Chapter 10

214 12 4
                                    


—XYRON POV—

“Ano matagal pa ba yan?” tanong ko sa temporary driver ko, nasa bakasyon kasi yung talagang personal driver ko.

“Matatapos na sir.” sagot nito.
30mins na akong late sa usapan namin ni Hydeline. Siguradong hinihintay na niya ako Makalipas ang kalahating oras, ay nakarating na nga ako sa Aquatic Theme Park. Nakasalubong ko naman si Lalaine.

“Si Hydeline, nasaan siya?” tanong ko kay Lalaine.

“Kanina pa po siya lumabas, ang sabi niya sa main gate nalang daw po niya kayo iintayin. Akala ko nga po magkasama na kayo.” nagtatakang pagkasabi ni Lalaine.

“Hindi, kararating ko lang. Nasiraan kasi ako.” sagot ko.

“Kung ganun, nasaan siya? Imposible naman umuwe yun.” sambit ni Lalaine.

Bigla ako nakaramdam ng matinding kaba. Agad ko tinawagan ang cellphone ni Hydeline pero cannot be reach ito.

—HYDELINE POV—

Nagising ako na nasa isang abandonadong building ako. Nakatali ang kamay at paa ko. Pag tingin ko sa gawing kanan andon si Brenth, nakangiti sakin.

“Gising kana pala.” nakangiting pagkakasabi niya.

“Nasaan ako? Bakit nakatali yung mga kamay at paa ko?” natatakot Kong tanong.

“Ikaw naman, masyado ka matatakutin. Nandito naman ako eh.” nakangiting pagkakasabi muli ni Brenth.

“Anong kailangan mo sakin!? Bakit mo ba 'to ginagawa?!” sigaw ko.

“Sssssh wag ka masyado maingay. Hindi lang naman ako ang may kailangan sayo.” nakangiting sambit nito at saka dumating si Shane, ang ex-girlfriend ni Xyron.

“Magkasabwat kayo? Kailan pa?” agad na tanong ko.

“Matagal na. Bago pa man kayo magkakilala ni Brenth.” nakangising pagkakasabi ni Shane.

“Pinagplanuhan niyo lahat ng 'to? P-pati ikaw Brenth? Akala ko ba kaibigan kita?!” galit na pagkakasabi ko.

—XYRON POV—

“Parang alam ko na kung paano natin malalaman kung nasaan si Hydeline. Simula kasi ng malaman ko ang tungkol kay Hydeline. Naglagay ako ng tracking device sa cellphone niya sa tulong ng pinsan ko. Just in case na may mangyaring masam sakanya, tulad ngayon.” sambit ni Lalaine.

“Kung gayon, hanapin na natin si Hydeline. Tumawag kana rin ng pulis para sa back-up.” agad na pagkasabi ko.

——

Agad namin sinundan ang location ni Hydeline.

—HYDELINE POV—

“Inisip mo ba talaga na isa akong kaibigan? Siguro noong araw na niligtas kita ninais ko rin na maging kaibigan mo, pero nabago ang lahat ng yun ng may malaman ako tungkol sa pagkatao mo. Ay mali, hindi ka nga pala tao. Nagka-interest ako sayo ng makita ang ruby stone na galing sa patak ng dugo mo. Kaya simula ng iligtas kita ay hindi na kita nilubayan pa.” salaysay ni Brenth.

Nagulat ako sa sinabing yun ni Brenth, hindi ko inakala na sa kabila ng maamo niyang mukha may maitim pala siyang binabalak sakin. Yung gabi na may nag-tangkang holdapin ako, pinlano nila Shane yun.
Sinusubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko ngunit dahil sa panghihina ay hindi ko 'to magawa.

“Don't worry, Hydeline papakawalan karin naman namin. But in one condition, lalayuan mo si Xyron.” sarcastic na pagkakasabi ni Shane.

“Pero kung ayaw mo, pwede naman natin mapakinabanggan yang dugo mo.” nakangising pagkakasabi ni Brenth habang hawak ang matulis na kutsilyo.

—XYRON POV—

“Nandito na tayo sir Xyron.” sambit ni Lalaine.

Agad kaming bumaba ng kotse at nagsimulang hanapin si Hydeline sa abandoned building.

“Hydeline!” sigaw namin ni Lalaine.

— HYDELINE POV—

“Hydeline!” rinig kong sigaw ni Xyron.
“Paano nalaman ni Xyron kung nasaan tayo?” nagtatakang tanong ni Shane.

“Aba malay ko.” inis na sagot ni Brenth.

“Kunin niyo si Hydeline, itatakas natin siya. Hindi siya pwede maabutan ni Xyron.” utos ni Shane sa mga tauhan niya. Agad naman siya sinunod ng mga 'to.

“Bitawan niyo 'ko ano ba.” pagpupumiglas ko.

“Xyron!” malakas na sigaw ko, dahil ramdam mo na nasa paligid lang sila ni Lalaine at hinahanap ako.

“Manahimik ka!” galit na reaction ni Shane saka binusalan ang bibig ko para 'di makasigaw.

—XYRON POV—

“Si Hydeline yun.” agad na sambit ni Lalaine.

“Doon tayo.” sambit ko saka agad na umakyat sa ikatlong palapag ng gusali.

—HYDELINE POV—

“X-xyron?” gulat na reaction ni Shane ng makasalubong namin si Xyron at Lalaine.

“Sinasabi ko na ba, kayo ng kapatid mo ang dumukot kay Hydeline.” nanggigil na pagkasabi ni Xyron.

“Nagpunta ka talaga dito para iligtas ang babaeng 'to? How sweet.” sambit ni Shane habang nakatutok sa sintido ko ang baril na hawak ni Shane.

“Brenth, kasabwat ka ni Shane sa pagdukot sa kaibigan ko? Akala ko ba kaibigan ka namin.” nagtatakang tanong ni Lalaine ng makita si Brenth na mahigpit akong hawak sa braso.

Ilang sandali pa dumating na ang mga pulis kaya nataranta si Shane at iba pa niyang kasamahan sa pagtakas.

Agad na nakipag suntukan si Xyron sa dalawang tauhan ni Shane gayun din kay Brenth habang si Lalaine naman ay na nagmamadaling tanggalin ang tali ko sa kamay at ang nasa bibig ko.

Habang si Shane naman ay nakatakas, ngunit agad siyang sinundan ni Lalaine. Nang makahanap ng pagkakataon si Brenth ay mabilis niyang dinampot ang baril sa sahig. Akmang babarilin ni Brenth si Xyron ngunit mabilis akong tumakbo patungo kay Xyron.

—XYRON POV—

Nagulat na lamang ako ng biglang humarang si Hydeline saka ako nakarinig ng malakas na putok ng baril. Ilang sandali pa ay agad bumagsak si Hydeline ngunit mabilis ko siyang nasalo.

“Hydeline, naririnig mo ba ako?” tanong ko sa nanghihinang si Hydeline.

“Wag ka bibitaw ok? Wag mo 'ko iiwan. Pakiusap!” pagmamakaawa ko.
Ngunit bigla na lang nawalan ng malay si Hydeline.

Aquatic Goddess (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon