Chapter 18

160 7 0
                                    

“AQUATIC GODDESS”
(Chapter 18)
—HYDELINE POV—
Nang makita ako ni Xyron, halos 'di siya makapaniwala. Agad niya akong niyakap.
Maging ako ay hindi rin makapaniwala na matagal na pala akong nawalay kay Xyron at sa kaibigan kong si Lalaine.

“Bakit ang tagal mong nawala? Bakit ngayon kalang nagpakita sakin?” halos maiiyak sa tuwa na sambit ni Xyron at saka ako hinagkan at niyakap muli.
“Naging kampanti naman ako sa pag alis dahil alam kong hindi ka mahihirapan. Tinanggal ko ang memorya mo na mag uugnay sating dalawa ng umalis ako. Babalik lamang yun sa sandaling magkita tayong dalawa.” paliwanag ko habang nakayakap parin kay Xyron.
“Tinanggal mo ang alaala ko na kasama ka? Pero bakit? Hindi mo dapat ginawa yun Hydeline.” sambit ni Xyron habang hawak ang mga kamay ko.
“Wag ka mag alala, nandito na ako. At pinapangako ko sayo na kailanman ay hinding hindi na ako mawawala sa tabi mo. Bago ako umalis, niyaya mo akong magpakasal. Ngayon nandito na ako, pwede na natin ituloy ang pagpapakasal.” nakangiting pagkakasabi ko.
Ngumiti man si Xyron ngunit bigla nagbago ang expression ng mukha niya.
“Bakit parang 'di ka masaya sa sinabi ko.” malungkot na pagkakasabi ko at unti unti kulimlim ang langit.
“Sa kotse nalang natin pag-usapan, ihahatid muna kita sa bahay.” seryosong pagkakasabi ni Xyron.
Habang nasa biyahe ay nagsimula na magkwento si Xyron. Sinabi niya sakin ang mga nangyari sa nakalipas na tatlong taon. Ang tungkol sa pagkakaroon niya ng girlfriend, si Ynna.
Hindi ko siya masisisi, tinanggal ko ang alaala niya tungkol sakin ng umalis ako. Tama si Aqua, paano kung magkaroon ng problema dahil sa ginawa ko. Pero wala naman ako pamimilian, kung hinayaan ko maalala ako ni Xyron mahihirapan siya sa loob ng tatlong taon.
“Pwede bang ihatid mo nalang ako sa bahay ni Lalaine.” seryosong pagkakasabi ko.
“Pero-----”
“Sige na, ihatid mo na ako. Gusto ko narin makita si Lalaine.” sabat ko.
“Ok sige.” malumanay na pagkakasabi niya.
—YNNA POV—
“Wala pa ba si Xyron?” tanong ni Mommy sakin.
“Wala pa po Mom, pero sabi niya kanina may dadaanan lang daw siya.” magalang na sagot ko.
“Maybe on the way na siya.” nakangiting pagkakasabi ni Mommy.
“Mom.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Ano yun Ynna?” tanong ni Mommy sakin.
“Thank you, kasi kahit na adopted child niyo lang ako ni Daddy sobrang minahal niyo 'ko na parang totoong anak niyo na.” sweet na pagkakasabi ko saka niyakap si mommy.
“You know how much we love you ng daddy mo.” nakangiting pagkakasabi ni Mommy.
“Oh, bakit kayo lang nagyayakapan d'yan. Hindi niyo ba ako isasali?” sabat ni Daddy na kararatinh lang.
Second husband ni mommy si daddy, habang ako ay adopted child naman nila. Pero kahit ganun, masasabi kong masaya parin ang pamilyang kinalakihan ko.
—LALAINE POV—
“Ano ba naman yan kakasampay ko lang uulan na naman.” naiinis na bulong ko sa sarili ko.
Maya maya pa ay may biglang nag doorbell.
“Sino ba yan ang kulit doorbell ng doorbell. Teka lang!” naiinis na sigaw ko.
Laking gulat ko ng binuksan ko ang gate, nakangiting bumungad sakin si Hydeline. Ang bestfriend kong Aquatic Goddess.
—HYDELINE POV—
“Lalaine.” nakangiting bati ko.
“Oh my god, Hydeline? Hydeline ikaw nga?” masayang pagkakasabi ni Lalaine saka ako biglang niyakap.
“Teka pasok kayo.” sambit ni Lalaine.
——
Maya maya ay narinig kong nag ring ang phone ni Xyron, Babe ang nakalagay na contact name. Maaring si Ynna nga ang tumatawag sakanya. Sinabihan ko siyang sagutin ang tawag kahit sa una ay ayaw niya.
“Ano na nangyari sayo babae ka? Bakit ang tagal mo nawala? Saka bakit parang ngayon ko lang naalala na kaibigan kita? Minahika mo ba 'ko?” naiiyak na pagkasabi ni Lalaine.
“Sorry kung ginawa ko yun, ayaw ko kasi mahirapan kayo habang wala pa ako eh. Kaya pansamantala kong inalis ang alaala niyo tungkol sakin.” seryosong pagkakasabi ko.
“Ay hala. Si Xyron, alam mo na ba?” agad na tanong ni Lalaine sakin.
“Oo, sinabi na niya sakin kanina.” seryosong sagot ko.
“Paano na ang kasal niyo? Paano na ang relasyon niyo?” malungkot na pagkakasabi Lalaine.
“Hindi ko alam.” sagot ko.
—XYRON POV—
“Babe, bakit ang tagal mo?” malumanay na tanong sakin ni Ynna.
“May inaasikaso pa kasi ako.” seryosong pagkakasabi ko.
“Paano yung anniversary celebration natin?” malungkot na pagkakasabi ni Ynna.
Hindi naman ako agad nakasagot sa tanong niya ng makitang lumapit sakin si Hydeline.
“Puntahan mo na siya, sigurado akong iniintay kana niya.” nakangiting pagkakasabi ni Hydeline pero kita ko sa mga mata niya ang lungkot kaya mas lalo akong naawa kay Hydeline. Hindi niya deserved ito.
“Sige, intayin mo 'ko. Magkita tayo sa coffee shop.” seryosong pagkakasabi ko kay Ynna habang nakatitig kay Hydeline. Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag.
—HYDELINE POV—
“Pupuntahan ko si Ynna, makikipag hiwalay na ako sakanya.” seryosong pagkakasabi ni Xyron.
“Hindi ka makikipag hiwalay sakanya.” seryosong pagkakasabi ko.
“Pero Hydeline-------”
“Kaya ko ang sarili ko, puntahan mo na siya.” nakangiting pagkakasabi ko saka akmang aalis pero bigla ako hinila ni Xyron at kaagad ako niyakap ng mahigpit.

Aquatic Goddess (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon