“AQUATIC GODDESS”
(Chapter 24)
—YNNA POV—
Bumuhos ang napakalakas, kasabay nito ang malakas na kulog at kidlat habang patuloy sa pag iyak si Hydeline. Sobrang naawa ako sakanya. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya.
“I'm so sad to hear that.” malumanay na pagkakasabi ko kay Hydeline.
Agad naman siyang tumingin sakin, saka ko siya niyakap.
“Wag kana umiyak, for sure kung nasaan man ang mommy mo masaya na siya. At hindi rin niya gugustuhin na makita kang malungkot. Nand'yan naman si Mommy eh, she can be your mom too. Total, naging matalik na kaibigan din siya ng mom mo noon diba? Tahan na.” malambing na pagkakasabi ko.
“Salamat. Salamat sainyo.” nakangiting pagkakasabi ni Hydeline saka pinilit na ngumiti.
Agad naman lumapit si mommy kay Hydeline at niyakap rin ito.
——3weeks later
—XYRON POV—
“Flowers para sa pinakamamahal ko. Alam ko kasi na malungkot ka, noong nakaraan araw pa kasi umuulan.” nakangiting pagkakasabi ko sabay abot ng flowers kay Hydeline.
Agad naman 'to kinuha ni Hydeline pero bakas parin sa mga mata niya ang lungkot. Kaya hinawakan ko agad ang kamay ni Hydeline.
“Hindi ako magsasawa na pangitiin ka, saka pinapangako ko sayo lagi ako nandito sa tabi kapag kailangan mo 'ko. Naiintindihan ko ang lungkot na nararamdaman mo ngayon, pero lilipas din yan.” seryosong pagkakasabi ko saka niyakap si Hydeline.
Dito na nakatira si Hydeline sa bahay ko, ayaw ko na kasi mawala siya sa tabi ko. Kung maaari gusto ko siya lagi nakikita, ayaw ko na kasi maulit yung nangyari noon. Ayaw ko ng magkalayo pa kami ulit ni Hydeline.
—HYDELINE POV—
“Sis.” nakangiting bati sakin ni Lalaine na kararating lang at agad niya ako niyakap.
“Hindi ka nagsabi na papasiyal ka dito.” malumanay na pagkakasabi ko.
“Siyempre gusto kita i-surprise. Saka sinabihan ako ni Xyron na lagi ka daw malungkot eh. Alam mo yung kapatid mong si Atlas nagiging close narin kay Ynna.” nakangiting pagkakasabi ni Lalaine.
“Kahit kailan talaga, ang sweet sweet ng bestfriend ko na sister ko pa.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Ayieeee ang sis ko nag i-smile na.” natatawang pagkakasabi ni Lalaine.
—YNNA POV—
“Yaya, si mommy dumating na?” tanong ko sa yaya ko.
“Hindi mam, baka mamaya pa po yun.” sagot naman ng yaya ko saka umalis.
Naglalakad lakad ako sa gilid ng swimming ng muntikan na ako madulas pero mabilis akong nasalo ni Atlas.
Tumagal ng halos ilang segundo ang titigan namin ni Atlas. Bago ko siya tuluyan itulak.
“Ikaw na nga 'tong sinalo ko pero parang ikaw pa galit.” sarcastic na pagkakasabi ni Atlas.
“Aba, sinabi ko bang saluhin mo 'ko?” kunware naiinis kong pagkasabi.
“Pero ganun naman ang ginagawa sa mga taon napo-fall diba? Dapat sinasalo.” nakangiting pagkakasabi sakin ni Atlas.
Unti unti siya lumalapit sakin hanggang sa ma-corner niya na ako. Napapikit nalang ako ng bigla niya ilapit sa mukha ko ang mukha niya. Ilang sandali pa ay bigla niya ako hinagkan sa noo saka siya umalis.
“Bwiset na lalaking yun andon na eh.” naiinis kong pagkakasabi na may halong kilig.
—HYDELINE POV—
Busy ako ako sa pagdidilig ng halaman ng bigla may tumakip sa mata ko. Ramdam kong si Xyron nga ito kaya napangiti nalang ako. Nang bigla ako humarap sa kaniya. May takip ang mukha niya na isang bouquet ng iba't ibang kulay ng bulaklak.
“Ano na naman yang trip mo?” natatawang tanong ko.
“Mabuti naman kahit sa mga bulaklak na 'to napasaya kita.” nakangiting pagkakasabi ni Xyron sakin saka ako niyakap.
“Salamat ha, kasi lahat ginagawa mo para pasayahin ako.” nakangiting pagkakasabi ko kay Xyron.
“Alam ko na, gusto mo kumain tayo sa labas?” tanong sakin ni Xyron.
“Ano naman kakainin ko? Puro fruit salad lang naman at fresh fruit kakainin ko.” tanong ko.
“Edi ganun nalang din kakainin ko para parehas tayo diba?” nakangiting pagkakasabi ni Xyron.
Natawa nalang sa pagpapa-cute ni Xyron.
——
Namasyal nga kami ni Xyron, natatawa nalang ako sa reaction niya sa tuwing may mga ibang lalakeng napapatingin sakin.
“Bakit naman salubong ang kilay ng mahal ko?” sweet na pagkakasabi ko kay Xyron..
“Eh kasi grabe makatingin sayo yung mga lalakeng nakakasalubong natin. Dapat pala nag couple shirt tayo para alam nilang pagmamay ari na kita.” masungit na pagkakasabi ni Xyron.
“Nagseselos ka?” natatawang pagkakasabi ko,
Agad ko niyakap sa bewang si Xyron at nakatingala ako sakanya. Tumingin naman siya sakin saka ako hinagkan sa ilong.
“Bakit sa ilong?” nagtatakang tanong ko.
“Galit ako.” nagtatampong pagkasabi ni Xyron.
Bigla ko siya kinisan sa pisngi.
“Ano, galit ka pa?” nakangiting pagkakasabi ko.
Hindi siya kumibo saka ako bigla inakbayan, kaya mas lalo akong natawa sakanya.
BINABASA MO ANG
Aquatic Goddess (BOOK #1)
FantasyHydeline is a 25year old girl who has an ability to control the water element, bumubuhos ang malakas na ulan sa tuwing malungkot siya at umataas naman ang alon sa dagat sa tuwing nagagalit siya. Her blood droplets can turn into a ruby stone.