——
Agad nga ako umalis sa Aquatic Theme Park at nagpunta sa Aquarius. Pagdating ko doon ay dumiretso ako sa office niya.
“Pinapatawag mo da-----” hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil niyakap ako agad ni Xyrus.
Nararamdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko . Kinikilig ba 'ko?
“Hindi ko maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita na kausap si Brenth, nagseselos ako. Minsan, palihim kitang pinagmamasdan at napapangiti mo 'ko sa tuwing tumatawa ka. At yung nangyari sayo, sobrang nag alala ako.” seryosong pagkakasabi ni Xyron habang nakayap sakin.
Halos 'di ako makapaniwala sa mga sinabing yun ni Xyron. Maya maya pa ay bumitaw na siya ng pagkakayakap sakin. Ngunit nananatiling nakatingin siya sa mga mata ko.
“Kung ang iniisip mo ay si Shane, matagal ko ng pina-plano na hiwalayan siya. Dahil ayaw ko sa lahat yung niloloko ako.” dagdag pa ni Xyron.
“Alam mo na?” nagtatakang tanong ko.
“Oo. Alam ko na ang panloloko sakin ni Shane.” seryosong pagkakasabi niya.
“T-teka, kailan pa?” agad na tanong ko.
“Noong sinabi mo sakin na kaya ka nagpunta dito noon ay para kausapin ako tungkol sa mga dagdag tourist attraction sa Aquatic Theme Park.” seryosong pagkakasabi ni Xyron habang nakatitig sakin.
“Sorry kung nagsinungaling ako, sasabihin ko naman na sana yung totoo kaso tama naman yung sinabi ni Lalaine na baka 'di ka maniwala at isipin mong naninira lang kami ng relasyon. Sasabihin naman sana namin, yun nga lang kailangan pa namin ng ibedensya.” paliwanag ko.
“You don't need to say sorry, dahil ang importante sakin ngayon ay nasabi ko yung nararamdaman ko para sayo.” nakangiting pagkakasabi ni Xyron.
——
Matapos ng pag uusap namin ni Xyron ay nagpaalam na ako na babalik na ako sa Aquatic Theme Park, hindi sana siya papayag dahil siya naman daw ang Boss. Pero ginusto ko rin muna na makausap si Lalaine dahil nabigla ako sa confession ni Xyron. Oo, gusto ko siya pero natatakot ako na baka kapag nalaman niya ang tungkol sa totoong ako baka iwanan niya rin ako.
“Nag confess na sayo si sir Xyron?” kinikilig na pagkasabi ni Lalaine.
“Oo. pero hindi ko alam kung ano magiging reaction ko. Matutuwa ba ako o hindi.” sagot ko.
“Ano ka ba, hindi ba't matagal mo ng gusto si sir Xyron? Grab the opportunity ito na yun this is it. Ano pa kinakatakot mo.” tanong ni Lalaine.
“Alam mo naman kung sino talaga ako diba? Paano kapag nalaman niya yun? Sa tingin mo ba mamahalin niya pa kaya ako?” seryosong tanong ko.
“Pero tulad ng nararamdaman ni sir Xyron, ganun karin naman sakanya diba? Mahal mo rin siya.” nakangiting pagkakasabi ni Lalaine.
——
Kinabukasan ay day off namin ni Lalaine kaya nasa bahay lang kami. Hanggang sa may bigla nag doorbell.
“Om-order ka ba ng pagkain?” tanong ni Lalaine.
“Hindi. Bakit?” sagot ko.
“Eh sino yung nag doorbell?” tanong ni Lalaine.
“Teka nga ako nalang yung titingin.” saad ko saka tumayo at pumunta sa gate.
Pagbukas ko ng gate ay unang bumungad sakin ang napaka gwapong mukha ni Xyron, nakangiti siya sakin.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
“Binibisita ka at ito may dala akong mga paborito mong prutas.” nakangiting pagkakasabi niya.
“Ah sige, tuloy ka.” tipid na pagkasabi ko saka siya pinapasok.
