——
Matapos ang nakakakilig na proposal ni Xyron ay magkasama namin pinanood ang napakagandang sunset.
“Hindi ako makapaniwala na fiance na kita ngayon. Gusto ko maikasal tayo sa lalong madaling panahon. Hindi na ako makapag intay na matawag kang asawa ko at maging ina ng mga magiging anak natin. Ikaw na ang buhay ko ngayon, at wala akong ibang gusto kundi ang makasama ka habang buhay.” nakangiting pagkakasabi sakin ni Xyron habang nakatitig sakin at hawak ang kamay ko.
“May gusto sana akong sabihin sayo.” malumanay na pagkakasabi ko.
“Ano yun?” agad na tanong niya.
“Kailangan ko kasi muna bumalik sa mundo kong saan talaga ako galing.” seryosong pagkakadabi ko.
“Aalis ka? iiwanan mo 'ko? pero magpapakasal pa tayo.” magkakasunod na tanong ni Xyron.
“Babalik ako, pero hindi ko alam kung kailan. Pero pinapangako ko na babalik ako.” sagot ko habang nakatitig kay Xyron.
“Sasama ako. Hindi ko hahayaan na umalis ka mag isa. Kahit saan pa yan, sasamahan kita.” seryosong pagkakasabi ni Xyron.
“Nagpapasalamat ako sa kabaitan at pagmamahal na pinapakita at pinaparamdam mo sakin, pero hindi mo na kailangan samahan pa. Mundo ko yun, kaya ko pangalagaan ang sarili ko.” sagot ko.
“Kung gayon, kailan ang alis mo?” malungkot na pagkakasabi ni Xyron.
“Bukas ng umaga. Bago sumikat ang araw.” sagot ko.
“Bukas? Bukas na agad.” agad na tanong ni Xyron.
“Oo.” sagot ko.
Bigla naman ako niyakap ni Xyron ng kay higpit. Nakiusap din si Xyron na kung pwede sa bahay niya ako matulog upang magkasama pa kami bago ako umalis. Pumayag naman ako.
——
Matapos non, ay inihatid muna ako ni Xyron sa bahay para makausap at makapag paalam kay Lalaine.
“Oh my! Engaged na kayo ni Xyron?” masayang reaction ni Lalaine.
“Oo.” nakangiting pagkasabi ko sabay tingin kay Xyron.
“So, kailan ang kasal?” excited na tanong ni Lalaine.
Sandali naman akong natahimik.
“Pagbalik ko.” sagot ko.
“Oo nga pala, kailangan mo nga pala munang bumalik sa mundo mo.” malungkot na pagkakasabi ni Lalaine.
“So kailan ang alis mo?” pahabol niyang tanong.
“Bukas ng umaga, bago sumikat ang araw.” sagot ko.
“Bukas na agad? Nandito ka lang ba para magpaalam sakin? Mamimiss kita.” malungkot na pagkakasabi ni Lalaine.
“Mamimiss din kita. Wag ka malungkot, babalik din naman ako. Hindi ko lang alam kung kailan.” malumanay na pagkakasabi ko.
“Payakap nga sa bestfriend ko.” sambit ni Lalaine saka ako niyakap.
——
Pagkatapos ay umalis narin kami ni Xyron.
Pagdating sa bahay niya ay agad niya ako.
Pag dating sa bahay ni Xyron ay agad niya ako hinandaan ng mga sariwang prutas. Masaya ang naging bonding namin ni Xyron. Nag movie marathon kami, nag food trip at nag kwentuhan. Binalikan namin ang mga araw ng una kami nagkita sa Aquatic Theme Park.
Napag usapan din namin ang tungkol sa magiging kasal at future babies namin.
“Saan mo gusto na ikasal tayo? Beach? Simbahan? Ah alam ko na Beach. Kasi magtataka pa ba ako? Isang diyosa ang mapapangasawa ko.” nakangiting pagkakasabi ni Xyron.
“Mali.” natatawa kong pagkasabi.
“Edi saan?” tanong niya saka napakamot sa ulo.
“Sayo.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Ah marunong kana mag joke ah.” natatawang pagkakasabi ni Xyron.
“Ilan gusto mo maging anak natin?” tanong naman niya ulit.
“Hmmm 2? Isang babae at isang lalake.” sagot ko.
“Mali.” ganti niya.
“Huh?” sagot ko.
“12 gusto ko.” seryoso niyang pagkakasabi.
“Grabe naman yan.” gulat kong sagot, at nagtanawan na naman kami.
Hanggang sa maging topic namin ang tungkol sa nangyari sakanya 17years ago.
“Ikaw yun? Ang batang babaeng nagligtas sakin? Kung gayon, matagal na tayong nagkakilala.” hindi makapaniwalang sambit ni Xyron ng tila ay naalala niya ng ako ang babaeng nagligtas sakanya noon.
“Alam mo bang matagal kong inintay na magkita tayo ulit? Pero bakit hindi kita agad nakilala?” dagdag pa ni Xyron.
“Dahil sa kapangyarihan ko, kaya ng sandaling magising ka, nabura narin ako sa isip mo. Pero tila yata hindi ako nabura sa puso mo. Dahil nagawa mo parin akong maalala.” nakangiting pagkakasabi ko.
At kaagad nga ako niyakap ni Xyron.
“Hindi na ako papayag na makalimutan ka ulit. Hindi na.” sambit nito.
——
—XYRON POV—
Habang nanonood kami ng TV sa sala, hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Hydeline habang nakayap sakin. Dahan dahan ko siyang binuhat sa nilipat sa kwarto ko.
Mahimbing na ang pagkakatulog niya, kinumutan ko siya at saka hinagkan sa pisngi. Pinagmamasdan ko lamang siya habang natutulog.
Napakaganda ng kanyang mukha kahit siya'y natutulog. Sobrang saya ko kasi si Hydeline ang babaeng mapapangasawa ko.
1AM na, inaantok narin ako pero pinipigilab ko lang dahil gusto ko siyang bantayan habang natutulog. Gusto ko siya pagmasdan bago man lang siya umalis.
Pero 'di ko na talaga mapigilan ang antok ko kaya humiga narin ako sa tabi niya saka siya niya niyakap.
——
—HYDELINE POV—
Nagising ako na nakaunan ako sa braso ni Xyron habang siya'y nakayakap naman sakin.
Nang mapatingin ako sa orasan, 3AM na. Dahan dahan ko inangat ang braso niya na nakayakap sakin saka ako dahan dahan bumangon.
“Mahal, babalik ako pangako. Babalik ako upang tuparin ang plano nating magpasakal at bumuo ng masayang pamilya. Ngunit sa ngayon, kailangan ko muna bumalik kung saang mundo ako nang galing. Ngunit patawarin mo 'ko kinakailangan kong alisin sa alaala mo nakilala mo 'ko. Para din ito sa ikabubuti mo.” sambit ko at saka hinagkan si Xyron sa noo.
“Paalam.” huling sambit ko saka umalis.
——
BINABASA MO ANG
Aquatic Goddess (BOOK #1)
FantasyHydeline is a 25year old girl who has an ability to control the water element, bumubuhos ang malakas na ulan sa tuwing malungkot siya at umataas naman ang alon sa dagat sa tuwing nagagalit siya. Her blood droplets can turn into a ruby stone.