dalhin namin sa hospital si Hydeline.

Agad kong tinawagan ang doctor na kakilala ko upang siya ang magtanggal ng bala sa katawan ni Hydeline. Binayaran ko siya ng isang milyon para kung ano man ang matutuklasan niya kay Hydeline ay wala ng ibang makakaalam pa.
——

Halos tumagal din ng tatlong oras bago natanggal ang bala malapit sa puso ni Hydeline. Ngunit hindi parin siya nagigising. Mula ER ay dinala na si Hydeline sa isang private hospital room.

Nagpaalam si Lalaine na pupunta ng police station para alamin kung anong update sa paghuli kila Shane at Brenth at sa dalawa pang kasabwat nito.

——

“Gumising kana, nandito na ako sa tabi mo. Wag ka mag alala, hindi ako papayag na hindi pagbayaran ni Shane ang ginawa niya sayo.” sambit ko habang hawak ang kamay ni Hydeline.

Maya maya pa napansin kong gumagalaw na ang daliri ni Hydeline, senyales na magkakamalay na ito.

—HYDELINE POV—

Nagising ako na nasa isang 'di pamilyar na lugar ako. Pag tingin ko sa gawing kanan, nakita ko si Xyron na nakangiti sakin.

“Nasaan ako?” nanghihinang tanong ko.

“Nandito ka sa hospital, pero wag ka mag-alala. Safe ang sikreto mo.” sagot ko.

“Hospital? B-bkit, anong nangyari?” tanong ni Hydeline.

“Nabaril ka ng iligtas mo 'ko, ako dapat yung mababaril pero nagulat nalang ako ng humarang ka. Sa totoo lang, yung nangyari kanina pakiramdam ko hindi yun yung unang beses na niligtas mo 'ko.” pagki-kwento ni Xyron.

—Flashback: 17years ago—

“Anong pinaplano mo?” tanong sakin ni Aqua, matapos kung kunin ang palutang lutang na katawan ng batang lalake.

“Kailangan ko siyang iligtas.” sagot ko.

“Pero delikado ang gagawin mo Hydeline.” pag aalala ni Aqua.
“Wala na akong pamimilian. Kailangan niyang makaligtas.” sagot ko.

Gamit ang aking kapangyarihan, tinulungan kong makaligtas ang isang batang lalake mula sa pagkakalunod ng lumubog ang sasakyang pandagat.
Ang gagawin kong pagliligtas sakanya ay maaari ko rin ikapahamak ngunit mas pinili ko siyang tulungan.

“Kahit na iligtas mo siya, hindi ka parin niya maalala dahil sa kapangyarihan na ginamit mo o maaaring ikaw ang makalimut at hindi siya.” saad ni Aqua.

“Bahala na, dahil ang importante sakin ngayon ay ang mailigtas siya. Alam ko darating ang panahon, magkikita tayo ulit.” nakangiting pagkakasabi ko saka hinaplos ang mukha ng batang lalake.

“Alam ko na maaari niya akong makakalimutan sa isip niya sa oras na magising siya ngunit hindi makakalimut ang puso.” nakangiting pagkakasabi ko.

Ilang sandali pa ay nagising na nga ang batang lalake, at nakatitig lamang siya sakin.

—End of Flashback—

“Sabi ko na nga ba, kailan man ay hindi makakalimut ang puso.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ni Xyron.
Hindi ako sumagot at ngumiti na lamang ako.

“Si Lalaine, nasaan siya?” tanong ko ng mapansin na wala si Lalaine sa loob ng room ko.

“Nasa police station siya, para alamin kung nahuli na ba sila Shane at Brenth.” sagot ni Xyron.

“Hindi ko inakala na magagawa ni Brenth makipagsabwatan kay Shane para dukutin ako. Inakala ko pa naman noon na isa siyang kaibigan.” hindi makapaniwalang pagkakasabi ko.

“Ano ba nangyari kanina?” tanong ni Xyron.

“Nag punta si Brenth sa Aquatic Theme Park, tapos may pinakita siya sakin na Ruby Stone tinanong niya ako kung may alam ako tungkol doon. Syempre hindi ko sinabi ang totoo. Tapos aalis na sana ako pero may dalawang lalakeng humawak sa braso ko at pilit akong sinakay sa van.” kwento ko.

“Sorry ha, kasi kung dumating ako agad 'di mangyayari sayo 'to. Alam mo ba kanina, takot na takot ako na hindi ka parin nagigising kahit nakababad kana sa tubig. Natakot ako na baka mawala ka sakin, Hydeline hindi ko kakayanin kapag nawala ka sakin. Sorry kung 'di agad ako dumating kanina. Bigla kasi ako nasiraan habang papunta ako Aquatic Theme Park para sunduin ka.” seryosong pagkakasabi ni Xyron habang hawak ang kamay ko.

“Wala ka naman dapat ika-hingi ng sorry sakin. Dahil tinulungan mo parin ako na makaligtas. Kung 'di ka dumating kanina, maaaring nagawa na nila Shane ang plano nilang pagkuha ko sa dugo ko.” sambit ko.

“Hinding hindi na ako papayag na saktan ka pa nila. Lahat gagawin ko mapangalagaan ka lang.” seryosong pagkakasabi niya habang nakatitig sakin.

Hanggang sa unti unti nagkakalapit ang mga labi namin ni Xyron.
——

Aquatic Goddess (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon