Chapter 6

278 17 1
                                    


——
“Hindi ako pwede madala sa hospital.” bulong ko sa isip ko kahit medyo nahihilo pa ako ng mga sandaling yun.
“Don't worry Hydeline, papunta na tayo sa Hospital.” nag aalalang pagkasabi ni Xyron habang ang ulo ko ay nakasandal sa dibdib niya.
“W-wag sa hospital, i-uwe mo nalang ako sa bahay.” nanghihinang pagkasabi ko.
“Pero mas makakabuti para sayo kung sa hospital ka dadalhin.” sagot ni Xyron.
“H-hindi mo naiintindihan, i-uwe mo 'ko sa bahay. Tawagan mo si Lalaine.” nanghihina kong pagkasabi.
Agad naman sinunod ni Xyron ang sinabi ko. Iniuwe nga ako ni Xyron sa bahay at inawagan niya si Lalaine upang umuwe rin.
——
“Anong nangyari?” tarantang tanong ni Lalaine.
“Bigla siya nahilo, ayaw naman niya magpadala sa hospital.” sagot ni Xyron habang kalong parin ako.
“Teka saglit, ihahanda ko lang yung tubig sa bathtub.” agad na pagkakasabi ni Lalaine at nagmamadaling pinuno ng tubig ang bathtub sa comfort room.
Batid ko na nagtataka si Xyron sa mga oras na yun, pero agad niya rin ako nilagay sa bathtub ng mapuno na 'to ng tubig.
“Hydeline, ok kana ba?” pag aalalang tanong ni Xyron.
“Sigurado akong magiging ok na rin ang kaibigan ko.” nakangiting pagkakasabi ni Lalaine.
“Ano po ba nangyari kanina Sir? Sinaktan ba siya ng Shane na yun.” galit na tanong ni Lalaine.
“Ok na ako, wag kana magalit. Nahilo lang ako kanina, siguro dahil gutom lang ako.” mahinahon na pagkakasabi ko.
“Pinag-alala mo 'ko alam mo ba yun?” seryosong pagkakasabi ni Xyron, at saka hinawakan ang kamay ko.
“Ako na po bahala sakanya sir, baka po hinahanap na kayo sa Aquatic Theme Park. Saka nakita ko na andon pa si Mam Shane.” sabat ni Lalaine.
“Ok sige, basta tawagan mo 'ko kapag kailangan ni Hydeline dalhin sa hospital or kapag 'di parin siya ok. Balitaan mo nalang ako sa kalagayan niya.” seryosong pagkakasabi ni Xyron habang nakatitig sakin.
Matapos non ay umalis na nga si Xyron. Ngunit medyo nanghihina parin ako.
“Ano ba talaga totoong nangyari?” tanong ni Lalaine.
“Nagalit sakin kanina si Shane, pinagtanggol naman ako ni Xyron. Tapos ewan, bigla nalang ako nahilo. Siguro dahil gutom ako.” sagot ko.
“Hindi ka naman ordinaryong tao para mahilo kapag nalilipasan ka ng gutom. Isa kang Aquatic Goddess may kakayahan o kapangyarihan kang taglay na wala ang isang normal na tao tulad ko. Kaya alam ko may ibang dahilan kung bakit bigla ka nahilo at nanghina. Pero mabuti nalang 'di ka nadala sa hospital.” seryosong pagkakasabi ni Lalaine.
Maya maya pa ay may nag dorbell
“Saglit lang titignan ko kung sino.” sambit ni Lalaine saka pumunta sa gate.
Ilang sandali pa ay bumalik siya kasama si Brenth.
“Hydeline, ok ka lang ba? Nabalitaan ko lang yung nangyari sayo kaya agad akong pumunta dito.” nag aalalang pagkasabi ni Brenth.
“Ayos lang ako.” nakangiting sagot ko habang nakababad parin sa tubig.
“Nag alala ako sayo. Salamat at ok ka lang.” nakangiting pagkakasabi ni Brenth.
“Salamat sa pag aalala niyo. Pero ok na ako.” pagsisinungaling ko.
“Pero bakit nandito ka lang? Akala ko ba dinala ka sa Hospital?” nagtatakang tanong ni Brenth.
“Takot kasi sa injection si Hydeline, kaya 'di siya nagpadala sa hospital.” pagsisinungaling ni Lalaine.
“Totoo ba yun?” natatawang tanong ni Brenth.
“Ah Oo. Totoo yun.” pagsisinungaling ko.
——
Kinabukasan ay pumasok narin ako agad sa work. Usap usapan sa Aquatic Theme Park ang pagiging concern at close sakin ni Xyron. May relasyon daw ba kami, another girl daw ba ako ni Xyron at mas bagay nga daw kami kaysa sa mataray na kasalukuyang girlfriend ni Xyron na si Shane. Pero 'di ko pinapansin ang lahat ng yun.
“Hydeline, pinapatawag ka ni sir Xyron sa Aquarius. Hihintayin ka daw niya sa office niya.” bungad sakin ng ka-work ko sa Aquatic Theme Park.
“Bakit daw?” tanong ko.
“Wala siyang sinabi, puntahan mo nalang siya.” sagot naman nito.
——
Agad nga ako umalis sa Aquatic Theme Park at nagpunta sa Aquarius. Pagdating ko doon ay dumiretso ako sa office niya.
“Pinapatawag mo da-----” hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil niyakap ako agad ni Xyrus.
Nararamdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso. Kinikilig ba 'ko?

Aquatic Goddess (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon