“AQUATIC GODDESS”
(Chapter 25)
—1month later
—YNNA POV—
Sa nakalipas nga na isang buwan, bumili na si Atlas ng sarili niyang bahay sa tulong ng kapatid niyang si Hydeline, medyo malapit lang 'to samin kaya madalas ang pag bisita ko sa kanya. Minsan ay nagdadala ako ng cookies or minsan naman kapag nagbe-bake si Mommy ng brownies.
Pero ewan ko ba kay Atlas, pinaglihi yata sa sama ng loob. Ang sungit sakin kahit hindi ko naman inaano. May time na ang sweet niya pero mas madalas ang pagiging masungit niya. Pasalamat siya gwapo siya dahil kung hindi, hindi ako magti-tiyaga sa pagiging masungit niya.
“Gising kana pala, dinalhan kita ng cookies. Masarap 'to. Gawa 'to ni Mommy.” nakangiting pagkakasabi ko saka nilapag sa lamesa ang box na dala ko.
“Salamat.” tipid na pagkakasabi niya.
Napatingin nalang ako sakanya ng marinig ko yun mula sa kanya, hindi kasi siya usually nagpapasalamat sakin. Ngayon lang.
“Ulitin mo nga yung sinabi mo?” tanong ko.
Pero bigla nalang siya ng earphone saka nagbasa ng libro. Kaya ang ginawa ko ay umupo malapit sakanya saka kinuha ang isang earphone niya saka nilagay sa tenga ko. Nagulat ako ng wala naman itong tugtog.
“Nag e-earphone ka ng walang kanta?” nagtatakang tanong ko.
“Ayaw ko marinig yung boses mo. Makakaalis kana.” seryoso niyang pagkakasabi.
“Grabe ka, may period ka ba ngayon? Bakit ba ang sungit sungit mo sakin?” inis na pagkakasabi ko.
Aalis na sana ako ng magsalita siya
“Ang ganda mo parin kahit naiinis ka.” seryosong pagkakasabi ni Atlas.
Kaya ang inis ko sakanya ay agad na napalitan ng kilig.
“Pupunta ako kila Xyron mamaya baka kasi andon yung sister mo, 'di ka ba sasama sakin?” tanong ko.
“Busy ako.” tipid na sagot niya.
“Ok.” sagot ko saka umalis.
—XYRON POV—
Kasalukuyan kami nag mo-movie marathon ni Hydeline ng bigla may mag doorbell kaya agad ako pumunta sa gate upang tignan kung sino ang nasa labas.
“Hi.” nakangiting bati ni Ynna.
“Ikaw pala, tuloy ka. Anong atin?” tanong ko.
“Si Hydeline? Nand'yan ba siya?” tanong ni Ynna.
“Oo nasa loob siya.” sagot ko naman.
—HYDELINE POV—
“Hydeline.” nakangiting bati sakin ni Ynna.
“Oh, napa-pasyal ka. Si Atlas kasama mo ba?” nakangiting pagkakasabi ko.
“Hindi ko siya kasama, nagpunta lang ako dito para dalhin 'tong cookies saka fruit cake para sayo Hydeline gawa yan ni Mommy. Dinalhan ko narin si Atlas ng cookies kanina. Dumaan ako doon kanina.” sagot ni Ynna.
“Wow thank you.” nakangiting pagkakasabi ko habang inaasikaso yung mga dala ni Ynna.
Ilang saglit pa ay dumating naman si Lalaine.
“Ay tamang tama pala yung dating ko.” bungad ni Lalaine.
“Nakita kong bukas yung pinto kaya 'di na ako kumatok.” dagdag pa niya.
“Lalaine, tikman mo 'tong cookies masarap yan gawa ni Mommy.” nakangiting pagkakasabi ni Ynna.
“Ay bet ko yan titikman ko yan syempre, libre eh.” biro ni Lalaine natawa nalang kami sa sinabi niya.
“Ok ba?” tanong ni Ynna.
“Ay bongga gurl, masarap nga. Oo nga pala, si Atlas? Kasama mo siya?” tanong ni Lalaine.
“Hindi ko siya kas------”
“Sorry, na-late ng dating.” sabat ni Atlas.
“Akala ko ba hindi ka sasama? Sabi mo kanina.” medyo naiinis na tanong ni Ynna.
“Namiss mo ba ako agad?” seryosong tanong ni Atlas kay Ynna.
“Ay by pair pala dito. Sayang dapat pala nag hire ako ng jowa sa labas.” biro ni Lalaine.
Nagtawanan naman kami.
—few hours later
—YNNA POV—
“Kompleto pala tayo 'no? What if let's play a game?” suggest ko.
“Ay Oo, may alam ko. Spin the bottle.” sagot ni Lalaine.
“Ay Oo maganda yan.” pag sang ayon ko naman.
“Saan tayo kukuha ng bote?” tanong ni Lalaine.
“Sa kitchen, may bottle of beer doon.” sagot ni Xyron.
Agad nga akong pumunta ng kitchen para humanap ng bote, hanggang sa may nahanap ako saka ako bumalik ng sala.
“Hydeline are you familiar with this game?” tanong ko kay Hydeline.
“Ay Oo alam niya yan, nilalaro namin yan noon panahon na crush palang niya si Xyron.” sabat ni Lalaine.
Napansin ko naman na nagkatitigan sila Xyron at Hydeline.
—XYRON POV—
Nagsimula na nga paikutin ni Ynna ang bote, kung saan tatapat ang bote ikiki-kiss niya ang taong gusto niya o mahal niya.
Una itong napatapat sakin, at syempre si Hydeline ang hinagkan ko. Kilig na kilig naman ang kapatid ni Hydeline na si Lalaine.
Sa pangalawang tanong ay same question parin, hanggant sa mapatapat ito kay Atlas.
—ATLAS POV—
Nang mapatapat sakin ang bote, kapansin kapansin ang pag iwas sakin ng tingin ni Ynna.
Agad kong hinila palapit sakin si Ynna saka ko siya hinagkan ko. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ni Ynna ng mga sandaling yun. Pagkatapos nun ay halos 'di makatingin sakin si Ynna.
Kilig na kilig naman si Lalaine na kapatid din ni Hydeline.
BINABASA MO ANG
Aquatic Goddess (BOOK #1)
FantasyHydeline is a 25year old girl who has an ability to control the water element, bumubuhos ang malakas na ulan sa tuwing malungkot siya at umataas naman ang alon sa dagat sa tuwing nagagalit siya. Her blood droplets can turn into a ruby stone.