——
“Sir Xyron?” gulat na reaction ni Lalaine.
“Ah sir upo ka. Pasensya kana medyo makalat kagigising lang kasi namin ni Hydeline. Wala naman po kaming pasok kaya tinanghali na ng gising.” dagdag pa ni Lalaine.
“Ok lang, ang importante sakin nakita ko si Hydeline.” seryosong pagkakasabi ni Xyron at saka ngumiti sakin.
“Ah ito pala may dala akong mga prutas. Nabanggit kasi noon sakin ni Lalaine na paborito mo daw ito kaya binilhan kita. Gusto mo baltan ko 'tong mansanas para sayo?” nakangiting pagkakasabi ni Xyron.
“Naku wag na sir Xyron kakahiya naman po. Ako nalang po gagawa niyan, d'yan nalang po muna kayo ni Hydeline ako na po bahala dito.” sabat ni Lalaine.
Agad na kinuha ni Lalaine ang mga prutas sa mini table at agad na dinala sa kusina upang mahugasan at mai-prepare. Habang kami ni Xyron ay naiwan sa sala.
——
“Yung sinabi mo sakin kahapon, totoo ba lahat ng yun?” seryosong tanong ko.
“Na mahal kita? Na gusto kita? Oo, totoo lahat ng yun.” sagot ni Xyron at agad na hinawakan ang kamay ko. Agad ko naman tinanggal ang kamay niya sa kamay ko.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo.” seryosong pagkakasabi ko.
“Ano ibig mong sabihin? Siyempre, alam ko. Alam kong mahal kita Hydeline.” agad na sagot ni Xyron.
“Hindi mo 'ko katulad. Hindi niyo 'ko katulad, naiiba ako sainyo.” seryosong pagkakasabi ko.
“Huh? Anong naiiba? Anong pinagsasabe mo?” nagugulahang tanong ni Xyron.
Agad akong kumuha matulis na bagay
“Sana kapag nalaman mo kung ano talaga ako, hindi magbago yung tingin mo sakin.” seryosong pagkakasabi ko saka sinugatan ang daliri ko.Ilang saglit pa ay may pumatak ng dugo mula sa sugat ko. Ang patak ng dugo kalaunan ay naging Ruby stone. Ang sugat ko ay agad ko binasa ng tubig at kusa rin itong naghilom. Kitang kita ko sa mga mata ni Xyron ang pagtataka at pagkabigla sa mga nasaksikhan niya.
“Hindi ako tao, dahil isa akong Aquatic Goddess at may kakayahan ako na kontrolin ang elemento ng tubig.” seryosong pagkakasabi ko.
“Alam kong natatakot kana sakin ngayon, at alam ko rin na nagbago na tingin mo sakin. Pwede kana makaalis, pero ang pakiusap ko lang wala sanang ibang makakaalam ng tungkol sa nalaman mo.” dagdag ko pa.
“Kaya ba, ayaw mo na dalhin kita sa hospital.” tanong ni Xyron, tumanggo nalamang ako.
“If that so, hindi lang si Lalaine ang po-protekta sayo mula ngayon kundi ako rin.” seryosong pagkakasabi ni Xyron at muling hinawakan ang kamay.
Hindi ko inaasahan na ganun ang magiging sagot at reaction ni Xyron ng malaman niya ang mga sikreto ko.
“Anong...anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ko.
“Mahal kita kahit sino o ano ka pa. Mula ngayon ay po-protektahan kita sa kahit na sinong magtatakang manakit sayo. I promise.” nakangiting pagkakasabi ni Xyron.
“Talaga?” hindi makapaniwala kong reaction.
Agad naman ako niyakap ni Xyron.
“Hindi ko hahayaan na saktan ka nino man.” bulong ni Xyron sa tenga ko.
BINABASA MO ANG
Aquatic Goddess (BOOK #1)
FantasyHydeline is a 25year old girl who has an ability to control the water element, bumubuhos ang malakas na ulan sa tuwing malungkot siya at umataas naman ang alon sa dagat sa tuwing nagagalit siya. Her blood droplets can turn into a ruby stone.