——
“Gurl! Namiss kita.” agad na salubong ni Lalaine sakin ng makauwe na ako sa bahay matapos ang dalawang araw na pag-stay sa hospital.“Namiss din kita.” nakangiting sagot ko saka tinayakap si Lalaine.
“Oh, aalis na muna ako. Kailangan ko kasi maka-siguro na 'di na makakalabas si Shane at Brenth ng kulungan. Kailangan nila pagbayaran ang ginawa nila sayo at para 'di na maulit 'to.” seryosong pagkakasabi ni Xyron.
“Mag iingat ka.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Oo naman, para sayo.” nakangiting sambit ni Xyron saka ako hinagkan sa noo at umalis.
——
“Ang sweet talaga ni sir Xyron sayo. Ay alam mo ba noong na-kidnapped ka sobrang pag aalala sayo ni Xyron nag alala rin naman ako pero si Xyron talaga sobra. Lalo na ng 'di naging effective ang tubig para sa paghilom ng sugat mo. Sa totoo lang, nagtataka ako kung bakit hindi nag hilom agad ang sugat mo samantalang aksidente karin naman nabaril noon diba? Pero naghilom agad. Eh ngayon bakit ganun? Kinailangan pa dalhin ka sa hospital.” salaysay ni Lalaine.
“Hindi ko rin alam kung bakit, sa tingin ko kailangan ko muna bumalik sa lugar kung saan ako talaga ako galing. Kailangan ko makausap si Aqua.” seryosong pagkakasabi ko.
“Aqua? Sino yun?” nagtatakang tanong ko.
“Si Aqua ay malapit na taga silbi ng ama at ina ko na isa ring mga Diyos at Diyosa ng tubig.” sagot ko.
“Ah, ganun ba. Eh paano si Xyron? Magpapaalam kaba muna sakanya?” tanong ni Lalaine.
“Oo, hindi ko naman siya pwede basta iwan nalang.” sagot ko.
“Sabagay, kasi sigurado ako mababaliw yan si Xyron kapag bigla kana nawala. Noong unconscious kana nga lang para na siyang mababaliw eh. Paano nalang kung umalis ka bigla na wala kang paalam diba.” salaysay ni Lalaine.
——
3days later. Kasalukuyan kami kumakain ng lunch ni Lalaine sa bahay ng mag ring ang cellphone ko.
“Hydeline, cellphone mo yata nagri-ring.” pansin ni Lalaine.
Agad ko naman hinanap ang cellphone ko.
“Si Xyron tumatawag.” sambit ko.
“Oh sagutin mo na.” agad na sambit ni Lalaine.
“Hi, napatawag ka.” bungad ko ng sagutin ang tawag ni Xyron.
“Namiss kita eh.” agad na sagot ni Xyron.
“Kahapon lang ng magpunta ka dito sa bahay, miss agad.” natatawa ngunit kinikilig kong pagkasabi.
“Namiss talaga kita. Kaya mamaya susunduin kita, may pupuntahan tayo.” sambit ni Xyron.
“Saan?” takang tanong ko.
“Basta, mamaya susunduin kita.” masayang pagkakasabi ni Xyron.
“Ok, anong oras ba?” tanong ko.
“3PM, susunduin kita d'yan.” sagot ni Xyron.
“I love you.” pahabol pa ni Xyron.
“I love you too.” kinikilig kong sagot.
——
“Ayieee ano daw sabi ni Xyron?” natutuwang tanong ni Lalaine.
“Magkikita daw kami mamaya. Susunduin niya ako.” sagot ko.
“Wow sana all may date.” natatawang pagkakasabi ni Lalaine.
“Yun narin ang pagkakataon ko upang sabihin kay Xyron ang pang samantalang pag kawala ko.” malumanay na pagkakasabi ko.
—XYRON POV—
“Ano, sa tingin mo maganda ba 'tong singsing na 'to?” tanong ko sa personal driver ko na sobrang ka-close ko rin.
“Opo Sir, napakaganda sobra. Siguradong magugustahan yan ni Mam Hydeline.” nakangiting sagot ng personal driver ko.
“Oo nga pala, ok na ba yung pinapaayos ko sayo?“ tanong ko.
“Opo sir ok na po.” sagot nito.
“Mabuti naman, dahil sobrang espesyal ang araw na 'to para samin ni Hydeline.” nakangiting pagkakasabi ko.
—HYDELINE POV—
Wala pang 3PM ay dumating na nga si Xyron, napakgwapo niya sa suit na suot niya. Para bang may occation kung manamit siya.
Agad niya akong inalalayan isakaya sa kotse niya.
“Saan ba tayo pupunta?” curious kong tanong.
“Basta.” tipid ngunit nakangiti niyang pagkakasabi saka hinawakan kamay ko.
Halos kalahating oras lang ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Isang beach resort na pagmamay-ari din niya.
“Bakit tayo nandito?” tanong ko.
Hindi siya sumagot at ngumiti lang sakin.Saka ako inalalayan maglalakad hanggang sa makarating kami sa gilid ng dalampasigan.
May malaking hugis puso na gawa sa petals ng rosas ang naka kurte sa buhangin.“Anong meron?” tanong ko sakanya.
Maya maya pa ay bigla nalang may tumugtog na musikero, napaka romantic ng kanta.“Hydeline, sobrang mahal na mahal kita. Hindi ko kaya na mawala ka ulit sakin, hindi ko kakayanin kapag nasaktan ka ulit dahil sakin. Gusto kita makasama habang buhay.” nakangiting pagkakasabi nito habang nakatitig sakin.
Maya maya ay hinawakan niya ang kamay ko saka lumuhod sa harapan ko at kinuha ang isang box na maliit sa bulsa ng suit niya.
“Hydeline, can you be my forever? Will you marry me?” proposed ni Xyron.
“Xyron.” sambit ko.
“Uulitin ko, can you be my forever? Will you marry me?” muling pagkakasabi ni Xyron.
“Oo naman, magpapakasal ako sayo.” masayang sambit ko.
Agad na sinuot ni Xyron ang napakagandang singsing sa daliri ko. At saka tumayo, pagkatapos ay hinagkan ako sa labi.
BINABASA MO ANG
Aquatic Goddess (BOOK #1)
FantasyHydeline is a 25year old girl who has an ability to control the water element, bumubuhos ang malakas na ulan sa tuwing malungkot siya at umataas naman ang alon sa dagat sa tuwing nagagalit siya. Her blood droplets can turn into a ruby stone.